IV

327 18 0
                                    

"ARE you really sure about this? Pwede namang ipagpaliban na muna at bukas nalang ng umaga umalis." Tanong nitong nasa tabi ko.

Pagkatapus ko kasi umiyak kaninang madaling araw ay nakatulog ulit ako. Tas paggising ko, alas nwebe na ng umaga. Kaya naman, kahit hindi pa lubusang magaling 'yung sugat ko ay nag disesyon na akong umalis para puntahan sila mama. Ayoko... ayokong maulit ang nangyare kanina. Wala akong magawa dahil nasa malayo ako. I hate being like that!

Natauhan na lang ako ng may humawak sa balikat ko.

"I'm coming with you. I couldn't stand seeing you like this, tas naisipan mo pang umalis sa kalagayang 'yan." Pagkasabi ay hinila niya ako papuntang kusina.

May kinuha siyang black na bag, para lang siyang shoulder bag kung titignan. Ibinigay niya iyon saakin tas nag salita ng,

"Put some bottled water, canned goods and some snacks. 'Yan lang ang pwede nating madala sa ngayon, dahil sure ako na may madadaanan naman tayong mga tindahan doon. And i think, sa kalagayan ngayon magiging abandonado na rin naman 'yon." He gesture the boxes of canned goods, "Wag mo nalang damihan, baka 'di 'ko mabuhat. Sige, mag iimpake lang muna ako." I watch him go upstairs, nang mawala sa paningin ay nag simula na akong maglagay.

Wala sa isip ay nag lagay na rin ako ng tatlong canned goods at isang bottled water sa halos walang laman kong bag kundi ang apat na mga damit ko.

"Tapus ka na ba?" Tanong ng nasa likod ko. Humarap na ako sa kaniya at inilahad ang bag na puno ng pagkain. Well, ang nagpapuno lang naman ay yung mga junk foods.

"Is this all?" Tanong niya ulit, napa irap naman ako.

"Isn't obvious? Wala ng malalagyan, oh!" Irap pa ako ng irap sa kaniya ng hawakan niya ang kamay ko. Napahinto naman ako ng ilang segundo, nang makabawi ay itinaas ko ang kanang kilay ko.

"Ano nanamang kalandian 'to? Mister pervert stranger?!" I sigh,

"Well, i didn't introduce myself earlier. So, I'm Abaddon Hercules Massoullevè. I don't want to die, without you knowing my name." Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Leiarhha Khite Del la Fuente-Paz, at saka wag mo na ngang hawakan ang kamay ko. Lumang tricks na 'yan!" Sabay bawi ng kamay ko. Pinakawalan niya naman kaya hindi ako nahirapan. Agad na siya tumalikod at nagsimulang maglakad.

"Let's go," sambit niya, ngayon ko lang din napansin na may bakal siyang hawak. May kakapalan ito at lagpas kalahating metro ang haba.

"Mas maayus kung magsisimula na rin tayong gumalaw, baka maubusan tayo ng supply. I'm pretty sure hindi lang tayo ang buhay ngayon."
He added, sumilip pa siya sa munting bintana bago dahan dahang binuksan ang pintuan. Nagtama ang paningin namin ng iginawi niya ang tingin sakin. Nahihiya naman akong umiwas ng tingin.

"Come on, wag kang lalayo. Hawakan mo ng maayus ang bat mo, wag kang mag alangang paluin at wag na wag gagawa ng ingay, maliwanag?" Tanong niya pa, tinapunan naman niya ako ng tingin at nakita niya ang pagtango ko.

Porke maingat ang paglalakad namin ay may kabilisan din. Kakalampas palang namin sa pangalawang bahay ay may nakita kaming, isang bount na pa ika ika ang paglalakad.

Ang buong akala ko ay dapat lampasan namin 'yon para makapunta na pinaka highway nang biglang hinila ni Abaddon ang kamay ko ay tahimik na naglakad sa makipot na daan.

"Bakit—"

"Hush." Iyon lang ang narinig ko sa kaniya at nagpatuloy sa paghila saakin. Dumaan kami sa maliit na ilog, may kaputikang lupa, bato batong daan, at gubat.

Kasalukuyan namang nasa gubat kami ngayon, kung kanina ay magkahawak kamay kami ngayon naman ay hawak namin ng mahigpit ang mga pangsuporta para makatayo ng maayus.

Optimasksus: Zombie Apocalypse [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt