II - Memories

227 9 2
                                    

Happy 1st of January 2023 ❤️

Laban lang sa panibagong taon.

*****



Tahimik na sa labas. Tapos na ang masaganang hapunan sa hapag ng bawat tahanan. Pero ako? heto, magulo at maingay pa rin ang isip.




Minsan mas gusto ko pa na naka duty ako tuwing sasapit ang holiday season especially pag New Year. Sa ospital kahit paano may iba akong pinag kakaabalahan unlike dito sa bahay kapag natapos na ang kasiyahan bumabalik na naman ako sa lungkot at pangungulila. Kasalanan ko naman. Nasa akin na pinakawalan ko pa.




Ayaw kong makalimutan ang lahat ng masasayang alaala na meron ako kasama siya. Ang swerte ka na noon. But the problem is, again I became unsure. It took me another heart break before I finally realized that it is him whom I wanted to be on my side while achieving my dreams.



Mama was then the VP of the country kaya ang mga dates namin very lowkey. Mas nag eenjoy kami na mag take out ng food at sa parking lot kumain. Kung hindi naman ay movie maratahon sa condo niya or dito sa amin.



"Love, ano naman nginingiti ngiti mo diyan?" Tanong ko sakanya. "Hindi naman nakakatawa 'tong pinapanood natin."


He looked at me with sparks on his eyes and hold my hand.


"I am just happy. Ang daming beses na natin muntikang sumuko sa isa' t-isa. Pero heto at hawak hawak ko pa din ang kamay mo. Ikaw pa din ang mahal ko at ako pa din ang mahal mo. Hindi kita ipag papalit sa kahit ano o kahit na sino, Trish. Mahal na mahal kita, alam mo 'yon?"



"Awww. Alam ko naman na patay na patay ka talaga sa akin. But kidding aside, thank you. Thank you for still choosing me. Hindi ko kaya at hindi ko kakayanin na bitawan ka, Love. For the past years hanggang ngayon, wala kang ibang ginawa kung hindi suportahan, intindihin at mahalin ako. Mahal na mahal rin kita, alam mo 'yon? "


That was just one of the genuine conversations I had with him. Conversations that I miss having with him. Simula ng araw na naghiwalay kami wala akong hinihiling bawat bagong taon kung hindi ang kasiyahan niya. Sana kung nasaan man siyang panig ng mundo ngayon, sana masaya siya. Sana hindi na siya nasasaktan. Sana napatawad na niya ako.





BOSTON, AUGUST 2023

VC with Ate Aiks & Jill

Jill: What's so urgent? Napa WFH pa ako pag kabasa ko ng text mo kanina.

Ate Aiks: Patty, make sure na importante 'to. Iniwan ko si Aya sa Yaya niya.



"CALL ME WHEN YOU SEE THIS. URGENT!"

That is the exact message I left them in our chat group. Walang limang minuto eto at kaharap ko na sila. Jill is in NY. Ate Aiks is in MNL.



Me: I saw him!!!!

Jill: Sino?

Ate Aiks: Si Carmelo. Sino pa ba?


Napatigil at nagulat pa bahagya si Ate Aiks sa sinabi niya.

Ate Aiks: Wait. What???? Si Carmelo nga???

Jill: For real? Where? How?

Ate Aiks: Sure ka ba siya 'yon? Baka kamukha lang?

I am sure it was him. How can I not be so sure, we were able to talk.

Jill: So ano na nga, Ate Trish? Mag kkwento ka ba?



Me : Hayy



Ate Aiks: Mag kkwento ka ba o papatayin na namin tong tawag?


Me: Okay. Listen.


EARLIER at HMS Campus

"and to welcome our new students to Harvard Medical School may I call on the representative of Masters of Medical Sciences in Clinical Investigation Class of 2024 none other than Seb Carmelo Castro from Manila Philippines."



Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang pamilyar na pangalang iyon. Agad na ibinaling ko ang aking atensyon sa unahan.




Ikaw nga. Carmelo. Ikaw nga. Napakalawak ng kaniyang ngiti. Nag niningning ang kaniyang mga mata habang nag sasalita.


Habang nag sasalita siya ay bumalik sa aking alaala kung paano niyang sinabi sa akin noon na pangarap niya ang makapasok dito sa Harvard. And now he is here. I am so proud and happy for him.




Time to socialize. Kinakabahan ako. Paano ko siya haharapin? Paano ko siya kakausapin? Ang tagal kong hinintay ang araw na 'to ngunit hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan. Alam ko na hindi ko siya maiiwasan habang buhay lalo na ngayon at nasa iisang eskwelahan kami ulit.




Huminga ako ng malalim at lakas loob na nilapitan ang kinaroroonan niya.


Nakatalikod siya sa pinanggalingan kong direksyon. Masayang nakikipag usap sa kapwa ko mga bagong ring estudyante.


"Carmelo" Tawag ko. Ang magandang ngiti niya ay unti unting nag laho ng tuluyan na siyang humarap sa akin.


"Janine Patricia Gerona Robredo. Hi" wika niya.


"Seb you know her?" Tanong ng isang amerikanong kasama niya.




"Ofcourse. I know her." Sagot niya




"Oh yeah? Ah yes, you are both from Manila. I figured." Muling saad ng kasama niya.



"Yes. And how can I not know her? Paano ko namang hindi makikilala ang taong nanakit sa akin. Ang taong halos pinatay na ako sa sakit? Right, Dr. Janine?" matalim ang mata niyang balik sa akin.



Jill: Ouch!







Bitter SweetWhere stories live. Discover now