CHAPTER VII Finding for Clues

6 1 0
                                    



Linus POV


"Aray, ko po ang sakit ng ulo ko Master. Di ba ko pwedeng magday-off man lang?" paghimutok ko habang hinihintay siyang nag-aayos ng kung ano sa laptop niya.


"Day-off mo mukha mo. Sa bahay ka na nga natulog diba? Nang dahil sa kalasingan mo, talagang si Rothia pa ang nag-alaga sayo." Yung totoo? Anong problema dito, yung paglalasing ko o yung kapatid niya ang nag-alaga sakin?


"Haha, Master, selos ka ba ha?" natatawang sabi ko sabay tapon sa kanya ng throw pillow na akap-akap ko.


"Tsk. Bakit naman ako magseselos aber?"


"Eh si Rothia, inalagaan ako nung lasing ako, ikaw hindi? Bwahaha, one point for me!" Si Master Bryner, he has been so protective sa kakambal niya. Na kahit sinong lalakeng nauugnay dito ay di niya pinapalagpas at kinakalatis ng todo. I bet, ayaw niyang may ibang lalakeng umaligid sa kapatid niya at ayaw niyang may pumalit sa kanya. "Master, don't worry, kung kami magkatuluyan —"


"Pwede ba Linus Reyes, kung mananaginip ka ng gising, sana man lang di yung mataas ano? Look, di ka nga makapagsalita ng tuwid sa kapatid ko ... making kayo pa kaya?" Ouch. Natigil ako sa sinabi ni Master, at naisip kong tama nga naman siya. I can't even express myself freely kay Thia. Kahit gaano ko kagustong sabihin 'I like her' ang tanong ay paano? Gayung bulol ako pag kaming dalawa lang ang nag-uusap.


"Kaya Linus, focus on the game muna okay? Tara na, at kailangan pa nating interviewhin ang mga neighbor ni Professor Eliseo, baka sakaling may masagap tayong dagdag ebidensya." tinulungan ko siyang dalhin ang mga kakailanganin namin. Note pads, folders, charger ng laptop at kung ano-ano pa. 


"Ah eh, teka Master, paano si Xanthine, coming na daw siya sabi sa text. Di ba siya natin hihintayin?"


"May kotse naman siya diba?"


"Ha. e oo."


"Then good. Sumunod nalang siya. Tamad akong maghintay sa mababagal."


"O-okay"


——————————————-


Xanthine POV 


*Toot!*

I'm super late na talaga. Paksiw na matamis naman o. Sa lahat ba ng araw, bakit ngayong may lakad pa kami, nagkatraffic pa. If only I have a car like Eve, sana, I have a smooth trip ngayon. Sana hindi ako nagpapakahirap sa pagsiksik dito sa traffic.


Yellow light

Green Light


Xanthine bilisan mo. Kung hindi masusungitan ka na naman mamaya ng Mister yabang na yun. Akala mo kung sinong palaging tama. Porket ba mas matagal na siya dun, siya na yung may alam? The Heck! Di ba pwedeng may point din ako kahit paano?

Monster Inside Me (On-going)Where stories live. Discover now