CHAPTER 15: XEN PT. II

109 13 0
                                        

"Akala ko hindi ka uuwi ngayon?" Tanong ko kay kuya.

Kasalukuyan na kaming kumakain ng hapunan.

"Sabi ko, madalang lang, hindi ko sinabing hindi na ako uuwi." Sagot n'ya.

"Pangit naman."

Akmang hahampasin n'ya ako nang pinigilan s'ya ni papa. "Ikaw Gyro a, wag mong pinapatulan kapatid mo." Sabi n'ya.

"Hindi naman ako masakit humampas pag sa kan'ya e." Sabi ni kuya.

"Hindi raw masakit e ang bigat bigat ng kamay mo." Sabi ko naman.

"Ilang beses ko ba kayong sisitahing dalawa, basta nasa hapag kainan na kayo puro nalang kayo pagtatalo d'yan." Mama.

Tumahimik ako.

Ewan, parang bahagi na ng routine naming dalawa 'yung magsagutan kapag magkasama e. Walang araw na magkaayos kaming dalawa, lagi talagang may bangayan.

"Anong balak n'yo bukas?" Tanong ni papa habang kami ay nakain parin.

"May asikasuhin kami sa school." Sagot ni kuya.

"Ikaw Gwyn?" Tanong naman sa akin ni papa.

"Gagala."

Napatingin silang tatlo sa akin.

"Bago 'yan a. Kala ko magkukulong ka nanaman." Pansin ni kuya. "Saan ka naman gagala at sinong kasama mo?" Tanong n'ya.

"Mag isa ko lang, punta akong library, bantayan mo ko?" Sarkastikong tanong ko.

"Minsan ka na nga lang gumala library pa, pangit naman ng trip mo." Pang-aasar n'ya.

"Wow ha, tapos pag lumayo ako magagalit ka naman."

Nakakainis 'tong taong 'to, lahat nalang pinapansin e. Parang wala tuloy akong ginawag tama.

"Hayaan mo na nga Gyro, 'yan ang gusto ng kapatid mo e." Sabi ni mama.

"Okay lang pumasyal ka sa ibang lugar Gwyn, basta mag iingat ka." Sabi naman ni papa.

"Oh narinig mo 'yon? Baka may isesermon ka pa d'yan." Sabi ko kay kuya.

"Kumain ka na nga d'yan." Pasukong sabi ni kuya.

Titigil ka rin pala e.

Napasinghap ako.

Nagsinungaling nanaman ako sa kanila. Hindi naman talaga ako pupuntang library kung hindi e sa bahay nila Rune. Doon kasi kami mag uumpisang mag dive bukas sa madilim na bahagi ng web. Tsaka hindi ko naman pweding sabihin 'yon kina mama kasi baka hindi ako payagan. Pero ayoko ring sabihin sa kanila na na-hack 'yung phone ko at tinutulungan ako nu'ng dalawa. Ayoko rin kasing malaman nila na papasok ako sa dark web.

Ayokong mag alala sila.

"Tapos na ako." Sabi ni papa pagkatapos uminom ng tubig at umalis na patungo sa sala para manood ng tv.

Ganon din si mama kaya naiwan kaming dalawa ni kuya rito sa kusina na nakain parin.

"Nabalitaan mo na sa school 'yung ano?"

Bigla naman akong kinabahan. "Alin?" Baka kasi 'yung kumakalat na chismis 'yan e.

"Yung bagong prof sa computer science."

Napahinga naman ako ng maluwag. "Oh bakit? Tanong ko. "Ano mero'n sa kan'ya?"

"Crush daw ng mga estudyante e." Sagot n'ya.

"Ano ngayon." Pangbabalewala ko.

Hindi na 'yon bago, ang dami ko nang nasaksihan na mga estudyanteng nagkakagusto sa mga guro e. Tsaka isa pa, pogi at bata pa 'yung bagong prof.

HACKED: CODE XWhere stories live. Discover now