IX - UNINVITED GUEST

202 12 1
                                    



Her face is familiar. I know her. Yes, this girl in front of my door steps is Lilly. Carmelo's ex-girlfriend.


I gave her a confused look. Tinanggal niya ang sunnies na suot suot niya.



"You are Tricia, right?" she asked.


I nodded.



"Not sure if you still remember me since you just saw me once but yeah, I'm Lilly — Carmelo's girlfriend."



Kahit naiirita ako sa pag mumukha niya ay ayaw kong ibaba ang sarili ko sa lebel niya. Pero hindi ko sinabing hindi ako papatol ng bahagya.



"Lilly, yeah. You are Carmelo's ex-girlfriend." Minabuti kong diinan ang mga salitang "ex-girlfriend."



"Oh am I? Is that what he told you? As far as I can remember I didn't agree to his decision."





Pinaningkitan ko siya ng mata. I was about to say something when she cuts me off.



"No need to invite me inside your apartment. Let this be a warning to you — what Lilly wants, Lilly gets. Ciao!"



Gusto kong dukutin ang mga mata niya. Nakakainit siya ng dugo. Well hindi lang siya nakakainit ng dugo pakiramdam ko kumukulo na ang dugo ko sakanya.








"GoodMorning!" bungad na bati ni Carmelo ng mabuksan ko ang pintuan. Payak lamang akong ngumiti at tumalikod na sakanya para iligpit ang mga gamit ko na nakakalat pa sa study table ko.



Naramdaman ko ang agad niyang pag sunod. His hands around my waist at isiniksik niya pa ang kanyang mukha sa aking leeg.



"What's wrong?" Bulong niya.



Imbis na sumagot ay kumalas ako sa yakap niya at nagtungo sa kwarto para kunin ang aking coat. Mayamaya pa ay sumunod na rin siya.




"Love what's wrong?" Tanong niya.


Pag lingon ko ay nakaupo na siya sa kama at naghihintay ng sagot sa tanong niya. Umiling lamang ako at nagpatuloy sa pag hahanda para pumasok.


"E bakit ganyan ka?" Tanong niya ulit.


"What? Ano ba ako?" Tanong ko.


"Yan ganyan, bakit ka ganyan parang ang cold mo. Okay naman tayo kagabi. May nasabi pa akong masama or may nagawang mali?"



"Bakit meron ba?" Pagtataray ko.



"Wala naman ako maisip."



"Oh wala naman pala e."


"Galit ka e. What's wrong love?"

"Wala nga. Hindi ako galit. Papasok na ako, ikaw ba?"

Pag kasabi ko niyon ay agad akong lumabas ng kwarto. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng apartment. Rinig ko ang pag sarado ng pinto at pag takbo ni Carmelo para habulin ako.

We are inside the elevator when he tried to reach for my hand pero umiwas ako.


"Love, uulitin ko. Anong problema?"



"Wala nga. Ang kulit. Paulit ulit ka."


Nakarating kami sa school na hindi ko siya kinakausap. Ni hindi ko siya nilingon pag kahatid niya sa akin sa classroom.



Bitter SweetWhere stories live. Discover now