Chapter Eleven

42 2 0
                                    

KINABUKASAN ay maaga pa rin nagising si Beatrice hindi dahil sa papasok siya sa office kung 'di iyon ang unang beses na lalabas siya kasama ang "mag-ama niya".

Sa mga huling salita ay parang nakaramdam ng kakaibang damdamin si Beatrice. Banyaga iyon sa kanya, dati-rati kapag naririnig niya mismo kay Seth iyon ay wala siyang makapang kahit na ano.

Pero pagdating kay Rudny ay nag-iiba siya.

"Umayos ka Bea, this is not a normal day. Dahil makakasama mo sa tatlong araw si Rudny,"pangangaral niya sa sarili mula sa harapan ng salamin. Nakasuot lang siyang dress na kulay lilac na may desenyo na dahon. Sakop niyon hanggang sa sakong niya. Naglagay din siya sa ulo ng summer hat para may panangga mula sa matirik na sikat ng araw. Simple lang ang pinili niyang isuot, ayaw niyang maging daring dahil kasama nila ang lalaki. Baka isipin na naman nito na nagpapasexy siya para rito.

Iyon pa man din ang pinaka-iwas-iwasan niya.

Pati ang ibang dinala niyang damit ultimo panligo niya ay pinili niya iyong hindi siya nagmumukhang sexy. Sa paraan na iyon ay sana tuluyan na itong tumigil sa kakakulit sa kanya.

Maya-maya ay isang katok ang nadinig ni Beatrice mula sa pinto, huminga  muna ng malalim si Beatrice bago tinungo ang  pinto at tuluyan binuksan iyon.

Kita niya si Rudny ang nasa labas, maluwang na maluwang ang pagkakangiti na parang naka-jackpot sa mga oras na iyon. Kapag ngumingiti ito ng ganoon ay kusang sumisingkit ang mata nito.

Nakasuot lang naman ito ng summer polo clothes. Bukas ang tatlong butones, tumatanaw tuloy ang perpektong abs nito. Khaki short lang din ang piniling pang-ibaba nito, kaya lantad ang maputi at mabalbon na biyas ng binata. Dahil naka-tuck in ito ay bakat na bakat tuloy ang kalakihan nito.

Sa isipin  iyon ay bigla ang ginawang pamumula ni Beatrice. Gusto niyang sitahin ang sarili.

"Ready?"tanong nito. Hindi na sumagot si Beatrice at tumango lang. Nakahinga siya na tila wala naman itong napapansin kakaiba sa kanya. Gayong naalala niya kung gaano kahaba at kalaki iyon.

Sa ilang beses na may nangyari sa kanila noon ay labis-labis siyang napapaligaya ni Rudny. Those days ang pinakamasayang araw na nagkasama sila.

Mabilis na kinuha ni Rudny sa kamay ng babae ang hawak-hawak niyang  maliit na bag. Upang saglit ay madama ni Beatrice ang init sa palad nito.

Panakaw lang naman niyang tinititigan ito, extra ang ginagawa niyang pag-iingat para hindi siya mahalata ng lalaki.

"Sige maupo ka na rito sa loob, balikan ko muna si Jaxx Rube sa silid niya. Baka okay na sila ng yaya niya,"saad nito.

Tinapunan muna ng binata ang mukha ng babae at kusa siyang kumindat dito. Agad ang pamumula at pag-iwas ng mukha ni Beatrice dahil huling-huli siya nito. Akala niya ay tutuksuhin siya nito ngunit tuluyan itong naglakad papasok muli sa loob.

Doon lang siya nakahinga ng maluwag.  Bigla pa siyang napasigaw ng mag-ring ang hawak niyang IPhone.

"H- hello..." nginig ang tinig ni Beatrice.

"Hai Bea, si Shaina ito. Nariyan ba si Novice?"tanong ng dating asawa ng Kuya niya.

"Si kuya ate, kagabi narito siya kaso kaagad din umuwi eh,"sagot niya.

"Ah ganoon ba, itatanong ko sana kung alam ba niya kung nasaan si Norvin hindi kasi nagpaparamdam ang batang iyon sa akin,"wika naman nito.

"Naku baka busy sa paggawa ng blog niya ate. Nag-announce siya last month na mamumundok siya,"sabi ni Beatrice.

Mafia Boss Trapped (Season II) COMPLETEDWhere stories live. Discover now