CHAPTER 5 - LAMPA

67 2 1
                                    

CHAPTER 5
LAMPA

“YEAL, UMIIYAK ka ba?”

Mabilis kong pinunasan ang luha sa mukha ngunit agad lang iyon napalitan nang panibago kaya hindi ko maitanggi kay ate Len. Pinili ko nalang ang manahimik habang nakatitig sa frame na basag na basag habang nakapatong sa kitchen table namin.

Balak ko sanang maghanda ng hapunan ngunit sa mga narinig ko kay sir Nigel ay nawalan ako ng gana at lakas na kumilos.

Hindi ko matanggap at ang sakit-sakit ng mga narinig ko. Sa tanang buhay ko, kanina palang ako napahiya sa maraming tao.

"You didn't follow what I said. Lampa!"
Paulit-ulit kong naririnig sa utak.

“Ha? Kaninong frame 'yan? Sayang naman at mukhang mamahalin.”

Lalong lumakas sa pagdaloy ng aking luha, pilit kong hindi gumawa ng ingay.

Dumeretso si ate Len sa maliit naming ref at kumuha ng tubig para uminom. Hindi na nga niya nagawang ilapag ang backpack nitong itim dahil siguro sa uhaw.

Muling bumalik ito at nilapag ang bag sa tabing upuan. Binuksan niya iyon at kinuha ang isang box at nilapag sa mesa.

Mula sa akin ay agad na nanuot ang amoy ng pritong manok.

“Bumili na kami ni Ben ng ulam pauwi.” muling saad niya. “Napa'no ka ba ha Yeal? At kaninong frame 'yan?”

Alam niyang hindi sakin ang frame at mas lalong hindi sa kaniya. Tulad ng sinabi niya, mukhang mamahalin nga itong tunay.

Bumuntong hininga ako at hindi pa rin tinatanggal ang pagkakatitig sa frame. Kanina ko pa kasi tinititigan ang maliit na ukit sa gilid ng ibabang frame. Maliit na pangalan ni sir Nigel at nang babaeng tinutukoy niya. Sa mismong nakaukit na heart sa pagitan ng kanilang pangalan nagkaroon ng basag.

“Kay ser Nigel ito.” mahinang pumiyok pa ang boses ko.

Hindi ko makita ang reaksyon ni ate Len ngunit sigurado akong natigilan ito. ”Sir Nigel? Yung apo ni Auntie Ju!?”

Tumango nalang ako at yumuko pagkatapos.

“Ha? Paano napunta sayo 'yan? E' lahat ng gamit ni Sir Nigel ay nasa kwarto niya.”

“Nagpalinis po siya ng kwarto sakin kanina, ate Len.”

“Ha!?” Natigilan ito at gulat na nilingon ako.

Sa lakas ng pagkakasabi ay napatingin na ako sa kaniya. Suot ang baby blue polo dress na may belt na siyang uniporme niya sa trabaho.

“Ang kwarto ni ser Nigel kanina ang nilinis ko, kaso hindi ko sinasadyang masagi yung picture frame niya sa kaniyang mesa kaya nabasag ko. Hindi ko alam na importante 'yan sa kaniya.” muli akong yumuko ng may mamuong luha sa mata. Naalala ko naman ang nag-aapoy sa galit na mga mata ni sir Nigel. Hindi ko naman talaga ginusto.

“Hala, iyan ata iyong regalo ni Ma'am Hazel sa kaniya bago s'ya iwan, Yeal!”

“S-siguro.” sabay nang sagot ko ay ang pagbagsak ng luha.

Baka nga iniregalo iyon ng dating kasintahan, dahil hindi aki pag-aaksayahan ng oras ni sir Nigel kung nakuha niya lang itong kung saan.

Nawalan ako nang gana sa lahat. Kaya nung niyaya ako ni ate Len kumain ay pinili ko nalang ang pumasok sa kwarto at hindi na inisipang linisan ang sugat.

Pinilit kong matulog sa gabing iyon ngunit sa tuwing naalala ko ang mukha ni sir Nigel ay agad akong naluluha. Pinaghalong nasasaktan at nalulungkot na nagawa kong galitin ang amo ko.

BROOK SERIES#3: INTO HIS ARMS AGAIN (ON GOING)Where stories live. Discover now