Chapter 14 (Fallen)

351 10 1
                                    

Chapter 14

"P-Pinagsasabi mo riyan? Huh? Wala akong nakitang lipstick marks sa leeg mo, Don Safeirio... At hindi ko na iyon problema kung mayroon nga. I don't know what jealous do you mean..."

"I hope you didn't falter at the beginning so I'd believe you right away."

Nautal ako dahil nakakapagpabilis ng tibok ng puso ang pagiging sure ball niya sa sinabi. Bakit alam niya 'yon? Sino'ng nagsabi sa kaniya na iyon nga ang dahilan ng weird kong pagbabago?

Itinuwid ko ang dila nang hindi na mabulol ulit at mapaghalataan. "Eh, ikaw kasi, eh... Kung anu-ano'ng sinasabi mo. Hindi naman totoo. Bakit naman ako magseselos? Eh, sa wala naman talaga akong napansin... At kahit pa mayroon, ano naman ngayon? Buhay mo iyan, ikaw ang bahala riyan. Wala naman akong gusto sa 'yo, eh..."

His neck stretched slightly, the corners of his eyes narrowed while still gazing at me. His eyebrow even raised after a while. Papungay nang papungay ang mga nang-iintriga niyang mga mata.

Nagulat ko ba siya? Ako rin, eh.

Tinatawanan ako ng isang angel ko. Alam niyang hindi rin ako sigurado sa binitiwan.

"None?" His eyes narrowed even more as if trying to pry, looking at me as if targeting me to confess and tell the truth.

Hell no, he also knows that I am lying!

"Oo... Wala," naninindigan ko namang isinagot. "Wala naman talaga, eh. Bakit naman ako magkakagusto sa iyo, eh, ang sungit-sungit mo at laging galit? Madalas mo akong takutin, pagbantaan at gawing katuwaan. Ang isang babae, nafa-fall lang sa taong nanliligaw sa kaniya. Tipong pinu-pursue siya. Nirerespeto siya, inaalagaan at minamahal..."

May natutunan din pala ako sa maikling panahon na panliligaw sa akin ni Miro.

"Tch..." Nagkibit-balikat ako. Bored na napakamot sa ulo.

I really want to see him introspect and come to terms with what he realized from what I said, if there's any. But I didn't notice any significant reactions from him. Pinagbibintangan niya akong nagseselos pero wala namang maipakitang resibo sa idea niyang 'yon.

"Hindi kita manliligaw, Don Safeirio. Walang dahilan para magustuhan kita... Iyong mga pangungulit at pag-ali-aligid ko sa iyo, normal lang iyon sa akin. Para sa akin... parang amo na rin kita... Gusto kitang makasundo dahil ayaw kong mahirapan sa buhay ko rito... Pero..."

Huli na para bawiin ang intro ng pagtawa ko. Nailabas ko na ito. I closed my mouth and became serious again.

"S-Sorry... Natatawa lang ako. Baka kasi sina Sir Ramcy ang nag-report sa iyo nang palagian kong pagkatok at pag-abang sa iyo sa pinto mo... Na-misinterpret nila..." Napahawak ako sa tapat ng tiyan ko sa pagtawa nang malakas. "Mga mai-issue rin pala ang mga alipores mo, 'no?" Tumigil ako at idinagdag, "Pero totoo ang mga iyon... Ginawa ko talaga. Pero hindi naman ibig sabihin no'n na gusto na kita, Don Safeirio... Hindi ako... magkakagusto sa inyo... Hindi ako nagkakagusto sa taong alam kong wala ring chance na magkagusto sa akin... I know why I'm here now. It's because of your anger towards me and my family. Hindi ko kinakalimutan 'yan..."

I smiled, even though I was almost dizzy from staring at his deep, blank face.

"Excuse me... May aayusin lang ako sa kuwarto ko. Parang... re-reglahin na yata ako ngayong araw..." Nag-bow ako sa kaniya at umalis na.

I examined myself in the bathroom. It's the first day of my visit this month. There's thick brown discharge on my underwear. Mahina pa naman ang daloy pero magiging pasanin ko na ito simula bukas. Wala akong napkin na gagamitin. Hindi na lang muna ako lalabas ng kuwarto sa loob ng seven days.

The Richest Don's Young Wife (Fallen Temptation Series Two)Where stories live. Discover now