CHAPTER 6: DECISION

44 1 0
                                    

CHAPTER 6
Decision

"A-ANO SER?" nauutal pa rin.

Nang makita kong kumunot ang noo nito ay lalo akong nataranta. "Y-yes."

"Then, I am here to fetch you. Pack your things."

"Ho!?" Hindi ko mawari kung ano ang gagawin.

Kumunot lalo ang noo nito sa naging asal ko, "Ang sabi ko... mag-impake ka at sasabay kana sakin pauwi."

Peke naman akong ngumiti sa kaniya at napakamot ng ulo.

Doon ko lamang naunawaan na agad akong pumayag sa gusto niya na ang totoo ay naging padalos-dalos lang ako dahil sa pagkataranta.

"Pasensya na po. Nakakabigla po kasi yung alok po ninyo. Maaari ko po bang pag-isipan? Saka anong oras na rin ho ser," Napatingin ako sa labas at agad naman niyang sinundan ang tingin ko.

Napabuntong hininga ito ngunit nanatiling nakakunot pa rin ang noo. "Two days."

Napanguso ako, "Po?"

"I give you two days to decide."

'p'wede na rin' Isip-isip ko.

"Sige po ser, pero pano niyo po malalaman kung nakapagdesisyon na po ak--"

"Huwag mo akong pangunahan."

Napalabi na lamang ako at tumango. "H-hahatid ko na po kayo."

"No, I can handle myself, hindi ako bata. Sabihin mo nalang sa kaibigan mo na umalis na ako."

Hindi na nito hinintay ang sagot ko.

Agad itong tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.

Nakanguso nalang ako habang pinagmamasdan ang bulto niyang papalayo.

Nang mawala na sa pananaw ko ang anino niya ay saka ko lamang napagdesisyunan na isara muli ang aming pinto.

Tahimik kong tinahak ang loob ng aming bahay nang matanaw ko si ate Len na may nakakalokong ngisi sa mga labi nito.

"Well... well... I smell something na butterfly sa iyong tiyan." Tinuro pa nito ang aking tiyan.

"Naku po ate Len, nakakapanghilabot yang naaamoy niyo." Ngumiti at muling bumalik ako sa pagkakaupo.

"Narinig ko pinag-usapan niyo."

Hindi naman na ako nagtaka.

Hindi naman kalakihan itong inuupahan namin at hindi rin soundproof yung dingding para hindi kami marinig.

E' usapan nga ng kabilang bahay naririnig pa namin yung kanina pa kayang usapan namin ni sir Nigel.

"I guess It's a good opportunity. Lalo na ngayon napapadalas yung paghingi ng pera sayo ng tiya mo."

Napalingon ako kay ate Len at makikitang seryoso ito sa mga binitawang salita.

Naisip ko rin iyon kanina. Pero kung tatanggapin ko, pano na ang tindahan ko sa bayan at maiiwan mag-isa si ate Len dito.

Kaagad namang nakuha ni ate Len ang iniisip ko, "Kung inisip mo yung kalagayan ko, may jowa ako Yeal. May titingin at mag-aalalaga sakin. At kung yung tindahan mo naman, aba! Gusto mo bang tumanda ka doon!? Saka hindi ligtas na madalas hating gabi kana nakakauwi. Sa ganda mong 'yan!? Kahit siguro pulubi pagnanasahan ka!"

"Ate Len naman." Napakamot na lamang ako sa aking batok.

Ilang saglit pa kaming nag-usap bago naghanda nang hapunan.

Hindi na rin nasundan ang k'wentuhan dahil maagang nagpahinga si ate Len at maaga raw ang pasok niya.

Matapos ako iwan ni ate Len sa kusina habang naghuhugas ay hindi mawala sa isip ko ang alok ni sir Nigel.

BROOK SERIES#3: INTO HIS ARMS AGAIN (ON GOING)Where stories live. Discover now