Chapter Thirteen

37 2 3
                                    

  NANG magising si Rudny sa umagang iyon ay sobrang sakit ng ulo niya. Paano ba naman isang bote ng scotch ang nainom niya. Nakatatlong bote rin siya ng beer.

Panay hilot lang siya sa may sentido niya, agad niyang kinuha sa tabi ang smart phone niya. Pasado alas nuebe na pala ng umaga. Nang mapunta ang tingin niya sa higaan ng mag-ina niya ay wala na ang mga ito roon. Tuluyan na siyang bumangon at inayos ang pinaghigaan niya. Itinabi na lang niya sa may sofa iyon, saka niya naisipan na mag-shower.

Matapos nga siyang makaligo ay bumaba na siya sa may lobby, naroon nga si Beatrice at Jaxx Rube. Kasalukuyan nag-se-selfie ang babae, habang ang bata ay naglalaro ng games sa machine box na naroon.

Sa mabilisan na galaw ay agad siyang tumabi sa babae at sumama sa pag-se-selfie nito kasabay niyon ang pag-click ng shutter sa camera ng IPhone nito.

"Ano ba Rud! epal mo!"inis na bulyaw ni Beatrice. Akmang buburahin niya ang nakuhanan na shot ng agawin iyon ng binata.

"Aba  ang guwapo ko rito, save mo iyan o upload mo sa profile mo,"suhestiyon nito sa babae.

"Bakit ko naman gagawin iyon, hindi naman tayo,"wika ni Beatrice. Pero nang mapagmasdan niya ang magandang kuha nila ay hindi na niya binalak burahin iyon. Lalo at naroon din naman si Jaxx Rube, parang masasabing iyon na rin ang unang kuha nilang tatlo.

"Mommy! ako rin sali! sali!"Nagtatalon na agaw pansin ni Jaxx Rube sa kanila.

"Narinig mo si Jaxx Rube, tara shot mo na!"Saka nito binuhat ang bata at nilipad-lipad. Wala naman ng nagawa si Beatrice kung 'di sundin ang sinabi ng anak niya. Pinagkukuhanan nga niya ang bawat pose ng mag-ama niya na tuwang-tuwa. Siya man ay masayang-masaya, lalo na kapag nakikita niyang sobrang ikinatutuwa ng anak niya na kasama ang totoo nitong ama.

Makalipas nga ang halos limang minuto na kuhanan ay lumapit na ang bata kay Beatrice at kinuha pansamantala ang IPhone  niya para matignan ang kuha nilang tatlo.

Pansin niya ang pag-akbay ni Rudny sa kanya, pero pinabayaan na lang niya iyon. Dahil malamang sa malamang hindi niya rin ito mapipigilan.

"Tuwang-tuwa si Jaxx Bea, ikaw ba masaya rin ba n-na narito ako kasama niyo?"tanong ni Rudny na hindi napaghandaan ng babae.

"Oo naman, masaya ako... k-kasi masaya a-ang anak ko d-dahil nandito ka."Iyon na lang ang naisip na sabihin ni Beatrice at bigla niyang iniiwas ang tingin rito.

"Ikaw bakit mo pala nasabi iyon kagabi?"buweltang tanong naman ni Beatrice.

"Ang alin?"

Muli ay ibinalik ng babae ang tingin sa lalaki na nakatitig pa rin sa kanya. Minabuti niya na hindi ialis ang pansin sa mata ng lalaki kung magsasabi ito ng totoo sa kanya.

"You said na anak mo sa akin si Jaxx Rube."

Nakita niyang ito naman ang hindi makapagsalita.

"S-sinabi ko ba iyon, k-kasi ang totoo wala akong natatandaan kagabi. Ang alam ko natulog kaagad ako,"sagot ng binata.

"Sigurado ka ba,"usisa pa rin ni Beatrice halatang hindi naniniwala sa naging sagot niya.

"Naman! Bea bakit ako magsisinungaling. Saka kung ako man talaga sana ang ama ng anak mo. Gugustuhin ko, katulad ng pagkagusto ko sa'yo,"banat ng binata na ikinamula ni Beatrice.

"Kung ano-ano pinagsasabi mo!"kunwa'y naiinis na sumbat niya sa lalaki. Pero deep inside kilig na kilig na siya.

"Ikaw kasi, kung ano-ano rin itinatanong mo sa akin,"ngiting-ngiti na saad ni Rudny ay pinisil-pisil pa ang pisngi ng babae.

"Aray! tigilan mo nga 'yan! masakit Rud!"awat ng babae. Ngunit hindi nakikinig ito.

Hanggang sa sunod-sunod na kuha ng litrato ang pinagagawa na pala ni Jaxx Rube.

"Wow! ang sweet niyo naman Mommy!"tukso nito sa kanila.

"Ahy! Jaxx akin na iyan. Burahin mo!"Nag-umpisa na nitong habulin ang bata na nagpapahabol naman. Rinig na rinig ang kaingayan ng dalawa.

Pinapanuod na lang nito ang pagkukulitan ng dalawa, kung may lakas lang siya ng loob na aminin kay Beatrice na alam na niyang sa kanya si Jaxx Rube ginawa na niya. Kaso natatakot siya kapag nangyari iyon, dahil hindi magiging madali ang lahat kailangan muna niyang makuha ng buo ang puso ng babae bago niya sabihin ang totoo and with that kapag nangyari iyon. Aayain na niya itong Pakasalan siya agad-agad wala ng paligoy-ligoy pa.

SUMAPIT na ang gabi, ngunit nanatili na nasa labas pa rin ang anak niya at si Rudny. Kasalukuyan siyang lumalagok ng champagne ng makarinig siya ng mahihinang katok mula sa pinto. Nagmadali na siyang naglakad palapit sa pinto upang buksan iyon.

"Hai ate Shaina, napasyal ka sa room namin,"wika ni Beatrice na nakipagbeso-beso pa rito.

"Oo pasensiya na busy lang kaya hindi ko kayo nasalubong kahapon,"wika nito na tuluyan pinapasok ni Beatrice.

Naupo na siya sa sofa na naroon.

"Nasaan si Jaxx Rube, excited na akong mameet ang batang iyon,"wika ni Shaina na iginala pa ang paningin para hanapin ito.

"Naku! lumabas sila ate, manunuod daw silang live band sa baba kasama siya ni Rudny,"wika ni Beatrice.

"Huh? hindi ko alam na sumama iyon sa inyo. Teka, okay na ba kayo? akala ko hindi."

"Tulad pa rin ng dati naman, naiinis nga ako kasi si Dad ang may ideya na kasama si Rudny sa bakasyon sana naming dalawa ng anak ko. Kita mo mas sila pa ang nagba-bonding kaysa sa aming mag-ina!"kunwa'y reklamo ni Beatrice at tuluyan ibinigay kay Shaina ang may laman ng champagne glass.

Kita niya ang mahinhin na  pagtawa nito.

"Asus! duma-da-moves pa rin pala si Rudny sa iyo. Hindi na talaga siya makapag-move sa'yo kahit nagkaroon ka na ng iba. Parang nakikita ko rin si Novice sa iyo. Parehas kayo ng Kuya mo, todo pagtanggi pero halata naman na may feelings pa kayo."

"Hindi ah! ate nagkakamali ka!"deny pa rin niya. Ngunit umiling lang si Shaina.

"Ano ba, huwag ka ng mag-deny kasi ganyan din si Novice, magkapatid talaga kayo."Muli na naman humagikhik ito.

"Teka! what do you mean ate Sha, omg! kayo na ulit! ahy! congrats na agad ate, kailan uli kayo ikakasal."Na-e-excite ang tinig ni Beatrice.

"Ang bilis naman, pero go ako diyan!"

"Dahil diyan lets celebrate!"hiyaw ni Beatrice.

"Kaya ikaw huwag ka ng magpatumpik-tumpik sagutin mo na si Rudny,"panghihimok ni Shaina.

"Huh?" iyon lamang ang nausal niya.

"Hindi nga nanliligaw sa akin iyon, pero ano kayang mangyayari kung  magsasabi ito ulit sa akin. Papayag na ba ako? aiyssst! Ewan naguguluhan ako,"exxagerated na usal sa isip-isip ni Beatrice. Ngitian na lang niya si Shaina.

Mafia Boss Trapped (Season II) COMPLETEDWhere stories live. Discover now