CHAPTER 4 - PICTURE FRAME

57 1 0
                                    

CHAPTER 4
Picture Frame

KANINA PA nakaalis ang magpipinsan ngunit ang mga ngiti ko sa labi ay hindi pa rin mawala-wala.

Bumalik ako ng kusina na tuwang-tuwa ang puso. Pilit na kinakagat ang ibabang labi upang hindi iyon mapansin ni Auntie Ju.

“Huwag mo sanang mamasamain, gano'n talaga silang magpipinsan, masyadong malapit sa isa't- isa, sayang lang at hindi sila kompleto.” Panimula ng ginang ng muling makaupo sa sopa.

“Ayos lang naman ho, mukhang si ser Nigel ho yung masyadong seryoso sa kanilang lima.”

“You're right. Hindi siya ganiyan noon, but someone did that to him... to become like that. And maybe, he love's her so much.” bumuntong hininga ito at napalingon sa aking likod. Mukhang dumating ang boss kong masungit.

“Gel, have you eaten breakfast?”

“Not yet 'la, but I'm good.” sagot nito bago tumingin sa gawi ko na napatigil sa pahinga ko. Napaayos ako ng upo at paiwas-iwas ng tingin sa kaniya, ngunit kumunot lalo ang noo sa nakita niya. “You can start after ten minutes.” Hindi na naman niya hinintay na may sumagot. Agad siyang umalis.

“You can breath.” tumawa ang ginang.

Ginawa ko naman ang sinabi, mukhang napansin rin ni Auntie Ju na pinigilan kong huminga kanina.

“Mabait naman ang apo ko, he's just stressed about his new project in Makati.” pilit na pagpaniniwala sa akin.

Ngumiti naman ako bilang tugon. Iyon nalang din ang pinaniwalaan ko. Naniniwala naman kasi akong lahat ng tao ay mabubuti, may mga pangyayari lang talaga na nagpapangit sa imahe natin.

Bago lumipas ang sampung minuto ay saglit ko munang nilinis ang kusina pati ang sala kung saan naroon kanina ang magpipinsan. Inayos at pinunasan ko lang ang rounded glass table at hinugasan ang mga ginamit.

Nang matapos ay sinabihan na ako ni Auntie Ju na umakyat.

Muling nanumbalik naman ang kaba ko sa dibdib sa narinig. Kinakabahan ako habang iniisip na ang lilinisan ko ay ang k'warto ni Sir Nigel.

Dala ang gamit sa paglilinis ay sinimulan ko nang magpaalam kay Auntie Ju.

Habang tinatahak ang hagdanan pataas ay lalong nanghihina ang mga tuhod ko.

Sa sobrang kaba ay hindi ko na napansin ang mga painting na nakasabit sa dingding. Kung hindi ako nagkakamali ay mga nasa limang portrait painting ang nadaanan ko.

Nang marating naman ang second floor, agad na umagaw ng pansin sa akin ay ang maliit na chandelier sa gitna ng pasilyo. Nalinisan ko na naman iyon noon ngunit namamangha parin ako sa istilo ng kanilang bahay. Hindi na kailangan pang linisan dahil naka-organisa naman lahat ng kanilang gamit.

Agad na napansin ko ang pintong nakaawang. Doon ako dumeretso ng nagmumula roon ang nalalanghap kong pabangong panlalaki.

Hindi naman ako nagkamali sa hinala na iyon ang k'warto ng binata dahil agad na nakita ko ang bulto nito. Mula sakin ay nakatalikod ito at may kung anong ginagawa sa kama.

Wala akong ibang marinig kundi ang mabilis na tibok ng aking puso nang dahan-dahan kong binuksan ng tuluyan ang nakaawang na pinto. “G-good morning, ser.”

Mabilis na humarap sa akin ang binata at doon nakita ko kung ano ang ginagawa niya. May papel itong hawak at isa-isang pinapasok sa kaniyang crossbody shoulder bag na kulay itim. “Don't you know how to knock?” Kunot noong tanong nito.

Yumuko naman ako at mahigpit na napahawak sa dalang gamit. “Pasensya na ser, nakabukas ho kasi kaya tumuloy na ako.”

“At magdadahilan pa, tsk.” bumuntong hininga nalang ito at umiling saka muling hinarap ang ginagawa. Dinoble ang bilis. “You can now start cleaning the bathroom. After that, change my bed with a blanket and get rid of the dust that you'll see. Wala sanang mawawala sa mga gamit ko or even magalaw.” seryosong pagkakasaad nito.

BROOK SERIES#3: INTO HIS ARMS AGAIN (ON GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora