PROLOGUE

360 9 4
                                    

PROLOGUE

“ATE, TULALA ka na naman. Ano iniisip niyo?”

Napalingon ako sa likod nang marinig ang boses ng aking kapatid na si Aahna.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang napakaganda niyang mukha. Ilang taon lang kami sa Italy pero ang laki ng pinagbago niya. Lagi naman kaming magkasama roon ngunit namamangha pa rin ako sa ganda niya. Siguro dahil na rin sa hindi ko napapansin ang pagbabago niya. Nakaramdam ako ng kunting kirot sa puso dahil sa huling naisip ko.

Pilit na ngumiti ako at muling binalik ang mata sa mga nagkikislapang mga ilaw mula sa iba't ibang bahay kasama ang mga estruktura. Napahigpit rin ang hawak ko sa sarong na nakayakap sa aking katawan ng maramdaman ang malamig na hangin na pumasok mula sa verandah ng condo ni Aahna.

Naramdaman ko ang paglapit ng kapatid ko at mahinang tinapik ang kaliwang balikat ko.

“Are you ready?”

Mabigat na buntong hininga ang ginawa ko. Hindi ko magawang tumango pero mahirap ang tumanggi. Handa na ba talaga ako? Kaya ako umalis para makalimot pero sariwa pa rin sa akin ang lahat lalo na ngayon na nagbalik na ako.

Ang totoo, hindi ko masabi ang totoong nararamdaman ko. Pinili ko nalang ang hindi sumagot, ayokong bigyan ang kapatid ko ng kahit na anong hindi naman gusto ng puso ko. Yumuko lang ako at pinakiramdaman ang malamig na gabi.

“Welcome back, ate.” masayang boses na saad niya. Naka ngiti na ng totoo akong tumingin sa kaniya. Hindi lang ang pag babalik ko dito sa Pilipinas ang gusto niyang iparating, kundi pati ang sarili kong nawala ng ilang taon dahil sa kanila.

Pinangiliran ako ng luha sa mata at hinigit ang kapatid para yakapin ng mahigpit. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko ngunit kalaunan ay hinayaan ako at niyakap pabalik.

“Thank you for staying by my side, Aahna. Hindi ko maisip kung ano ako ngayon kung wala ka.” umiiyak na pahayag ko. Nagpapasalamat ako sa lahat-lahat. Dahil sa kaniya kaya ako narito na ngayon.

“You are always welcome ate. I told you, I'm here to protect you.”

Ngumiti lang ako at pinahid ang luha bago lumayo sa kaniya. Hinawakan naman ng ang kamay ko. “Pero dapat ako ang nagproprotekta sa'yo kasi ako ang ate mo.”

“Hindi porket ate ka, ganun na. Wala 'yan sa edad o sa katayuan, nasa nararamdaman 'yan ate.”

Hindi na muli pa akong pumalag. Laging ganiyan ang linya niya sa tuwing nagsasabi ako na dapat ako ang nagproprotekta kasi ako ang ate.

“By the way, sumama ka sa akin bukas sa skip reality company. Pipirma lang ako ng kontrata para sa bago kong nobela. Saka kukunin ko rin iyong librong pipirmahan ko.” hanggang tenga ang ngiti niya habang sinasabi ang mga iyon. Masaya ako para sa kaniya, talagang abot kamay na niya ang matagal na niyang pangarap.

“Baka naman, date niyo iyon ni D--”

“Ate!” bulalas niya sa akin para putulin ang sasabihin ko. “Naiintindihan naman niya ako, saka para satin talaga ang oras ko bukas. Pupunta tayong mall pagkatapos, may kulang pa tayong gamit dito sa condo.”

Napalingon naman ako at isa isang tiningnan ang gamit. Tanging malalaking maleta lang ang nakita ko maliban sa salang bago ang kubre. Nang ituon ko naman ang atensyon ko sa maliit na kusina sa bandang kanan ko ay tanging nakabukas na kabinet na walang laman ang nakita ko, ang ibaba niyon ay ang maliit na lababong malinis. Wala ngang kagamit-gamit. Kung memeron man ay bukas pa darating iyon, kasama ang iba pang mga packaged namin. Sabi pa nga ni Aahna ay kulang pa rin na mukha namang totoo.

Tumango ako sa kapatid ng muling tumingin sa kaniya. “Sige, maaga ako gigising bukas.”

“Oo, order muna tayo ng pagkain. May restaurant sa baba sabi ni DJ pero ayoko nang bumaba, gusto ko na muna magpahinga.”

BROOK SERIES#3: INTO HIS ARMS AGAIN (ON GOING)Where stories live. Discover now