CHAPTER 2- FIRST MEET

103 6 0
                                    

CHAPTER 2
First Meet

“MAGANDANG UMAGA po. Ako po 'yung pumalit kay Melanie po.” Pakilala ko sa sarili nang pagbuksan ako ng pinto.

Ang nagbukas sakin ay isang matanda. Katunayan hirap na itong maglakad, paika-ika kung baga. Nakapusod ang buhok nito at bulaklaking duster ang suot. Sa tansya ko, isa na siyang senior.

“Tuloy ka hija. Akala ko isa ka sa mga babae ng apo ko. Hindi halatang paglilinis ang sadya mo.” Totoong tawa ang nakita ko sa mga labi nito.

Mukhang totoo ngang mabait na amo ang napuntahan ko. Mabuti na rin iyon para mabawasan ang kaba ng dibdib ko.

Pilit na tumawa naman ako at sumunod sa kaniya.

Nahihiya ako at di mawari kung paano ko siya pakikitunguhan. Sumunod ako hanggang sa dalhin niya ako sa kusina. Katunayan ay hindi ko pa malalaman kung hindi ko nakita ang apat na refrigerator na magkakatabi. Dalawang itim at dalawang gray. Halos pare-pareho ng laki ang mga iyon.

May mini-sopa sila roon katabi ng mahabang dining table. At isang glass cabinet na puno ng nangkikintabang babasaging kitchen utensils. Lihim pa akong namangha nang makita ang kanilang dalawang lababo, kung pagsasamahin ay p'wede pa magkasya ang aking katawan.

Ang laki ng apartment namin ay hindi manlang nangalahati sa kusina nila.

Mukhang napasubo ako.

Ngunit nakakapagtaka na malinis naman tingnan ang kanilang bahay. Ang sabi sa akin ni Ate Len tuwing sabado labang sila nagpipilis at nakakamangha na kahit papano ay hindi ganoon kakalat.

Kung ang kusina ay nalulula na ako sa laki, pano pa ang tanggapan nila at sala. Idagdag pa ang taas nila.

“Upo ka.” tinuro nito ang mahabang sopa, umupo ako at sumunod naman siya, naupo siya sa isahang sopa. “Nag almusal kana? O baka kape ang gusto mo?”

“Opo, tapos na po. Salamat.” Kahit hindi pa. Nahihiya lang ako.

Normal lang naman sigurong kabahan sa simula. Namasukan naman ako sa iba na nangangailangan ng taga-linis, pero ngayon lang talaga ako kinabahan ng husto.

Hindi na mawala ang kaba ko, lalo na sa tuwing naaalala ko ang nakita ko kanina. Hindi ko tuloy maiwasang hanapin ang hagdanan, nagbabakasaling makita ko muli ang binata sa bintana.

Kanina ko pa lamang nakita ngunit hindi na mawala-wala ang mukha niya sa utak ko. Kadalasan, makakalimutin ako sa pigura ng tao sa unang tingin at pagkakakilala ko, pero sa nakita ko kanina, kung tutuusin, segundo lang iyon ngunit hindi na mawala sa isip ko ang g'wapo nitong mukha, para bang matagal na iyong nakatatak sa aking kalamnan at matagal ko na itong kilala.

Tumango naman ang matanda at matamis na ngumiti. “Ilang taon ka na hija?”

Bumalik ang isip ko sa kasama ko nang marinig ko ang tanong nito. Pinilit kong walain ang nakita, dahil doon nawawala ako sa pokus.

“Bente na ho,” magalang kong sagot na may kasama pang matimis na ngiti sa mga labi.

Tumango lang ang matanda at inabot sa akin ang isang pirasong papel. Agad ko namang iyong kinuha at binasa ang nakasulat. Mga listahan iyon na dapat kung gawin.

Una agad na nakita ko ay ang paglilinis ng kusina, lahat nang makitang madumi ay linisan. Sumunod ang sala at sahig ngunit nakalagay roon na tanging pagpupunas at pagwawalis lang ang gagawin. Sumunod ang k'warto ng matanda at panghuli ay ang second floor, lahat lilinisan rin maliban doon sa isang pinto. Nakasulat iyon sa ibaba ng papel at talaga may 'please' pa sa dulo, talagang nakikiusap na sundin ko.

BROOK SERIES#3: INTO HIS ARMS AGAIN (ON GOING)Where stories live. Discover now