CHAPTER X AS FRIENDS

7 1 0
                                    


Linus POV


"Walang finger print sa kahit anong sulok ng bahay. Wala nang ibang kahina-hinalang bagay, sa totoo lang, masasabi kong malinis talaga ang pagkasasagawa ng pagpatay niya ngayon. Ugh! Ang hirap!" Napahilata sa sofa ng Pegasus lounge si Xanthine sa sobrang pag-iisip. 


Kung sa bagay mag-aala una na pala ng umaga at kakauwi lang namin galing sa pag-iimbestiga sa killing case ni Miley Sandoval. Ang kawawang modelo, nahati ang mukha at nakatali pa ang buong katawan hanggang sa mamatay ito. 



"Ayun sa napagtanong-tanungan ko, naunang namatay ang katulong ni Miley. Bandang alas tres ng hapon natagpuan itong walang buhay sa labas lang ng condo niya. —"


"Ang nakakapagtaka, narinig pa daw ng mga napadaan na parang may kausap o may tinatawag pa daw na Inday si Miley, pagkauwi bandang alas otso" sabi ko naman habang umiikot-ikot sa bangko ko.



"Ibig sabihin, hindi alam ni Miley na patay na ang katulong niya? Tama!" napatayo naman itong si Xanthine at nagtaas ng kamay na tila alam-alam ang sinasabi. "Guys, yung killer, maaring nagpapanggap na katulong? Ginawa ang mga gawain ng katulong at naghintay lang ng tamang timing at yun! Bam! Pinatay niya na ang model."




1 week narin ang nakakalipas, simula itong dalawa. Di man makapaniwala, subalit madalas ko nang nakikitang nakikipagtawanan na si Master Bryner kay Xanthine. Lumabas na silang magkasama at minsan kumakain ng magkasama, hmm. akalain mo nga naman, tanging si Xanthine lang ang makakagawa ng lahat ng iyon. Dahil kahit kelan man, never pa sa history ng buong Neptune na may babaeng naging malapit kay Master. Never kahit ang mga maalindog na miyembro ng Team Gemini.



"Hmm. Maari. Nice guess Agent Buenavista, at maari ring nung pinatay niya ang katulong, doon rin siya nakakuha ng pagkakataon na makapasok sa bahay. Tama... Agent Reyes, pakihack ng CCTV camera ng Condominium, tignan mo ang bawat tao na napunta, napadaan at napasok sa condo ni Miss Miley." Sa tingin ko, maganda nga naman ang naging epekto ng pagbabati nila.


"Yes, Agent Hails," at sinubukan ko nga ihack ang CCTV subalit nung akmang ihahack ko na sana, biglang error. Wala na ang Video. Wala nang laman ang CCTV nila sa petsang namatay ang modelo at ang katulong. "Master, wala na, may nauna sa atin kunin ang kailangan natin."


"Ano ba yan. Paano pa ba natin matratrace kung sino ang may gawa nito? Napakalinis naman kasi," sabi ni Xanthine at habang nakita kong nainis naman si Master Bry. "Hmmm. Bryner pwede dismiss muna tayo? nagugutom na ko eh" 


"Pero madami pa tayong dapat —" 


"Pero Bryner, nagrerebelde na yung sikmura ko. Maya na natin pagpatuloy to please?"


"Fine! Let's take a break. Let's be back After —"

"2 hours?" dugtong ni Xanthine at sinamaan naman siya ng Tingin ni Bryner.

"No! 1 Hour lang ang lunch!"

Monster Inside Me (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon