XXXII - 03.25

218 14 2
                                    

Happy Saturday! ♥️






******


Jill was left with no choice but to tell us about everything.



"Jill alam namin na mahirap para sayo ang sabihin sa amin lahat. But you have to and promise that we will be here for you."




Ate Aiks started it.





"So kailan mo pa nalaman na niloloko ka niya?"



Hinayaan lang namin siyang umiyak hanggang sa nagsimula na rin siyang magkwento.




"Naaalala niyo ba 'yong time na nag surprise visit siya sa akin?"



Napaisip kami ni Ate Aiks and yes that was just over 2 months ago. Sabay pa silang bumalik dito sa pilipinas noon.




"Pau told me that she saw him with a girl na hindi niya kilala. But ofcourse hindi ako naniwala. Sabi ko baka friend niya lang sa work. I didn't confront him. Hinayaan ko lang. Shortly after that biglang bumisita siya sa akin sa NY. Hindi pa rin ako nagtanong kasi nga ganoon ako katiwala sakaniya."





Patuloy lang sa pag iyak si Jill. Bumalik sa alaala ko ang lahat ng mga nangyari. Kay Ate Aiks. Sa akin. Tama nga si Mama walang maling panahon ang pagmamahal. Kung nasasaktan ka ngayon ibig sabihin lamang hindi mo pa nahahanap ang taong para sayo.






Ika nga nila it takes two to tanggo. Kaya lagi kong tinatama si Carmelo sa tuwing sasabihin niyang ang swerte niya sa akin. Mali — ako ang maswerte sa kaniya. Napakaraming beses ko na siyang binigyan ng dahilan para iwan ako and yet he is still here. He is loving the good and more so the bad side of me.




"And then I thought  susunduin niya sa airport sina Tita kaya hindi siya nakarating sa house warming niyo Ate Trish. Only to find out na kasama niya 'yong babae — sa ospital. Si Nica naman ang nakakita. Siguro nagpacheck-up sa OB. I don't know. Pinalampas ko ulit 'yon."





"May pangyayari ba ulit kaya this time you decided to confront him?" Tanong ko.




"The day before yesterday hindi ko siya macontact. E may scheduled meeting kami with our coordinator dapat kahapon. So I decided na puntahan na siya sa condo niya kasi baka may masamang nangyari sa kaniya."



Muling bumuhos ang mga luha ni Jill.


Pero pinilit niya pa rin na magkwento.


Putol putol na ang pag sasalita niya dala na rin ng walang tigil na pag-iyak.





"The girl in the photo na sinend sa akin ni Pau at Nica was the same girl na naabutan ko sa condo niya. He came out from his room and may sinasabi siya doon sa babae and nagulat na lang siya na makita akong nakatayo sa harapan nilang dalawa."




"Pero paano mo napatunayan na buntis?" Usisa ni Ate.



Jill is trying to compose herself.



" I stand frozen for a while. Hindi ko na rin alam paano akong nakaalis but when I did hinabol niya ako. Hindi naman niya sinabi na buntis. Sabi niya lang hindi niya daw sinasadya. Ako daw yung mahal niya at papakasalan niya.




I just confirmed na tama 'yong gut feel ko kasi inamin niya pala kay Kuya Seb kagabi."



Ramdam ko ang bigat ng tensyon sa paligid.



Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko rin naman alam kung paano ko mapapagaan ang loob ng kapatid ko. Noong mga panahong ako ang nasa kalagayan niya sila ni Ate Aiks ang naging kasangga ko. Mas alam niya pa nga ang dapat gawin to be honest.




Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon