CHAPTER 23: FILE

112 11 0
                                        

"Wear it."

Inabot ko 'yung helmet na binibigay ni Ascen. Tsaka 'yon isinuot. But the thing is, I can't lock it.

Bakit ba ang hirap i-lock ng mga helmet nilang dalawa? Ganito ba pag magara 'yung motor?

"Come here."

Humakbang ako palapit kay Ascen. Kahit inaasahan ko nang ila-lock n'ya 'yung helmet na nakasuot sa akin ay bumilis parin 'yung tibok ng puso ko. At sa sobrang lapit ko sa kan'ya ay hindi ko magawang iiwas 'yung tingin ko at marahan lang na nakatitig sa kan'ya na ngayo'y nakafocus sa pag lock ng helmet.

Mas lalong bumilis 'yung tibok ng puso ko nang bigla n'ya akong tinignan.

Ilang segundo ang tinagal no'n bago s'ya humarap sa kalsada.

"Sakay na."

Pagkasabi n'ya no'n ay umangkas na ako sa motor n'ya, at gaya kay Rune ay sobrang gara rin nito. Unang beses ko rin s'yang makikitang magmaneho. Napapaisip na rin ako kung gaano ba kayaman si Ascen, kung kapareho ba ng kay Rune o mas mayaman pa.

Pero, hindi ko alam kung bakit gumaan 'yung pakiramdam ko kaninang naunang umalis si Rune.

"Iaandar ko na, pwede kang kumapit sa akin." He said.

"Okay lang ako." Sabi ko naman.

Pagkasabi ko no'n ay agad n'yang iniandar 'yung motor n'ya tsaka pinatakbo. And gaya ni Rune, hindi s'ya ganon kabilis mag drive.

Hindi tulad ni kuya na sobrang bilis, nakakanerbyos. Tsaka mula nu'ng nadisgrasya s'ya hindi na s'ya pinagmaneho pa ni papa. Kaya ayon, naglalakad nalang kami pareho sa pagpasok.

Ilang minuto pa ng pagbbyahe ay nakarating na kami sa bahay nila Rune.

"Una ka na, I'll just park this." Sabi n'ya pagkababa ko.

"Ascen..." Banggit ko sa pangalan n'ya.

"Ah yes sorry." Sabi n'ya pagkabaling ng tingin sa akin.

Hindi pa kasi natanggal 'yung helmet umaalis na.

"There, sorry I forgot." He said after unlocking it.

"Okay lang, akyat na ako."

Tumango s'ya tsaka iniandar na ulit 'yung motor n'ya papunta sa garahe nila Rune.

Nagtuloy tuloy naman ako sa pagpasok sa loob at pag akyat sa hagdan hanggang sa makarating na ako sa silid kung saan kami madalas.

Nadatnan ko si Rune na naro'n na at siniset-up 'yung computer.

Tumuloy lang ako sa loob at naupo sa sofa.

"Sino mas maganda sakyan Gwyn? Ako o si Ascen?"

Bigla namang may tumamang leather bag sa kan'ya mula sa pinto.

"Think first before asking." Ascen said.

"Hindi naman siguro gano'n kadumi 'yung utak ni Gwyn e, gusto ko lang naman itanong kung saan mas masarap umangkas." Akmang babatuhin ulit s'ya ni Ascen. "Biro lang e."

Napahinga ako ng maluwag kasi tumatawa na ulit si Rune.

Buti naman

Naglakad lang si Ascen papasok pagkatapos i-lock 'yung pinto ng silid tsaka dumiretso sa pagkakaupo sa harap ng computer. Si Rune naman ay naglakad patungo sa sofa na nasa harapan ko at naupo.

"Pero 'yung totoo Gwyn, kanino mas masarap umangkas?" Pabulong n'yang tanong sa akin.

"I hear you dumbass. Stop it already, o gusto mong sa akin nalang umangkas lagi si Gwyn."

Napalunok naman ako sa sinabi ni Ascen.

"Par walang gan'yanan, nagbibiro lang naman 'yung tao e." Bawi ni Rune. "Grabe, sa lahat ng banta mo d'yan lang ako natakot." Dagdag n'ya.

"Then stop asking stupid things to Gwyn." Ascen said. "You should go here, the two of you."

Nagkatinginan naman kami ni Rune bago tumayo at lumapit kay Ascen.

May encrypted file na nakashow sa screen pero parang normal na file lang kasi nakafloat lang s'ya sa desktop home.

"It's not dark web, what is that?" Rune asked.

"File I copied from Philip's laptop." Ascen answered.

Hindi naman kami makapaniwala sa sinabi n'ya.

"So kaya ka nagpahuli kanina pumunta sa Xanthe e kasi pinuntahan mo laptop n'yan?" Tumango si Ascen. "Gago pa'no pag may nakakita sayo ro'n."

"Walang tao sa loob, no one saw me steal this file." Ascen said. "But there are three cctvs inside the library. I'm a hundred percent sure that caught me."

Nagseryoso bigla 'yung ekspresyon ni Rune. Ako nama'y nabahala.

"Aware ka pala bakit mo parin tinuloy? Alam mo bang pwede ka nilang gawing suspect d'yan?"

"Alam ko."

"Pero bakit naman ginawa mo parin Ascen? Tsaka ni hindi nga natin kilala 'yung namatay."

Hindi ko na rin maipinta 'yung itsura ngayon ni Rune. Halatang nag aalala sa ginawa ni Ascen.

Pero tama si Rune do'n. Maaaring i-review nila 'yung mga cctvs sa kung saan huling nakita si Philip. At pag nakita nila 'yung footage n'ya habang ginagalaw 'yung laptop ni Philip ay pwede s'yang pagbintangan.

"You knew that I am with you and Xen the whole time at faculty room you idiot." Ascen said.

Napagaan naman 'yung pakiramdam ko sa sinabi n'ya.

"Ah oo nga pala." Sabi naman ni Rune.

"Pero Ascen, pwede parin nilang ipagpilitang sangkot ka ro'n habang hindi pa nila nalalaman kung sino 'yung tunay na suspek. Delikado ka parin." Sabi ko.

"That's why I need to decrypt this file before they review cctvs." Ascen said.

"Bakit? Sure ka bang may makukuha kang sagot sa file na 'yan kahit paghirapan mo pang buksan?" Nababahalang tanong ni Rune. "What if it's just bunch of p*rn vids?"

"I'm not that stupid Rune. Hindi ka ba nakikinig kanina sa sinabi nu'ng huli n'yang nakasama sa library kanina? Sinabi n'yang pinasa sa kan'ya 'yung part n'ya sa activity nila na dapat si Philip ang gagawa. Isa lang 'yung pweding dahilan no'n. Maaaring habang nagawa 'yung Philip ng activity sa laptop n'ya e nakatanggap s'ya ng message galing du'n sa suspek, Maaaring death threats o kung anong pambabanta dahilan para ipasa n'ya sa kasama n'ya 'yung ginagawa n'ya. Tsaka nabanggit n'ya rin na bigla nalang nataranta 'yung victim tsaka pinagpawisan bago umalis." Paliwanag ni Ascen.

Napaisip naman ako sa sinabi n'ya at unti unti 'yon nag sink in sa utak ko. Tama s'ya ro'n. May possibility nga na gano'n talaga 'yung nangyari.

"Pero what's that file? Kung messages dapat nila 'yung dapat nating makita?" Takang tanong ni Rune.

"I already checked his messenger and even hacked all his accounts but I don't see unusual conversations in his chatlist, it's all empty by the way." Ascen said. "Pero nakita kong naka minimize lang 'yung file at hindi n'ya pa naki-clear, so that means before he proceeded to the comfort room, nilagay n'ya lahat ng messages nila sa encrypted file na 'to and he forgot to close it." Pagpapaliwanag pa n'ya.

"How dumb he is for doing such thing." Rune said. "Kung iniwan n'ya sanang nasa chatlist n'ya lang 'yung conversation edi hindi na tayo mahihirapang hanapin kung sino 'yung suspek." Dagdag n'ya.

"You're the one who is dumb Rune."

HACKED: CODE XDonde viven las historias. Descúbrelo ahora