XXXI - The OTHER WOMAN

216 19 0
                                    

Disclaimer: AGAIN. I have nothing against the girls lovelife, okay? This is just a work of fiction

HAPPY WEDNESDAY ♥️

-BravingKD







CARMELO'S POV

Was I too much sa pag pigil ko kay Tricia sa gusto niya? Gets ko naman kailangan siya ni Jill. Pero sana naman maintindihan niya that I am just trying to protect her — na hindi ko nagawa when we had Carys.

Kung ano man ang nangyari kay Jill gusto ko rin naman malaman. Kung gaano ko siya kagustong ingatan ganoon din ako sa mga kapatid niya at kay Mama.

Siniguro ko muna na mahimbing na ulit si Carys bago ako lumabas ng kwarto. Nagbabaka sakali ako na nandito pa sa porch sa taas si Gab — partner ni Ate Aiks.

Marahan kong isinara ang pintuan ng kwarto. Hindi rin naman ako nagkamali nandito pa nga siya.

"Mukhang aabutin na tayo ng liwanag sa paghihintay na matapos silang mag usap ah." Bungad ko.

Gab is totally different from Geoff. Kapareho ni Ate Aiks ay may isang anak rin ito. Hiwalay na sila ng nanay at nasa kaniya ang custody ng bata. Dahil na rin siguro sa mga pinag daan nilang pareho kaya kitang kita namin kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Nilingon niya ako at inabutan ng beer.

"Dehado ba si bunso?" Tanong niya.

Nagkibit balikat ako sabay lagok ng beer.

"Wala pa akong alam. Pero kung ganoon man mahahanap ng Tyler na yan ang hinahanap niya."

Alam ko naman na pareho lang din kami ng nasa isip. Sa kabilang banda namamag-asa pa rin ako na sana naman hindi kasing lala ng nasa isip ko ang nangyari sa kanila ni Tyler.

Tyler is a good guy. Base rin naman sa mga nakikita ko at sa mga pag-uusap namin ramdam ko na mahal niya si Jill. Isang linggo na lamang at kasal na nila. Sayang naman kung mauuwi lang ang lahat sa wala.

"I met Aiks at her lowest. Hindi madaling makapasok sa buhay ng isang tulad niya —nila. Alam ko na alam mo yan, kaya kung tama ang kutob ko, hindi ko maintindinhan bakit sinayang ng Tyler na yan ang pag-kakataon."

Tama siya. Mahirap makapasok sa buhay ng mga Robredo. Nahirapan rin ako kay Tricia noon.


"I'm not playing big bro here, pero proprotekhan ko ang lahat ng mga mahal at mahahalaga kay Aiks."

Nilagok ko muna ang natitirang beer bago sana sumagot. Ngunit nakuha ang atensyon namin ng ingay sa baba.


Magkasunod kaming bumaba at naabutan si Tyler na nakaluhod na nag-mamakaawa kay Jill.

"Umalis ka na. Hindi kita gustong makausap at ayaw na kitang makita. "

Pero nag pumilit si Tyler. Inunahan ko na si Gab na itayo at ilayo siya. Alam ko na suntok agad ang igagawad niya kung siya ang mauuna at hindi iyon makakatulong sa sitwasyon.

Pilit ngunit maingat kong itinayo at inilayo si Tyler. Sa may ermegency exit kami pumunta. Madaling araw na at ayaw ko na magising pa ang mga tao  sa mga katabing unit dito.

"Ano bang kagaguhan ang ginawa mo at umiiyak si Jill, ha?" Hawak ko siya sa kuwelyo ng damit niya pero hindi ko siya sasaktan.

Depende.

Depende kung gaano kagago ang dahilan niya.

Nakikita ko ang sarili ko sakaniya. Ganito ako kadesperado na makausap si Trish matapos niya akong takbuhan sa proposal ko. Ganoon rin ng siraan ni Lilly ang relasyon namin.

Bitter SweetWhere stories live. Discover now