Tatayo na sana ako para umalis ng higitin na naman ni Lewis ang braso ko. Wala na rin kasi ang prof namin kaya ang lakas ng loob niyang hawakan ulit ako.



"Kung kanina hindi ko magawang saksakin ka ng ballpen, pwes ngayon baka pwede na kung hindi mo tatanggalin iyang kamay mo." Malamig na sambit ko sa kanya habang sinasamaan ko siya ng tingin.


Kita ko ang kaba sa mga mata niya pero tinatago niya lang iyon sa pagngisi nito na para bang walang pakialam kung may mga kaklase pa kaming nakakakita sa ginagawa niya ngayon sakin.

Papansin talaga.


"Aww, LQ."


"Diba magjowa iyan dati pa tapos nagbreak lang? Comeback na ba ito?"


Dahil sa mga narinig ko ay hinanda ko ang ballpen para tusukin siya sa kamay.


Saan naman kaya nila napulot iyang kwentong barbero na iyan? Mga bobo.


Tumayo si Lewis sa kinauupan niya nang may ngiti sa labi. Tuwang tuwa kasi siya sa atensyon ng iba. Ano pa ngang bago dito? Eh napakahangin niya.


Nilapit niya ang isang kamay niya sa pisngi ko para haplusin sana ako ngunit bago pa man dumampi ang manyak niyang kamay sa mukha ko ay may humila na sa akin palabas ng classroom.


Nagpatianod na lang ako sa bilis ng paghatak niya sa akin. Nagmamadali din itong maglakad sa kung saan man makalayo lang kami sa lalaking iyon.



Pinagmasdan ko ang likod nito. Ang mga buhok niyang kulay brown na tila lumulutang dahil sa hangin gawa ng pagmamadali niya sa paglakad. Amoy ko ang pamilyar na pabango nito na patuloy na humahalimuyak sa ilong ko.



Ramdam ko na rin ang pagbilis ng puso ko at tila nawalan ako ng hininga nung humarap na ito sa akin.


Anghel.



"Are you alright?" Malambing nitong tanong sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagaalala. Ang mga mata niyang nangungusap.



"Hey, Zamora?" Naramdaman ko naman ang haplos nito sa pisngi ko na pakiramdam ko'y pulang pula na sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.


"I- uhm.. I'm f-fine." I stutter. The fuck.


Tumango ito at binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. "That's.. that's good to hear." She sighed in relief.




Yumuko ako ng bahagya dahil nahihiya ako sa itsura ko ngayon. Feeling ko napakahina kong tignan dahil sa pangyayari kanina.



Tinanggal ko na rin ang pagkakahawak ng mga kamay niya sa braso at pisngi ko. Hindi ko kasi kinakaya yung lambot at init ng palad niyang tumatama sa balat ko. Feeling ko lalabas na rin ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang pagwawala nito at hindi ko alam bakit ganito.

"Thanks, Ma'am Adler. Una na po ako." Sambit ko at yumuko ng bahagya para magpasalamat.


Tatalikod na sana ako ng magsalita siyang muli. "H-have you eaten?"

Umiling ako. Nawala ata yung gutom ko dahil sa pangyayari kanina. Nakakainis talaga yung lalaking yon. Bakit ba kasi sa dami ng university, dito pa niya napili! Ang alam ko sa iba na siya mag-aaral eh. Hays!


Bigla na naman akong nakaramdam ng inis dahil sa lalaking yon. Panira ng araw.


"Zamora? Are you sure you're okay?" Bakit ganyan siya makatingin. Bakit concern na concern ito sakin?

This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now