CHAPTER 9: FOOLED

43 2 1
                                    

CHAPTER 9
Fooled

ALAS DIYES pa lamang ng umaga ay pinaalis na ako ni auntie upang maghatid ng tanghalian ni sir Nigel. Dahilan nito na may kalayuan ang byahe kaya naman maaga na rin ako naghanda.

At totoo nga ang sinabi sa akin.

Halos kahating oras din ang byahe ko. At ilang minuto din ang nilakad dahil hindi kinaya ng taxi ang daanan.

Sa dulo kasi ng pupuntahan kong site ay hindi na sementado ang kalsada. May mga tipak tipak ng bato at halos lupa na.

Iyon na siguro ang ginagawang proyekto ni sir Nigel.

Naglakad pa ako ng kaunti bitbit ang lunch box.

Kalaunan sa paglalakad nararamdaman ko ang hapdi ng init na tumatama sa aking balat.

Nawala sa isip ko ang magdala ng payong.

Ilang saglit pa ay may namataan na akong mga tao na nagpapahinga sa gilid ng kalsada. Pawisan ang mga ito.

Saktong oras na rin ng tanghalian kaya ang iba ay nakikita kong kumakain na sa kaniya kaniyang dalang baon.

Habang papalit ako. Naisipan kong magtanong sa isang lalaking kakalapag lang ng dalang sako. Tingin ko lupa ang laman niyon.

Nakasuot ito ng pulang damit na walang manggas. Katunayan butas ang gilid nito hanggang sa kaniyang tiyan kaya malinaw na natatanaw ang pawis na dumadaloy sa buo niyang katawan.

Hindi pa ata ako napansin nito at nagawa pang magulat ng kunin ko ang atensyon niya.

“Magandang araw,” Gulat na napalingon ito sa akin. Marumi man mukha at puno ng pawis ang buhok ay lumitaw pa rin ang kagandahang lalaki niya.

Makakapal at ubod ng itim ang mga kilay nito. Mga bilog na mata na tila ba nakakatunaw kung tumingin. Matangos rin ang ilong na may butil butil pa ng pawis.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi naman ako nailang dahil hindi naman masama kung tumitig sa akin.

Bumuntong hininga ako. “Itatanong ko lang kung saan ko makikita si sir Nigel?” Kalmadong tanong ko.

Kumunot lamang ang noo nito.

“Si ser Nigel ba kamo ang hanap mo?” Singit bigla ng isang lalaki.

Tuluyang lumapit ito at umakbay pa sa lalaking nilapitan ko.

“Sam, kumain ka na. Huwag masyadong masipag.” Ani nito sa kaakbay at muling tumingin sa akin at may itinuro kung saan. “Doon deretso mo lang ‘yon. May makikita kang kubo. Doon pansamantalang opisina ni ser.”

Nilingon ko ang tinuro. “Salamat.”

Mukhang may kaunti pa akong lalakarin.

Muli akong tumingin sa dalawa at saka sila iniwan.

Lakad muli ang aking ginawa hanggang sa may matanaw na nga akong kubo. Nabuhayan naman ako ng loob.

Hindi kalakihan ang kubo. Mukhang kakatayo pa lamang nito.

May iilang kalalakihan pa akong nakakasalubong na galing sa kubo. Umaasa ako na sana isa na roon si sir Nigel.

“Nandiyan po ba si sir Nigel?” Tanong ko sa isang lalaki na papasok sana sa kubo.

Huminto naman ito at nilingon ako, “Anong kailangan mo?”

Itinaas ko naman ang dala kong lunch bag. “Maghahatid lang.”

Saglit na tinitigan nito ang aking dala saka tumango. Iniangat nito ang trapal upang makapasok ako.

“Salamat.” Ani ko.

BROOK SERIES#3: INTO HIS ARMS AGAIN (ON GOING)Where stories live. Discover now