Hello, Chicago!

210 14 0
                                    

Happy Monday! 😊♥️



TRICIA'S POV

Carmelo supported me in every way possible. This time ako naman ang susuporta sa mga pangarap niya.



Kahit bago pa man namin naayos ang relasyon namin ilang beses na siyang tumanggi sa alok na trabaho sakanya abroad. Pangarap niya ang trabahong iyon — iyon nga rin ang dahilan bakit siya nagsikap na makapasok sa Harvard. Sabi niya kasi noon Harvard daw ang susi sa mga pangarap niya.





Bakasyon lang sana ang gusto ko pero when we are on our way home from the hospital nakatanggap siya ng tawag. Nakatanggap ulit siya ng tawag na bakante pa raw ang posisyon na inaalok sakaniya at nagbabakasakali silang nagbago na ang isip niya.



A little flashback

"Who was that, Love?" Tanong ko matapos niyang i-off ang kaniyang bluetooth ear piece.



"Si Xander nangungumusta lang."



Xander is one of his bestfriends. He is based in Chicago, isa ring Doctor. At siya rin ang nagpipilit kay Carmelo na tanggapin ang trabaho doon.





"Why don't you accept it? Pangarap mo yan Love diba?"



Nilingon niya ako sa passenger seat at inabot ang aking kamay. Hinalikan niya pa iyon.



"Ikaw at ang pamilya pa rin natin ang pangarap ko."



Nginitian ko siya. Alam ko na sa puso niya gustong gusto niyang subukan. Gusto niyang tanggapin. But he is holding back dahil ayaw niyang mawala kami ng anak niya. May nabuo na ring takot sakaniya sa lahat ng mga nangyari sa amin. Takot na nagsimula lahat dahil sa akin. Takot dahil akala ko lahat ng pagmamahal ay mauuwi sa nangyari kay Ate Aika at Geoff. At ugat pa rin ng takot na iyon ang dahilan kung bakit nawala ang pangalawa naming anak.


Back to Present

"But is this really what you want?"



Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.




"Yes, Love ito ang gusto ko. Gusto kong ako naman ang sumuporta sa mga pangarap mo. You have sacrificed a lot  for us at ngayon gusto ko naman na tuparin mo pa ang isa sa mga pangarap mo. I will be your number 1 fan. Susuportahan ka namin ng anak mo. Hmm?"





Another thing why he is holding back is because I wanted to serve here in the Philippines. Pero kaya ko pa rin namang gawin 'yon kahit nasa Amerika kami. I can still write and do my own research that will benefit the Philippines' Health Care System.





"Thank you, Love and I appreciate everything you do.Alam ko na pinipilit mong ngumiti kahit masakit kahit mahirap. But I wanted you to know that you don't have to carry that burden alone. We will grieve and surpass this together, hmm? And that I can drop everything for our family dahil kayo — kayo ni Carys ang buhay ko."




Matagal ko naman ng alam na siya ang gusto kong makasama habang buhay ngunit napakarami ko pa ring nagawang pagkakamali. Ilang beses na akong nangako ngunit ako rin naman ang pumapako. Kaya simula ngayon gagawin ko na lamang at ipapakita sakaniya na tulad niya hinding hindi ko rin hahayaan na masira pa kaming muli. We will get through every chalenges together.








"Yes, Mama everything is all set kami na lang ang hinihintay."




We are having dinner kina Mama. Nasabi naman na namin sa kaniya ang aming plano ngunit hinintay muna namin na mafinalize lahat bago namin siya kausapin ng personal.



Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon