Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Naghahalo 'yung tuwa, kaba at takot. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko na matukoy kung anong dahilan. Pilit ko paring sinisink in sa utak ko 'yung sinabi n'ya at hindi makapaniwala. Nu'ng sinabi n'ya rin 'yon, parang nag tugma lahat ng mga nararamdaman ko at nasagot lahat ng katanungan ko dati.
Kaya pala ang dali ko nalang naattach sa kan'ya. Kaya pala bigla bigla nalang akong nag aalala kapag may nangyayaring masama sa kan'ya. Kaya pala hinahanap hanap ko na s'ya at nasasabik tuwing hindi ko s'ya nakikita kahit ilang mga araw lang. Kaya pala ang bilis ng tibok ng puso ko kapag nand'yan s'ya. Kaya pala ang bilis kong maapektuhan sa mga sinasabi at kilos n'ya.
Nagsituluhan na 'yung mga luha ko.
Bakit pa ba ako napapa kwestyon? Obvious naman na lahat tapos hindi ko parin matukoy dati. Minsan talaga nakakainis 'yung sarili ko.
Huminga akong malalim.
"Oh bakit naiyak ka na? Takot na takot ka na ba talaga?" Tumawa s'ya ng malakas. "Bilang nalang 'yung oras mo o, magpaalam ka na." Sabi n'ya.
Pinahid ko 'yung mga luha ko.
"Gusto rin kita Ascen." Mahinang sabi ko pero alam kong narinig n'ya rin.
Hind ko na s'ya hinintay pang sumagot. Tsaka tumitig ulit sa box kahit na nanlalabo 'yung mga mata gawa ng luha ko.
X?
Kumunot 'yung noo ko sa nakalagay sa itaas ng bar na letter X tapos may kasamang question mark. Hindi ko alam kung tinatakpan ba nito 'yung value na hindi ko naman pweding itype o may meaning talaga.
Tatlong letters lang 'yung need ng box para mabuksan. Nabanggit din nung engot na prof na hindi 'to masasagutan ng kahit sino.
"Hindi mo nga ako kilala."
Biglang pumasok sa utak ko 'yung sinabi n'ya kanina. May kutob talaga ako ro'n. Tsaka anong hindi kilala? Bakit? Hindi n'ya ba tunay na name 'yung Lenard? May iba ba s'yang katauhan? Ang alam ko lang naman e masama s'ya at leader s'ya ng isang illegal organization sa dark web na dating pagmamay ari ni sir Xen— Xen.
Wait.
Hindi kaya?
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga tsaka hindi nagdadalawang isip na itinype 'yung tatlong letters sa pangalan ni sir Xen.
"IT OPENED!"
"I'M DONE!"
Me and Rune both exclaimed in chorus.
Napalitan ng tuwa 'yung kabang nararamdaman ko.
"What's the answer?" Ascen asked.
"Xen." I answered.
"Patay na s'ya pero may kinalaman parin s'ya rito. Talagang s'ya nag umpisa at s'ya rin tatapos." Sabi ni Rune.
Tama s'ya ro'n, si sir Xen ang dahilan kung bakit napadpad ako sa sitwasyong 'to. Kumbaga s'ya nga nag umpisa, tsaka s'ya rin 'yung sagot sa pagtatapos.
"I'm on my way there." Rune said.
"Paanong nalaman mo 'yung sagot?" Hindi makapaniwalang tanong ni sir Lenard.
"What do you mean? Nag base lang naman ako sa sinabi mo kanina. Tsaka hindi pa nasosolve 'yung case ng pagkamatay ni sir Xen at alam kong ikaw pumatay sa kan'ya." Sagot ko.
Napalitan na ng lakas ng loob 'yung nararamdaman kong kaba kanina.
"Wala akong pakealam d'yan, ang ibig kong sabihin ay kung paano mo alam na Xen 'yung sagot." Seryosong sabi n'ya.
YOU ARE READING
HACKED: CODE X
Mystery / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
