Chapter 11 (Typhoon)

339 13 2
                                    

Chapter 11

Napakalakas ng ulan at hangin sa labas. Pati mga sangang malapit sa mga bintana, humahampas-hampas sa mga salamin ng mga bintana ko. May mga dahon na ring dumidikit-dikit sa mga 'to. It's not just a simple rain happening outside but a strong typhoon.

Ang pangamba ko sa bagyo ang nagpahiwalay sa akin sa mga isipin ko tungkol sa huling pag-uusap namin ni Don Safeirio. I have been eagerly waiting for them to bring their pets inside, especially their rabbit named Butchog. Binalik na kasi ito ni Manang sa kulungan niya sa labas ilang oras pa lang na magkasama kami noon.

Every time I hear a voice downstairs, I go out to look through the living room. Nagbabakasakali lang na baka biglang kasama na nila si Butchog. Pero siyempre para chance ko rin na malingunan ang pinto ng Don. Hindi na siya lumabas ng kuwarto, eh. His men brought his food during lunchtime earlier. Hinandaan rin nila ako ng pagkain sa dining kaya mag-isa kong nag-lunch kanina roon.

I heard footsteps again, so I ran to take another look downstairs. Nang makita ko ngang may dala-dala si Mr. Ramcy na basket ay nasisiyahan akong nagmamadaling bumaba ng hagdanan. Nakikita ko iyon! Tulugan na basket ni Butchog iyon!

"Mr. Ramcy, si Butchog ba iyan?"

I am excited and absolutely certain that I asked him. Naka-cap ito at basang-basa ang uniform. Kahit kasi ganito ang tiyempo, naka-duty pa rin sila pero nakabantay na sa mga silong sa labas ng mansion. Tatlong beses ko na silang ginawan ng kape para maibsan-ibsan naman ang panlalamig nila. I'm just really lucky because they allow me to go in and out of the kitchen.

Gusto ko na ngang sabihin na pumasok na sila, eh, kasi hindi naman ako makatatakas sa islang ito. Pero malay ko ba kung ako lang ang dahilan ng ginagawa nilang mahigpit na pagbabantay sa buong isla.

Napabuntong-hinga nang malalim si Mr. Ramcy- hingang mapapasabak na naman sa pangungulit ko.

"Basket ni Butchog iyan... Akin na siya." Nakangiting-sagad kong inilahad ang mga palad ko patungo sa kaniya.

"Binibini, bilin ng Don na huwag siyang ipaaalaga sa inyo. Dadalhin ko siya sa kusina at pansamantalang iiwan sa isang bakanteng-kuwarto roon hanggang sa matapos ang bagyo."

"Oh... Gano'n ba? Saan po ba'ng kuwartong iyan? Para sisilip-silipin ko na lang siya roon. Ako na rin ang magpapakain sa kaniya."

"Kami na ho ang gagawa niyan, binibini. Sa amin siya ibinilin at hindi sa inyo."

Nilagpasan niya ako at lumakad na papuntang kitchen. But because my goal is really to be with Butchog, I followed him like a dog.

"Alam ninyo ang dahilan kaya ayaw nang ipahawak ng Don si Butchog sa inyo," imik niya nang mahuli niya akong sumisilip-silip sa basket.

Napalunok ako. "Hindi ko naman alam na may standard na pag-aalaga kay Butchog, Mr. Ramcy... At saka nag-sorry na po ako kay Manang Wendy. Natuto na ako kaya hindi ko na uulitin iyon..."

Ginupitan ko lang naman iyong balbas ni Butchog. Whiskers yata ang tawag sa mga iyon. Ang haba kasi, eh. Napansin ko habang pinapakain ko siya na nakakain niya ang mga iyon kaya binawasan ko nang kaunti. Este... dahil biglang naglilikot si Butchog noon, nagkamali ako ng gupit. Ang haba ng nagunting ko, na halos masagad na iyong balbas niya. Pinantay ko na lang para hindi pangit tingnan.

"Basta hindi na po ninyo trabaho si Butchog mula ngayon. Dinala ko lang siya rito para hindi ma-trauma sa mga ingay sa labas," aniya nang makarating na kami sa tapat ng magiging silid ni Butchog. He went in there and closed the door as well. I was not given a chance to even catch a glimpse of him.

Yeah, boy si Butchog.

Masama ang loob ko nang bumalik ng silid. It's boring when there's no one to entertain you. There's a big flat-screen TV in the living room, but it doesn't seem to work, and it seems like we're not allowed to use it. Never ko pang namalayan na may gumamit doon.

The Richest Don's Young Wife (Fallen Temptation Series Two)Where stories live. Discover now