Chapter 69 ♬ Close to End

39.7K 810 128
                                    

Dedicated sa kanya :) thank u for being a wonderful reader. Sana po wag kayong magsawang suportahan ang stories ko hanggang matapos ko 'tong LTMS. Godbless always and keep inspiring! :)))

VOTE.COMMENT.VOTE.COMMENT.

Sorry to keep you waiting!!

And I want to thank u all for supporting my story <3

Happy 500,000+ reads LTMS! Never in my life I expect this to happen! 

THANK YOU ALL SO MUCH!! and ENJOY!

***

Chapter 69

(Unedited. LOL! Inaantok na meeeee. Better to post this than nothing.)

Jace’s POV

Pagkahila ko sa kanya dali-dali ko syang binuhat at inilapag sa lupa. Biglang humupa ang tubig wala ng umaalpas na kamay tulad kanina. Nagsimula na akong kabahan para sa isa pang naiwan doon. Babalikan ko pa sana pero nakita ko si Niel na nagmamadaling tumalon sa tubig.

Bumalik ako kung saan ko sya inilapag at sinumalang gawin ang C.P.R.

Breathe! Breathe! Breathe! Sigaw ng utak ko sa bawat pump sa dibdib nya. Kahit anong sign ng paggalaw wala akong makita kaya nagsimula na akong kabahan. Hindi ‘to maari. Hindi ‘to pwede. Sya na lang ang natitira sa akin at kung iwan nya rin ako…

Dahil hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin.

Mula sa tubig may narinig akong pag-ahon. Nakita ko si Niel na may buhat sa kanyang mga bisig, basang basa, at nagmamadaling tumakbo palayo na para bang yun ang buhay nya. Ng magtama ang paningin namin nakita ko roon ang galit na ni minsan hindi ko nakita sa kanya. Kay Niel na matalik kong kaibigan.

*cough!*cough!*

Nawala ang tingin ko kay Niel at agad na nailipat sa babaeng nasa harapan ko. Sobrang saya ko ng makita na meron na syang malay kaya agad ko syang niyakap ng napakahigpit. Sa sitwasyong ganito sinesermonan ko na sya dahil sa pagpapahamak nya sa sarili nya at sa pagpapakaba sa akin. Lahat ng yun ginagawa ko dahil mahal ko sya at ayaw kong mawala sya sa akin. Because right now, only her matters.

“Jace” sabi nya pagkatapos ng pagkahaba habang sermon na sinabi ko. Usually kahit ano pang galit ang nararamdaman ko marinig ko lang ang boses nya agad agad itong nawawala. Pero bakit ngayon wala akong maramdaman?

 I cupped her face and caressed her ever so softly. Sobrang saya ko na ligtas sya kabaliktaran naman ng iyak na naririnig ko kung saan inilapag ni Niel ang dala nya di kalayuan sa amin. Hingal na tumakbo si Nathan kung nasaan si Niel at sumunod din sila Rico at Shane para tingnan kung ano ang nangyari. Lahat sila ay bakas ang kalungkutan sa kanilang mga mukha na hindi ko mawari. Muli kong hinarap ang babaeng nasa harap ko at bigla akong nanlamig.

Si Clarisse ang nailigtas ko at hindi si Serene na inaakala ko.

Tumayo ako at lumayo sa kanya na animo’y nakakita ng isang multo. Wala akong ibang naririnig kundi ang mabilis na kabog ng puso ko sa aking dibdib. Dahan dahang kong inilipat ang tingin sa babaeng iniiyakan nila at kusang humakbang ang mga paa ko papalapit sa kanya.

Anong nangyari? What have I done?

Itinulak ko si Niel mula sa pagkakaluhod sa tabi ni Serene. Naiinis ako dahil wala syang ibang ginawa kundi umiyak. Nanginginig kong ipwinesto ang kamay ko sa dibdib nya para gawin ang C.P.R. saka ilang beses na ichineck ang pulso nya sa leeg pati na rin sa kamay. Natigilan ako bigla ng makita ang Gclef tattoo sa kamay nya. Ito ang dahilan kung bakit hindi sya ang hinila ko. Hinila ko ang kamay na walang tattoo sa pag-aakalang sya ang nahila ko.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon