CHAPTER IX Something New

2 1 0
                                    



Bryner POV



"Bryner Hails, ewan ko kung anong issue ang meron kayo ni Xanthine, pero sana naman ibigay mo itong mga rosas sa kanya. Please, bilang pasasalamat ko man lang sa pagliligtas niya sa akin." Maagang litanya sakin ni Rothia, na maagang gumising at nagpasundo kay Linus para daw bumili ng mga ingredients nakakailanganin niya mamaya.



"Fine. Fine. Hindi ako ulyanin. Oo po, ibibigay ko po ito, bilang pasasalamat sa pagligtas sayo." 


"Yey, thank you Bry. Tiyaka, ito na po ang baon niyo. Bigyan mo si Xanthine ha." sabi pa na may yakap na kasama.


"Opo."  sagot ko naman sabay halik sa ulo niya.



At tuluyan ko na ngang nilisan ang bahay namin para makapunta narin sa wakas sa Neptune. Hay ewan. Bakit ba kasi sa lahat ng tao, eh si Xanthine pa itong nakapagligtas sa kakambal ko. Pero, kung iisipin, kung hindi siguro si Xanthine yun, maaring napahamak din si Thia. Lalo na't hindi ordinaryong tao ang nakabangga nila. Alexander Sue is no joke.



"Alam mo Master Bry. May choice ka naman eh. Ibibigay mo yang rosas o hindi, Iimbitahin mo siya mamaya sa dinner o hindi. As usual, pwede naman alibi slash white lies yung gagawin mo. Pwede na yun kay Rothia, diba?" Pambungad na sabi ni Linus sa aking pagpasok kay Eve.


"Good morning Master" - Eve


"Good morning din Eve... Linus, okay sana kung ganun eh nuh. Pero hindi ngayon, matalino yang si Rothia, kung may gusto yan, gagawin niyang lahat makuha lang ang gusto niya. Kilala mo naman siya diba? so no choice, deretcho tayo sa bahay ng agent buenavista ngayon. Idadaan ko itong bulaklak."



"Haha, Ay naku. Umagang-umaga yan na agad pagmumukha mo."


"Eh sa hindi nga kami close ng Buenavista na yun para ako pa ang magbigay ng rosas na ito. Ikaw na kaya magbigay!?"


"Hephep" Nagtaas ng kamay si Linus at yung tipong 'Hand-off ang ibig sabihin. "narinig ko kanina ang sabi ni Rothia, ikaw ang magbigay. Tiyaka pinangako ko sarili ko nuh. Kung may pagbibigyan man ako ng Rosas, 2 babae lang yun. Yung Ate ko at ang kapatid mo."


"Tss. Ang arte mo dude. In love daw sa kapatid ko torpe naman. I-start mo na nga lang ang engine diyan masapak pa kita ng di oras eh."


"Master, di torpe ang tawag dun. Naghihintay lang talaga ako ng Timing."


"Timing mo mukha mo." 


"Pero alam mo Master, kung tutuusin, bakit di mo subukang makipagbati na kay Xanthine? Mabait naman siya, yun nga lang nagkakamali lang dahil sa bago pa siya. I mean, malaking bagay naman siguro ang nagawa niya sayo diba? Sinagip niya ang kakambal mo, si Rothia na pinakamamahal mong kapatid. Master hindi pa ba yun rason para bigyan mo rin siya ng pagkakataon bilang pegasus Member?"

Monster Inside Me (On-going)Where stories live. Discover now