Bobo ba talaga 'to?
"Kakasagot ko lang, ang sabi ko nag base ako sa unsolved case ni sir Xen." Sabi ko.
"Is that it? Wala ka bang alam even if I mentioned Codex?"
Ooh.
"Ah 'yan ba." Sabi ko. "Ikaw leader n'yan diba?"
Mas kumunot 'yung noo n'ya. "How the hell did you knew." He said.
"So naka base ka pala sa Codex hindi sa ginawa mong krimen kay sir Xen." Sabi ko. "Unlucky you, pareho akong may ideya ro'n sa dalawa." Dagdag ko tsaka ngumisi.
Naririnig ko naman 'yung pagtakbo ni Rune sa earpiece na suot ko.
"Paano mo nga nalaman?" Seryosong tanong n'ya, halatang nagagalit na rin.
"Bakit hindi mo hulaan?" Nanghahamong tanong ko.
Naagaw naman ng sistema ko 'yung ingay na narinig ko mula sa earpiece. Hindi ko alam kung kanino nanggaling 'yung tunog pero parang may kinakalaban s'yang kung sino.
"You okay Ascen? Where are you?" Rune asked.
Walang sumagot at patuloy lang 'yung ingay na naririnig ko.
So si Ascen 'yung parang may kalaban. Inilibot ko 'yung paningin ko rito sa auditorium. He said he's close to me.
"I'm okay."
Gumaan naman 'yung pakiramdam ko sa pagsagot n'ya.
"Be fast Rune, we don't know what will happen next." Ascen said. "And Gwyn, daldalin mo lang s'ya."
"Sure." Mahina kong sagot.
"There's 5 guys in front, excluding the prof." Ascen said.
"5? But they're 7 guys when I went there." Rune said.
"I put one of them in sleep, hindi ko alam kung nasaan 'yung isa—"
"He's here." Putol ni Rune kay Ascen. "He's guarding the back door." He added.
"Where are you?" Tanong ni Ascen.
"Sa likod. Dito ako dadaan para diretso stage na pag pasok." Sagot naman ni Rune. "I'll try fighting this one."
"Don't just try dumbass, beat it." Ascen said.
Rune chuckled. "Aight, okay."
"Tell me Ms. Gwyn, paano mo nalaman?" Pag uulit na tanong ni prof Lenard.
Bumuntong hininga ako. "Pumangit na kasi 'yung organization ng Codex simula nu'ng nawala si sir Xen at ikaw pumalit. Ang dali nang madive." Sarkastikong sabi ko dahilan para mas mapikon s'ya.
"Do you know what we can do to you if you expose us?" Nambabantang tanong n'ya.
"And do you also know what will happen to you if I expose you?"
Mas lalo s'yang nagalit sa sinabi ko ngayon.
"You freak!" He exclaimed. "I'll kill everyone of you here even though you answered it correctly!" Galit na galit na s'ya ngayon.
"SAY GOOD BYE MS. GONZALES!" Sigaw n'ya tsaka nakakalokong tumawa at pinindot 'yung hawak n'yang detonator.
Pero agad ding napalitan ng pagtataka 'yung mukha n'ya dahil walang sumabog.
"Awwww, looks like your bombs aren't working." Pang aasar ko.
Pero kinabahan naman ako nu'ng bigla nilang tinutok sa akin 'yung mga hawak nilang baril.
"Sa tingin mo gano'n nalang ako kadali papatalo sayo? Mangarap ka!"
Nababaliw na s'ya. Pero, hindi ko na 'to matatakasan kung sakaling isenyas n'ya nang barilin nila ako. Natatakot na ulit ako. Ang daling bumalik sa akin nu'ng kaba ko na akala ko'y nawala ko na kani kanina lang. Dapat pala hindi pa ako nagpakampante. Nakakainis.
"Ano na? Nasaan na 'yung yabang mo?" Tumawa ulit s'ya. "This time siguradong mawawala ka na."
Ngumisi s'ya, tsaka dahan dahang itinaas 'yung kaliwang kamay n'ya para sana sumenyas na pagbabarilin ako pero hindi 'yon natuloy dahil sa biglang paglitaw ni Ascen mula sa pinto rito sa loob ng auditorium sa bandang gitna at pinagpuputukan ng baril 'yung mga lalaking nasa harap.
Nagulat naman si prof Lenard dahil sa mabilis na nangyari. Nakahandusay na lahat ng mga kasama n'ya sa stage at mag isa nalang s'yang nakatayo ro'n. Umaagos na rin 'yung mga dugo at halos tumulo na sa sahig dito sa baba.
"YOU DAMN KID!" Galit na sigaw ng prof tsaka bigla naglabas ng gloc 7 na baril at tinutok sa direksyon ko.
Nakatutok din sa kan'ya ngayon 'yung hawak na baril ni Ascen na malayo parin sa kinalalagyan ko. Mas malaki parin 'yung possibility na kahit s'ya 'yung unang magpaputok e ako 'yung unang mamamatay sa aming dalawa ng gagong prof na 'to.
"Put that down or you want me to shoot this girl's head." Banta ni sir Lenard.
Mas hinigpitan lang ni Ascen 'yung paghawak n'ya sa baril.
"I said put that down. I'm dead serious here at hindi ako magdadalawang pasabugin 'yung ulo n'ya." Nanggigigil n'yang sabi.
Dahan dahang binaba ni Ascen 'yung hawak n'yang baril sa sahig dahilan para mapatawa ng malakas 'yung gago sa harapan ko.
"Aaawwww, nakaka touch naman kayong pagmasdan na sinisave ang isa't isa, maiiyak na ata ako." Pang aasar n'ya.
Hindi kumibo si Ascen hanggang sa nailapag n'ya na ng tuluyan 'yung baril sa babae. Tsaka naman inilipat sa kan'ya 'yung pagkakatutok ng baril at hindi na sa akin.
"Matalino nga kayo, uto uto naman." Sabi ng prof. "Kung akala n'yo ganon n'yo nalang ako kadali mapapatumba, nagkakamali kayo." Dagdag n'ya pa. "Paalam na—"
Bigla s'yang bumulagta sa sahig pagkatapos ng isang malakas na pagputok mula sa kanang bahagi n'ya ro'n sa stage.
"Phew, sorry late." Sabi ni Rune tsaka naglakad papunta sa kinalalagyan ni sir Lenard na ngayon ay naliligo na rin sa sarili n'yang dugo.
"Took you so long to beat a skinny guy." Ascen said.
"I'm sorry." Rune said. "Already called the police to enter the yniversity by the way." He added.
Dumidilim naman bigla 'yung paningin ko at nahihilo na ako ngayon. Ang bigat na rin ng ulo ko. Nanlalata na ako. Anytime pwede na akong bumagsak.
"Hey."
Agad kong naimulat 'yung mga mata ko. Nasa bisig n'ya na ako ngayon. Mukhang hindi ko namamalayang nag collapse na nga ako dahil sa panghihina.
"You okay?" He asked.
"Y-yes, thanks." Sagot ko.
Bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Nag iba na rin 'yung tingin ko sa kan'ya, hindi na ako naiilang o ano. Eto 'yung matagal ko nang gustong maranasan, o maramdaman mismo. Napaka komportale. Pakiramdam ko safe na ako at wala nang mangyayari pang masama.
Nataranta naman ako dahil sa bigla n'yang pag iyak. At akmang tatayo ako para patahanin s'ya ay inangat n'ya ako at niyakap.
"I'm glad you're safe." He then said, tearfully.
Nag umpisa na ring pumatak 'yung mga luha ko. Tsaka ko s'ya niyakap pabalik. "Same Ascen, glad you're here with me now."
Hindi ko na mapigilan 'yung tuwang nararamdaman ng dibdib ko ngayon. Parang nu'ng mga nakaraang oras lang e sobrang kaba at takot 'yung nararamdaman ko. Pero ngayon, napawi na lahat at napalitan na ng ganito. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Pero kahit na, thankful parin ako. Kahit ang bilis lumipas ng mga bagay, at ang bilis magbago ng bawat sitwasyon. Hindi ko na talaga mapigilan 'yung bugso ng damdamin na nararamdaman ko.
Napaka komportale.
YOU ARE READING
HACKED: CODE X
Mystery / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
CHAPTER 100: CODE X
Start from the beginning
