Nag para na ako ng tricycle saka ako sumakay. Tumingin ako sa kanya na ang sama parin ng tingin sakin. Hindi ko maintindihan kong ano bang problema niya. O kong ano ang nakain niya bakit kaylangan ihatid niya pa ako eh hindi naman kami close na dalawa. Saka si khella ang kaclose nila ni sir jiro. Naka inom lang ng alak eh nag iba na agad.

Nakarating naman ano sa tapat ng shop kaya Bumaba na agad ako sabay bigay kay manong ng bayad. Nag tuloy na agad ako sa loob. Nakita ko naman zi khella na naka upo sa may counter habang kausap si sir jiro.

"Bakit ang tagal niyo ni sir.?" Tanong ni khella sakin. Pumasok naman ni sir gomez na ang sama parin ng tingin sakin.

"Wala." Nasabi ko nalang dahil maski ako hindi ko alam isasagot ko. Ay nako.

"Nga pala pinapatanong ni cedric kong sasama ba tayo sa outing nila.?" Tanong ni khella sakin.

"Hindi ko sure. Uuwi kase si papa sa Sunday eh." Sagot ko naman sa kanya.

"Ay ganon." Nasabi niya nalang.

"Tatawagan ko nalang si Cedric mamaya." Sabi ko naman kay khella.

"Sige tapos mag inom nalang tayo sa bahay niyo." Sabi naman ni khella.

"Sige." Maikling sagot ko.

Napatingin naman ako kay sir gomez at sir jiro. Si sir jiro nasa labas pala may kausap sa phone niya habang si sir gomez naka upo habang naka tingin sakin. Tumayo ito saka tinawag si khella at inaya sa labas. Hindi ko nalang sila pinansin dahil tumunog naman ang phone ko. Pag tingin ko si kuya marco pala.

"Good morning." Masayang bati ko.

"Good morning din. Nasa trabaho kana agad.?" Tanong niya. Ngumiti naman ako. Nag tataka to bat ang aga ko.

"Oo. Kasama ko si khella sabay kami pumasok." Sagot ko naman sa kanya.

"Okay. Text ka samin ni kuya mario mamaya pag pauwi kana." Sabi ni kuya marco.

"Okay po." Masayang sabi ko saka nag paalam at patay ng linya. Pag harap ko naman para tingnan si khella at si sir gomez ay nagulat naman ako dahil mukha agad ni sir gomez ang nakita ko. Naka kunot pa ang noo nito na naka tingin sakin.

"Sinong kausap mo.?" Tanong niya agad.

"Si kuya marco." Sagot ko naman sa kanya. Pero naka tingin lang siya sakin kaya pinakita ko sa kanya ang phone ko para sabihin na si kuya marco talaga ang kausap ko. Tumango-tango naman siya.

"Alis na kami ni jiro. Tatawagan nalang kita mamaya." Sabi niya pa.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Sabay na tayo umuwi mamaya." Sagot niya naman.

"Pero mag papasundo ako kay kuya marco mamaya." Sabi ko naman sa kanya.

"Sabihin mo sasabay kana kase pauwi." Sabi niya naman. Kunti nalang mag tataas na siya ng boses niya.

"Oo na sige na." Nasabi ko nalang sa kanya saka ko tinext si kuya marco.

"Tatawag ako mamaya." Sabi niya pa. Hindi ko nalang siya pinansin. Hindi ko kase maintindihan dahil parang nag iba ang pakikitungo niya sakin. Para siyang boyfriend na biglang mag susungit pag hindi nasunod ang gusto. Basta ganon. Gets niyo na yon.

"Alis na kami." Paalam niya pa. Tumango lang ako sa kanya habang nag titext kay kuya.

"Wala ka talagang balak tumingin sakin.!" Inis na tanong niya sabay kuha sa phone ko. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Ano ba problema mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina pa kita kinakausap ni wala kang sagot. Kahit tumingin ka sakin ayaw mo." Galit na sabi niya.

"Oo na sige na. Ingat." Nasabi ko nalang sa kanya sabay agaw sa phone ko dahil nalilito na ako sa mga kinikilos niya. Hindi na siya normal.

"Pag ako tumawag mamaya tas hindi mo nasagot. Patay ka talaga sakin." Sabi niya saka siya umalis. Nag paalam pa siya kay khella.

Ng makaalis sila lumapit naman agad sakin si khella na parang kinikilig pa.

"Omg bhiee... Mukhang tinamaan sayo si sir gomez." Masayang sabi ni khella sabay hampas sa braso ko.

"Ano bang pinagsasabi mo. Tumigil ka nga." Nasabi ko naman sa kanya.

"Ay nako. Di kapa kase nag kakajowa kaya di mo alam kong pano kiligin at pano mapapansin kong may gusto ba sayo ang isang tao o wala." Sabi niya naman na natatawa pa.

"Ewan ko sayo khella. Wag mo nalang pansinin kong ano man nakita o narinig mo kanina. At kong ano manyang iniisip mo dahil never mangyayari yon." Nasabi ko nalang sa kanya.

"Bahala ka. Pero payo ko lang ingat kay sir gomez. Di natin alam kong ano ba ugali niya pag dating sa isang relasyon." Paalala ni khella sabay tapik sa balikat ko. Napatingin lang ako sa kanya. Napaisip na rin. Nag kibit balikat at natawa na rin dahil sa mga iniisip ni khella.

Nakakatawa lang dahil ang mga iniisip niya ay never naman talaga mangyayari yon.

•••••
Itutuloy....

MR. POLICEMAN IS A WALKING RED FLAG (BOYxGAY)Where stories live. Discover now