Chapter 8 (Blind)

388 14 0
                                    

Chapter 8

Tiningnan niya lang ako nang plakadong plain na ekspresyon, na tila walang espesyal sa sinabi ko para mapa-react siya.

Bakit pa siya nagtanong, 'di ba?

Tahimik kong pinanood muli ang paglakad niya paalis. Napalunok ako at natulala sa likod niyang gumagalaw. He looks sleek and powerful in a dark suit, crisp white shirt, and polished shoes. Magulo ang ilang hibla ng buhok niya. Pinagtatalunan ng mga nerves kong chismosa sa utak ko kung nakuha ba niya iyon sa biyahe o sa pakikipagrambulan niya sa babae.

I shrugged my shoulders and let out a sigh, then walked normally following him. Hahayan ko na lang muna siya. Baka ayaw lang niya akong makita o makausap sa ngayon.

Nang umakyat siya ng hagdan, hudyat na rin ng pananahimik muli ng buong mansion. He was not approached by anyone among the people here. It seemed like he would be the one to signal whether they would speak or not.

Nakatulog akong ang huling naiisip ay siya. Kung bakit siya umuwi rito agad. I thought he would stay longer at his destination.

Alas kuwatro nang madaling araw nang magising ako. I fixed the bed. Afterward, I went into the bathroom to rinse my mouth, brush my hair, and change clothes. Naghanap ako ng ibang damit na hindi dress sa closet pero wala akong nakita kahit isang naligaw man lang.

Bumaba ako ng hagdanan na ang leeg ay tila nabingwit at ang panungkit nito ay nakapuwesto sa left wing kung saan naroon ang silid ni Don Safeirio. My gaze cannot be removed from there.

Ano na kaya'ng ginagawa niya sa ganitong oras?

Gising na kaya siya?

"Ano'ng oras kaya gumigising ito? Hmmm..."

Naghihilaan na ang liwanag at dilim sa labas. Malamlam ang liwanag sa living room, tulog din ito. Inilibot ko ang paningin bago pinuntahan ang sadyang parte ng mansion, ang kitchen.

Even from a distance, I can hear the other busy tasks there. Water is pouring, spoons, plates, and cooking food are clattering, and chopping sounds can be heard from the cutting boards. At ang mga naghalo-halong aromas ng mga pakain ang sumasalubong sa akin.

"Ang sarap... Nagutom ako bigla..." Naglalaway na pati dila ko hindi ko pa man nakikita ang mga putahe.

Lahat napatingin sa akin sa biglaan kong pagsulpot. My smile grew bigger upon seeing the different and new faces of the people here. Si Manang Wendy lang ang kakilala ko sa kanila. May dalawang matandang babae at dalawang matandang lalaki. Sila ang nakatoka sa pagluluto at paghihiwa. Ang dalawa pa ay... dalawang batang dalaga. What they are working on is washing and arranging the cooked food on the long wooden table. Naka-apron silang lahat at nakatali at naka-hairnet ang mga buhok. Nakasuot din ng face mask.

Napatigil sila sa ginagawa na tila ba napahiya dahil nahuli ko silang nandidito. Hindi nga dapat, eh. Mas natuwa pa nga akong malaman na hindi lang pala kami ni Manang Wendy ang babae rito.

"Binibini," tawag sa akin ni Manang Wendy sa nabitin niyang ginagawang pag-aayos ng mga pagkain sa mga trays.

"Hello po. Magandang umaga... Ang aga naman po ninyong nagluluto..."

"Ang aga ninyong gumising. Bakit ho kayo bumaba, binibini? May kailangan po ba kayo?" tanong ni Manang Wendy. Her face appears as if she's not comfortable with me being here now and watching them.

Umiling ako habang binabaybay ng paningin ang iba pa niyang mga kasamahan na nagugulat sa presensiya ko.

"They continue with their respective tasks, but their eyes are still on me."

The Richest Don's Young Wife (Fallen Temptation Series Two)Where stories live. Discover now