Chapter 10 (Taste)

344 12 0
                                    

Chapter 10

"Sa pangit kong ito pag-iinteresan ako ng mga tauhan mo!" agaran kong sinabi para pagtakpan ang kaba.

Pinaghuhubad niya ako nang pahamon at kinakabahan ako!

Fortunately, he is blind. Even if he can see, it's still clouded. Pero iba pa rin talaga na nakatingin ito sa akin habang nararamdaman kong napagko-connect-connect niya ang mga malalabong nakikita- lalo sa itsura ko ngayon. I was wearing something, but it became see-through because the fabric absorbed water.

"Hindi ako pag-iinteresan ng mga tauhan mo dahil sa 'yo. Hindi ba sila takot sa 'yo? Ikaw ang boss nila kaya bakit sana nila itataya ang mga buhay nila dahil sa akin? Sino ba ako rito? Wala naman, eh. Bilanggo."

"No matter what you say, you still can't deny that they have the physiology and anatomy of eyes to see you!"

"Oo nga. Nandiyan na tayo. Hindi naman ikaw ang nawalan, eh. Hindi naman ikaw ang nakitaan kung sakali, eh. Ako. Hindi ho ikaw, Don Safeirio. Hindi mo na iyon problema pa."

While I was speaking, I couldn't help but marvel at his sudden shift to being calm from his wrath earlier. Nakalimutan ko pansamantala na nilalamig at basa kaming pareho.

"Hmmm... Concern ka sa bilanggo mo?"

I suppressed my smile. Feeling ko hindi niya magugustuhan kapag maaaninag niya ang pagkurba-kurba ng mukha ko sa pagngiti.

"Concern ka sa akin?"

"Concern?" Napangisi siya nang nakaloloko.

"Eh, ayaw mong tumigil. Ano ba dapat ang isipin ko sa ginagawa at sinasabi mo kanina? Nagagalit ka dahil doon."

The curve of his smile widened even more as he played around with it. "I don't share food that I haven't tasted yet. I only give it away or throw it when I'm done..." pahinay-hinay niyang sinabi. His eyes flickered. "And we both know I'm not done with you yet."

Hindi ako nasaktan o nandiri sa nalaman, sa plano niyang kay-dugyot! Nalungkot at disappointed, a million percent yes. But I tried to calm my emotions bago pa mag-reflect sa mukha ko.

"S-So, pagkatapos mo pala sa akin, parang tirang-pagkain mo na lang ako ipamimigay sa mga tauhan mo... G-Gusto mong..." Iniwan ko sa lalamunan ang mga mas malalalang salita kasunod ng sinasabi. Iniisip ko pa lang ay nadu-dugyutan na ako sa sarili. "Balak mo pala akong gawing pulutan ng l-lahat..." Huminga ako nang malalim. Sumusuko na. "Okay. Kung kaya ng sikmura mo, eh di, gawin mo."

"You like it?"

I grinned in frustration, trying to stifle the scream inside me.

"You said you like men. Aren't you supposed to be happy? Because after I use you, how many men will taste your body? My men are lining up for you. Ipahihiram ko sa iyo ang mga tauhan ko. Aren't you happy?"

Tumingkayad ang sulok ng mga labi niya sa patuloy na pagngisi.

Alam na nga niyang virgin pa ako. Gusto lang talaga niyang pagmukhain akong mababang babae dahil sa pagsisinungaling ko sa kaniya tungkol sa pagiging hindi na birhen at pagkahilig ko kuno sa mga lalaki.

"Dugyot," gigil kong buwelta sa kaniya sa maliit na boses. "Dugyot ka," ulit kong sinabi sa nangingisay na mga mata at mga labi dahil sa bahagyang panginginig ng mga ilang parte ng katawan dahil sa inis. "Iyan ang dahilan kaya gusto ko na lang ang mamatay! Dahil ayaw kong mamatay sa dugyot na paraan..." I spoke quietly, but my shoulders and chest rise and fall due to the impending explosion of outrage.

Yet, there was no change in his emotions. He's really just being true to what he said. Pinagsisisi niya akong pinuntahan ko siya rito. Nabunyag niya nang hindi oras ang agenda niyang iyon sa buhay ko.

The Richest Don's Young Wife (Fallen Temptation Series Two)Where stories live. Discover now