XXXIX - Something NEW

121 12 1
                                    


"Ate, sino siya?" Bulong ko kay Ate Aiks ng makalapit ako sa kinatatayuan niya.


Pabulong rin siyang sumagot. "Kaibigan ni Jill".



"Kaibigan? Baka naman kaIBIGAN?"


Napansin niya na ang presensya ko at agarang bumati.


"Good moning po. You must be Doc Tricia?"


Tumango tango ako. "Sino ka?" Tanong ko.



"Tristan po. Kaibigan ni Jill."


"Kaibigan lang?"  Tanong ko.


"Actually, yan din ang gusto kong itanong." Dugtong ni Ate Aiks.


"Tinatakot niyo naman ata 'tong si — ano nga pangalan mo?" Tanong ni Kuya Gab na kakadating dating lamang.



"Tristan, Sir."



"E ano nga ba talagang relasyon mo sa bunso namin?" Tanong niya ulit.



"Ilang taon ka na? Nakailang girlfriend ka na?" Si Ate Aiks ulit iyon.



"Gaano mo na katagal kakilala si Jill? Saan ka nakatira?" Dagdag na tanong ko.



Sasagot na sana siya pero biglang dumating si Jill galing sa taas.



"Hoy! Ano ba yang mga tinatanong niyo. Nakakahiya. "



Nang makababa ay lumapit siya kay Tristan. Sabay abot ng dala dala niya. Kung hindi ako nag kakamali ay blue print iyon.


"Pag pasensyahan mo na tong mga kapatid ko." At sabay lingon sa aming 3.


"Relax lang kayo okay? Dinaanan niya lang 'tong plano ng next project namin."


"Ahhh actually, Jill. Aside dito may gusto sana akong sabihin."



Nauutal utal pa ang gago. Lihim kaming nag titinginang tatlo at napapangiti.

Mukhang may papalit na kay Tyler.


"Sure. Halika doon tayo sa may veranda mag usap."




"Jill, it's okay. Gusto ko rin naman marinig nila ang sasabihin ko."



Hmm. The design is very Carmelo. .


"Ehem!" Tikhim ni Kuya Gab. "So ano na nga ba ang sasabihin mo kay Jill na gusto mong marinig namin?"



Unlike Kuya Gab and I, yung mukha ni Ate naging seryoso. Well I can't blame her.

Halata ang kaba kay Tristan. Buhay naman ang AC dito sa condo pero pinag papawisan.



"Pwede ba akong manligaw?"


Hmm. Impressive, walang paligoy ligoy pa.


Mula kay Tristan ay tumingin kami kay Jill na namumula at natigilan. Hindi makapag salita.



"Jill, please say something. Pwede ba?" Muling tanong ni Tristan.




Imbes na sumagot ay tumakbo si Jill pabalik sa taas. Normal para sa akin ang naging reaksyon niya. She went through a lot with Tyler.


"Alam mo naman siguro ang pinagdaan ng kapatid namin? Give her time." Bilin ni Ate Aiks at sinundan si Jill sa taas.





"I like you, para kang ang asawa ko. Very straight forward. Keep it up but tama si Ate give her time."





Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon