CHAPTER IV Another Member

6 1 0
                                    

BRYNER POV

Andito kami sa isang tabing dagat. At nakatayo kami sa tabi ng isang malaking puno. Madilim dahil mag-aalasais narin ng gabi. Yung mga tao, nagsisimula ng nagsisipasukan sa mga bahay nila. Nagluluto ng panghapunan ang iba at mamaya makakatulog narin sila at  sa konting oras lang, tanging paghampas nalang ng alon ang aming maririnig.

Maliit lang itong barangay. May maliit na kabahayan at tiyak na pangingisda  ang hanap-buhay nila. Patunay ang mga lambat na nakasabit at ang malansang amoy na sumasama sa bawat ihip ng hangin.

"Supremo. Akala ko ba, tungkol sa misyon tong pupuntahan natin. Bakit di mo sinabing mamamasyal pala tayo." pabulong kong sabi kay supremo na kasama na namin ngayon at tinignan niya naman ako ng tinging seryoso. "Asus. Ikaw naman di mabiro."

Sa ideyang mamasyal, tila namali yata ako ng salitang nagamit. Dahil ang ganitong tipo ng lugar, ay hindi nalalapit sa isang lugar pasyalan. Dahil sa ito'y lugar kung saan ang mamasdan mo ang tipikal na mga tao, namumuhay at nagtatrabaho. Buto't balat, bata man o bata, naghahanap-buhay.

"We're waiting for someone Hails. Pwede ba huwag kang maingay diyan at maghinala pa ang mga tao kung bakit tayo andito." 

"Eh sa lahat ba naman kasi ng Lugar, eh bakit dito pa?"

"Dahil dito lang ang ligtas na lugar. Tago, at di malalaman ng otoridad ang ating galaw." Speaking of the Neptune way. Ito ang ginagawa namin kung malakihan o sensitibong kaso ang hinahawakan namin. Patago at iniiwasan ang maraming mata na maaring makakita. So now, I understand why among places ito ang napili niya. Helping not to mind the smell.

Habang naghihintay, bigla kong naalala ang pangako ko sa puntod ni Papa at ni Mama. Pangakong pagbabayarin ko ang taong may kakagawan ng kanilang pagkamatay. A sudden flashback appear in my mind. Flashing one by one. The tragic nightmare of my past, the reason why still I live, the reason, why I am now an agent of Neptune.

To have my revenge. 

This, is the day I've been waiting for. To have revenge with their killer. I've trained a lot, gathered all courage and strength, kay tagal kong hinintay ang araw na mapasakamay ko ang killer. Let him feel all the suffering, all the pain he'd caused me nang mawala ang parents namin. 

Once I killed him. Dun lang ako makakaramdam ng tunay na hustisya. And am can truly say Job accomplish.

"Supremo... Master Bry... May paparating" Pabulong na bungad ni Linus at napaalerto naman ako ng makita ang isang babae na mula sa kadiliman ay naglalakad patungo sa kinaroroonan namin. 

Isang babae? Sino siya? 

"Xanthine." sabi ni Supremo at nagkayakapan naman silang dalawa ng babae na tila matagal ng magkakilala. They look like bestfriends na nawalay sa isat' isa ng napakahabang panahon. With all the question marks running on my mind, isa sa tanong na nangingibabaw, ano ang kinalaman niya sa kaso namin ni Linus? Hindi ba, andito kami para masimulan na ang pag-iimbestiga sa kaso? 

Monster Inside Me (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon