XVI

119 11 0
                                    

"Let me drive, Wil." Presinta ni Tania ng papasok na sana si William sa driver set. Kita ko pang kumunot ang nuo nito. 'Di nagtagal ay tumango ito at lumabas.

Lumipat siya sa tabi ng driver seat. Ngayon ay magkatabi na sila. Cute. Sensiya ka na Tania sa mga masasamang inisip ko sayo. Peace.

Ang buong itsura ng van ay balot na balot ito ng may tusok tusok, mga bakal na pinatulis. Kung sakaling may bumondol saamin ay matutusok ito at hindi mayayape ang van namin.

Ang walang tusok-tusok ay ang pintuang dadaanan namin papasok at palabas. Mahirap na baka nagmamadali kaming pumasok at baka matusok pa kami kung pati doon ay nilagyan namin.

Sa loob ay may higaang gawa sa foam ng couch, mas pina flexible namin iyo para natutupi. Nang sa ganun ay kung tapus na matulog ay may space kaming malaki-laki. Gumawa kami ng malaking pocket para sa lalagyan non.

Iyong stand ng higaan namin ay inilalagay lang namin din iyon sa pocket kasama ang mga foam nito. Sa ilalamin ng parang katre namin higaan ay ang mga gamit namin katulad ng mga plato, kalder, canned goods, pamalo at mga extrang damit.

Sa umaga ay wala ang higaan kaya itinatabi muna namin ang mga gamit sa may dulo para magkasya kami sa likod ng van. Wala ng couch kaya sa mismong lapag nalang kami uupo.

Pinalitan na din namin ang hapag, kung dati ay itim ngayon ay kahoy na. Pumasok na kami. Hindi na daw sila babalik sa pagtulog dahil may kape ng nasa tiyan nila. Dilat na dilat na daw ang kanilang mga mata.

Umandar ang van, nakita naming si Zel at Don-don ang nagbukas ng pintuan ng hardware. Inilabas ni Tania ang van at huminto. Pumasok na sila Zel, nakangiti. May pinag-usapan ata ang mga loka loka.

Umirap ako, iwan naiinis nanaman ako! Ramdam ko namang tumabi sa akin si Don-don. Sa harapan naman namin sina Asani, Tena at Zel. Nakangiti ang tatlo. Nag-aabang na mag usap kami!

"Hey, are you mad?" Pag-agaw niya sa atensiyon ko. Tumingin ako sa kaniya with taas kilay. "I'm sorry about sa nangyare saamin ni Amara. I didn't even expect na ganuon ka lala ang gagawin niya. And about naman saamin ni Tania. Sinabi ko na kanina, tell me you just want me to kiss you?" Ayus na sana, napakahangin naman nito! Buti nalang at hindi bumabagyo sa lakas makahangin!

Umirap ako, ang sa kanila ni Tania ay plano daw iyon para paselosin ako. Paano niya napasunod ang takot sa dumi? Huh? At kelan sila nagplano? Tss.

Natigilan ako ng isandal niya ang ulo sa balikat ko, nakakahiyang kumilos pagganto. 'Yung tipong ikaw na 'yong dihado pero ikaw pa 'yong nahiya. Hayy!

Pinabayaan ko na lang, hindi naman siya nagpapabigat. Unti unti ay hinawakan niya ang kamay ko ay nilaro laro iyon.

"Can't wait to put an engagement ring to these beautiful fingers." Bulong niya, narinig iyo nila Zel kaya kaniya kaniya silang hagikhik sa kilig. Hindi ko din mapigilang kiligin. Nag init din ang tenga ko.

Maya maya lang ay binuhat niya ako kahit nakaupo lang siya. Inilagay niya ako sa pagitnaan ng hita niya. Nakapatung ang mga hita ko sa isang hita ngayon. Nakaharap ako sa kaliwang bahagi niya. Niyakap niya ako mula sa posisyon niya. I find it cute though!

Nanahimik sila Zel ng tignan ko sila ng nagbabantang tingin. Makuha kayo sa tingin.

Napaigtad naman ako ng maramdaman ang mainit niya hininga sa leeg. Napasinghap ako ng dahan dahan niya dinadapuan iyon ng halik.

Namumungay na tingin ang bumungad saakin ng tignan niya ako. May gusto siyang gawin na hindi ko alam pero pinili niya nalang ipatong ang baba sa balikat ko.

Sobrang lapit ng mukha niya saakin natatakot akong lingunin siya. Baka magkahalikan kami!

"Hey," tawag niya pero hindi ako lumingon. "Hmm?" Sambit ko. Kita ko pang ngumuso siya, napangiti naman ako sa nakita. Ang cute niya sa posisyon iyon ah? "I love you." Sambit niya ay isinuksok ang mukha sa leeg ko at mas hinigpitan pa ang pagyakap.

Optimasksus (Zombie Apocalypse) [COMPLETED]Where stories live. Discover now