CHAPTER VI LINUS

14 2 0
                                    


Linus POV


"Ayan napagluto na kita ng ulam. Doon sa kaldero may kanin na dun, ipaghain mo nalang sarili mo okay? Oh... ito yung susi sa bahay. Alis na ako ah." Maagang habilin ni Ate Mayel bago umalis.


Siya si Maria Elleanor Reyes o Mayel for short. Elder sister ko. Matalino at responsable, sa mura niyang edad, siya na ang nagtaguyod para mabuhay at makapagtapos kaming dalawa. mula nang maging ulila kami, siya na ang nag-alaga sakin. Maganda at palangiti, kaya napa-ibig niya ang kasalukuyang boyfriend niya - si Josh. Nakakalungkot konting panahon nalang ikakasal na sila at magkakawalay na kami ni Ate.


Si Ate nakabihis na papuntang opisina. Ako nakapambahay, nakashorts lang at sando. Hayy. katamad pa maligo kahit tanghali na.


"Ate, saan naman ba punta mo? Parang palagi nalang yan ah." natanong ko na nagtataka kung bakit palaging busy ang isang to.


"Linus, ano ka ba. I'm a state broker, I have to meet 5 client for this day. To close 5 deals nang makapag-ipon ako ng pera. C'mon, kumain kana diyan at nagmamadali ako."


"Pero Ate, puro ka na lang pera, pera, pera... Can't you stay kahit sandali lang at magkasama naman tayo kumain?"


"Linus. Time wasted is money wasted. Alam mong hindi tayo mabubuhay kung uupo lang ako dito at makikipagkuwentuhan sayo. Look nalalapit na yung deadline ng bayarin ko sa kasal. Magiging busy na kami ni Josh. Please na-"


"Ate I miss you" Biglang singit ko sa paglilitanya niya na halos memorize ko na dahil ito ang lagi niyang nirarason sakin sa bawat pagkakataon na pinipigilan ko siyang umalis. "Ate, sana pag may oras ka, makasama kita ulit."


Unlike the Hails' twins na palaging magkasama sa hapagkainan. Di magawa ni Ate ang manatili sa bahay. Laging nasa trabaho, at ako laging naiiwan at mag-isang kumakain. I've been this way since I was 14. Iniiwan ng mag.isa. Kaya pasalamat ko talaga, na laging bukas ang tahanan ni Auntie rose sakin. Minsan nga naiisip ko, magpaampon nalang din kaya ako. Mas masaya at masigla kasi ang samahan nila kesa samin ng ate ko. Pero kahit ganun, mahal na mahal ko parin si Ate - my only family.


Mula sa pinto na kaharap niya na, muli siyang bumalik at niyakap ako at hinalikan sa ulo. Kahit mahina narinig ko, he whispered 'I miss you'. I hug her back at kung pwede lang sana ayaw ko ng bitawan si Ate. Kahit ngayon lang.

"Linus, sooner or later, magpapakasal na si Ate. Iiwanan na kita dito sa bahay. Kaya bago ko man lisanin ang lahat, I want to make sure na magiging okay ka. Maging stable." sabi ni Ate na hinaplos pa ang pisnge ko.


"Ate may trabaho narin naman ako diba? I have my own business."


"Yes. But paano Ikaw. After I left, sino ang mag-aalaga sayo? Sino ang mag-aasikaso at magluluto para sayo? Linus, alam mo mas mapapanatag sana ako kung may girlfriend ka eh." sabi niya na kinagulat ko at kinamula ng mukha ko.


"Like the - Ate naman. Masyado pang maaga para sa bagay na yan. Tiyaka, as if naman na may magkakagusto sakin diba?"

Monster Inside Me (On-going)Where stories live. Discover now