Nagsuot na lang ako ng plain white crop top shirt at pinatungan ko ng floral dress. I partnered it with my black lowcut converse shoes. Kinuha ko na rin ang sling bag ko at nagpony tail lang ng buhok. Tapos na rin akong mag ayos ng mukha and lastly sprayed my perfume all over me. Para kahit maging pawisan ako today ay mabango pa rin.



"Napakatagaaal!" Hilamos ng mukha ng kaibigan kong kanina pa paikot ikot sa inuupan niya. Parang kiti kiti.


"Sino ba kasing may sabing sunduin mo ko!?" Reklamo ko sa kanya.


"Ikaw! Tanga ka ba? Nagkaamnesia ka ba? Tinext mo kaya ako kagabi." Tumayo na ito sa kinauupuan niya at dumiretso na sa pinto para buksan iyon at makalabas na kami.

"Wala akong maalala." Sagot ko dito na nakakunot ang noo.

"Hay nako, Xyianne! Lumalala na iyang selective memory loss mo ha. Untog kaya kita gusto mo?" Pag irap nito sa akin habang pababa kami ng hagdan sa bahay.

Sanay na ang mga tao dito sa bahay kapag magkasama kami ni Bridgette. Lagi kaming maingay kung magusap. Madalas kasi kaming magpikunan sa isa't isa. Kaya hindi na sila naninibago kung marinig na naman nila kaming dalawa mag usap. Pati si Dad ganoon din. Natatawa na lang iyon samin kapag nakikita kami. And speaking of him..



"Good morning ladies! Off to school?" Bati sa amin ni Dad na nagkakape sa dining area habang busy ang mata sa dyaryong hawak nito.


"Good morning tito! Yes po, ang bagal kasi netong babaeng ito eh. Magrereview pa po kasi kami." Reklamo nito habang kumukuha ng tinapay sa harap ni Dad na ni-bake ni Manang.

Kapal ng mukha talaga!


My dad chuckled at her habang umiiling. Pati siya ay hindi makapaniwala sa ugali nitong best friend ko. "Xy, go eat your breakfast before leaving." Turan ni dad sa akin habang sinesenyasan akong lumapit sa lamesa at maupo.

"Hindi na Dad. Sa coffee shop na lang po kami malapit sa school kakain. Baka kasi malate na kami. Ilang minuto na lang kasi." Sagot ko dito at tumango naman siya. Hinatak ko na agad ang kamay ni Bridge na dudukot pa sanang muli ng tinapay. Patay gutom amp.

"Ay, ano ba yan!" Reklamo na naman nito sa akin.


"Patay gutom ka ba? Kala ko ba late na tayo? Kung ano ano pa pinaggagawa mo."
I hissed when I said that to her.


"Ginutom na kasi ako ang tagal mo kasi." Patuloy lang ito sa pagrereklamo hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Hindi na muna ako magkokotse dahil sinundo naman na ako nito. Nakakatamad din magdrive kaya siya na lang muna.


Pagkapasok namin ng kotse niya ay agad din niya itong pinaandar at didiretso na kami sa coffee shop.


"What time is it?" Tanong nito habang nakatutok ang mata sa daanan.


"6:24." Maiksing sagot ko dahil busy akong pagmasdan ang daanan. Gusto ko lang tumulala dahil antok pa ako. Ano oras na rin kasi ako nakatulog kagabi. Pagtapos ko magbasa ng textbooks na binigay sakin ng mga profs ko ay naglaro muna ako ng CODM. Kaya ayun puyat!


I yawned out of nowhere.


"Shit! malelate na tayo. Magdrive thru na lang tayo ng kape sa school na lang tayo magreview." Nagmadali si Bridge magdrive 7 am kasi ang pasok namin. Hindi naman ako umimik dito at humikab lang ulit ako with matching tunog dahil sa antok.


Bigla namang humikab din ang katabi ko. "Tang ina Beshy. Nanghawa ka pa!" Inis nitong sabi. Bakit nga ba nakakahawa ang paghikab?

I just chuckled at her. Nasisi pa ko.

This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now