Chapter 9: Talk About Kiss

Start from the beginning
                                    



At napansin ko namang napahinto ito sa ginagawa nya at napalitan ng seryosong mukha pero tinalikuran ako nito at saka tinuloy yung ginagawa nya kanina.



"Kalimutan mo na yung nangyari, siguro may tama lang ako dahil nga sa nakainom ako.."

"Nakainom ka man o hindi Van ginawa mo yun dahil may nararamdaman ka, hindi ka gagawa ng walang dahilan...sa pagkakaalam ko nagiging honest ang isang tao, pagnalalasing ito.." sabi ko.

"Ang hirap kasi sa inyong mga babae binibigyan nyo agad ng malisya ang lahat ng ginagawa sa inyo tapos sa bandang huli kami pa ang sasabihan nyo ng pafall, wag kang maging assuming.." napanganga naman ako sa mga binitiwang salita nito sakin.

"You know what Van, ang gulo mo...ang gulo-gulo mo, wag mo akong sisihin kung ganun ang iisipin ko at isa pa ikaw naman yung naginsist nung kiss, sa palagay mo anong iisipin ko diba?"

"It's just a kiss Elica."

"Oo, para sayo ganun lang yun pero sakin hindi.." sabi ko.



Hindi ko alam sa sarili ko kung saan ko nakukuha yung lakas ng loob para magsalita sa lalaking to, kahit na para sakin napakawalang kwenta naman nung pinaguusapan namin.


Kaya kung ano sa inyo, wag kayong makikipagusap sa taong magulo ang isip baka mamalayan mo nasa mental hospital ka na.




"Aakyat na lang ako sa kwarto ko, bahala ka dyan.." at saka iniwan ko naman ito.


Pero napahinto naman ako ng bigla naman itong nagsalita.



"Hindi kita maintindihan Van.." naguguluhang sabi ko sa kanya.

"Sa likod ng statue Elica.." sabi nito.



Napakunot na lang ako ng noo sa sinabi nya sakin, kahit kailan ang labo nyang kausap. Pero tinalikuran ko na lang ito at saka dumiretso sa kwarto ko.


"Ano ba kasing meron sa likod ng statue na yun?" sabi ko sa sarili ko at saka sinabutan ko ang sarili kong buhok sa asar.



Mukha na nga akong baliw sa pinagagawa ko, siguro kahit ikaw na nagbabasa ay naguguluhan sa isang to. Aish! Para syang jigsaw puzzle na ang hirap buuin. >_<




Narinig ko naman na may papaakyat sa kwarto ko kaya naman dali-dali naman akong humiga sa higaan ko, at nagkunwaring natutulog. Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko, at nararamdaman ko na ang presence ng isang Van Ian Villaflores na nasa loob na ngayong ng kwarto ko. Hindi naman ako mapalagay sa nangyayari ngayon.


At naramdaman ko naman umupo sya sa gawing kanan ng kama ko, shems! Wag mong ididilat ang mata mo Elica wa-


*plak!*



"OUCH!" at napabalikwas naman ako ng pagbangon at saka hinimas ko naman yung noo ko.

"Good, don't make me fool Elica your just pretending na natutulog ka.." sabi nito.

"Ya! Ang sakit nun ha! Bakit ba kailangang mamitik?" galit na sambit ko sa kanya.

"Kasi alam kong nakukunwari ka na tulog ka Elica, alam mo sa sarili mo na hindi ka magaling umarte Elica.." at saka ngumisi naman ito.

"You know what? Kung pumunta ka lang sa bahay ko para inisin ako mas mabuti pang umalis ka na lang, and don't pest me here, just go!" inis na sabi ko sa kanya.



Pero naramdaman ko na hinawakan nya yung kaliwang braso ko. Narinig ko namang bumuntong-hininga naman ito.


"S-Sorry.." sabi nya.



'Bakit ba sa tuwing manghihingi sya ng sorry, nanghihina ako? Ghad! Laks ng tama ko men!'



Hindi ko naman ito kinibo at nagulat ako ng bigla naman nhang hilain yung braso ko paupo sa kama pero na out balance naman kaming pareho kaya naman napatumba ako sa ibabaw nya.


"Elica?" rinig kong boses ni Dale mula sa labas ng kwarto ko.




Kaya naman agad naman akong tumayo sa ibabw ni Van at saka tumakbo papalapit dun sa pinto ko at binuksan yun.


"Nandito ka lang pala, may kasama ka ba ngayon?" bungad ni Dale sakin pagkakita nya.

"Kasama? A-Ah e-eh w-wala Dale, a-ako lang nandito.." sabi ko at ska napakagat naman ako sa ibabang labi ko.

"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?" tanong ni Dale na pilit hinuhuli yung tingin ko.


Sasagutin ko palang yung tanong ni Dale sakin ng...



"Grabe ka Elica di ko lubos maisip na mahalay ka pala..." at napalingon naman ako rito at nagpagpag pa ito.



Binalik ko naman yung tingin ko kay Dale na nakatingin ngayon kay Van hindi ko alam pero pakiramdam ko parang nagkakasukatan sila ng tingin at kulang na lang at sasabog na tong dalawang to sa tensyon na nararamdaman ko.


"Sabi mo wala kang kasama dito?" tanong ni Dale sakin habang hindi ito nakatingin.

"Mali ka ng inaakala...Ako ang kasama nya dito..." sagot nito.



Pero nagulat naman ako ng bigla namag hawakan ni Van yung kamay ko, napansin ko namang napatingin si Dale sa kamay naming magkahawak at saka muling ibinalik nito ang tingin kay VAN.



'Ghad! Anong gagawin ko?'

Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now