CHAPTER 34: DECRYPTION II

91 12 0
                                        

"Sige Xen, ingat ka." Sabi ni Rune.

"Kayo rin." Sabi naman ni sir Xen tsaka tumawid ng highway at naglakad palayo.

Naiwan naman kami rito sa garahe ng computer shop nila Ascen. Nakasakay na si Rune sa motor n'ya at nakatayo parin ako sa tabi.

"Rune." Pagtatawag ko sa pangalan n'ya.

Napatingin s'ya sa akin habang sinusuot 'yung gloves n'ya. "Bakit? May nararamdaman ka ba?" Tanong n'ya.

"Pweding dumiretso tayo sa bahay n'yo ngayon? Gusto kong tapusin 'yung ginagawa kong decryption." Tanong ko.

Ngumiti s'ya. "Pweding pwede." Sagot n'ya. "Lapit ka."

Agad naman akong lumapit tsaka n'ya ko sinuotan ng helmet na nakasanayan ko na rin. Tsaka paano naman kasing hindi masasanay, parang naka design naman kasi 'yung mga helmet nila na hindi basta basta malalock.

"Ayan, sakay na." Sabi n'ya. "Sa bahay ka nalang kumain, sigurado naman akong may naluto sila ro'n ngayon kasi sinabi kong uuwi ako at halfday lang pasok ko."

Tumango naman ako tsaka umangkas.

"Kapit."

"Nakakapit na."

Pagkasabi ko no'n ay agad n'ya nang iniandar 'yung motor n'ya paalis.

fw

At ilang minutes ng pagbabyahe ay nakarating na kami sa bahay nila. Hinintay ko lang s'yang maipark n'ya 'yung motor n'ya tsaka kami pumasok sa loob.

"Diretso ka na sa taas, dadala nalang ako pagkain do'n." Sabi n'ya.

Tumango lang ako tsaka umakya na sa hagdan nila patungo sa ikatlong silid.

Diniretso ko 'yung gaming chair kung saan laging inuupuan ni Ascen tsaka naupo ro'n. Tapos binuksan na 'yung computer at inilabas 'yung papel at ballpen na ginamit ko kagabi.

Nasaan na ba ulit ako?

"Step 1,......step 2........Ah step 3." Sabi ko sa sarili ko.

Kinuha ko 'yung ballpen sa mesa tsaka inumpisahan na ulit 'yung pagsusulat. Pumunta na rin ako sa internet at tsaka hinanap 'yung sinusundan kong steps kagabi.

"Square the current value of result. If the current bit is 1, multiply result by the ciphertext c. Take the result modulo the modulus n at each step." Pabulong kong basa ro'n.

Agad ko namang inapply 'yung nasa step 3 sa pag decrypt sa ciphertext.

Pagkatapos ay binasa ko ulit ng pabulong 'yung 'yung step 4 sa internet.

"After iterating through all the bits of the private exponent, the final value of result will be the decrypted plaintext."

Akmang magsusulat na ulit ako pero biglang pumasok si Rune.

Agad naman akong tumayo tsaka s'ya tinulungang ilapag sa mesa 'yung mga dala n'ya. Tsaka n'ya nilock 'yung pinto ng silid.

"Ikaw nalang kumain, tapos na kami nila Xen kanina e." Sabi n'ya.

"Akala ko ba kaya sila nagluto rito e kasi uuwi ka at dito kakain?" Takang tanong ko.

Napatawa s'ya ng marahan. "Kumakain din naman mga katulong namin Gwyn."

Ina napahiya pa ata ako ro'n.

"Sige lang kumain ka muna d'yan." Sabi n'ya.

Inumpisahan ko namang kumain na.

fw

Binilisan ko lang ding kumain para matapos agad.

"Tapos na ako Rune, saan ko ilalagay 'to?" Tanong ko pagkatapos uminom at ligpitin 'yung mga pinagkainan ko.

Napatigil naman s'ya sa pagtipa ng laptop n'ya tsaka binalingan ako ng atensyon.

"Nako, hayaan mo nalang muna 'yan d'yan." Sabi n'ya. "Ako na magbababa mamaya." Dagdag n'ya pa.

Tumango naman ako. "Kung gano'n itutuloy ko na ginagawa ko." Sabi ko tsaka tumayo at bumalik sa pagkakaupo sa harap ng computer.

"Sige lang at ako rin." Sabi n'ya naman.

Binasa ko ulit 'yung susunod na step at halatang mahirap na.

Kainis.

Now I just need to illustrate the calculation using specific numbers:

result = 1
c = 34928749089271832498137459827349
d = 29191789354213789789274984739855
n = 43419879478940849829402945029890

Next is iterating through the bits of the private exponent or d from MSB to LSB. Tapos may iteration 1, 2, and so on pa.

Masisiraan na ako ng ulo.

Iteration 1:
bit = 1
result = (result * result) mod n = (1 * 1) mod 43419879478940849829402945029890 = 1 mod 43419879478940849829402945029890
result = (result * c) mod n = (1 * 34928749089271832498137459827349) mod 43419879478940849829402945029890 = 34928749089271832498137459827349 mod 43419879478940849829402945029890

Sumasakit na daliri ko kakasulat at type sa pagkarami raming numbers. Talagang kelangang maging maingat sa pag copy ng numbers kasi isang kamali lang ng type at sulat pweding mamali 'yung buong equation.

Sumasakit na rin ulit 'yung ulo tsaka likuran ko, hindi ko narin namamalayan 'yung pagtakbo ng oras.

Phew.

Mas maiging ituloy ko muna 'to.

Iteration 2:
bit = 1
result = (result * result) mod n = (34928749089271832498137459827349 * 34928749089271832498137459827349) mod 43419879478940849829402945029890 = 12204858265975949758594936566580 mod 43419879478940849829402945029890
result = (result * c) mod n = (12204858265975949758594936566580 * 34928749089271832498137459827349) mod 43419879478940849829402945029890 = 36159831381513012865973152659925 mod 43419879478940849829402945029890

Gusto ko nang maiyak. Torture na 'to e. 'Yung pagtype palang ng letters tapos isusulat ko pa, nakakasira na ng ulo. Tapos isa isa ko pang chinicheck at inuulit ulit para hindi ako magkamali.

Iteration 3:
bit = 0
result = (result * result) mod n = (36159831381513012865973152659925 * 36159831381513012865973152659925) mod 43419879478940849829402945029890 = 29237570545746356998804688316389 mod 43419879478940849829402945029890

Pinagpatuloy ko lang 'yung pag iterate sa mga bits hanggang sa matapos ko lahat at kahit hindi ko na pansinin 'yung relo ko e alam kong ang daming oras na 'yung nagugol ko. Baka abutin nanaman ako ng hapon pero mas maiging matapos ko na 'to agad.

Pero nadadama ko na talaga 'yung sobrang pagkaanton at sobrang pagod. Hindi ko maintindihan 'yung nararamdaman ko ngayon. Para akong gutom kahit na kakatapos ko lang ding kumain. Para rin akong babagsak sa sobrang bigat ng katawan ko. Gusto ko na talagang itulog pero mas gusto ko namang tapusin na 'to agad.

Kahit na mag iisang araw palang na hindi ko nakikita si Ascen, at kahit hindi pa kami gano'n katagal na nagsasama ay gusto ko na s'yang makaalis do'n at mapatunayang inosente s'ya. Hindi ako mapanatag kapag iniisip kung anong lagay n'ya ngayon do'n, lalo't wala s'yang kahit anong gadget na dala. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa kan'ya ro'n—I mean hindi naman basta basta masasanay ang katawan kapag may bagong ganap. Iniisip ko rin talaga 'yung lagay n'ya. Baka magkasakit s'ya ro'n.

O baka nag ooverthink nanaman ako?

Ang sakit ng ulo ko. Sobrang bigat, hindi ko na rin alam kung kakayanin ko pang ituloy 'to. Pero mas mahalagang matapos ko talaga 'to. Kahit hindi ngayon, basta matapos. 'Yon lang talaga 'yung gusto ko, at sana, matukoy na kung sino 'yung tunay na suspect.

Nanghihina na ako.


HACKED: CODE XWhere stories live. Discover now