CHAPTER 59: CAESAR CIPHER

80 12 0
                                        

Naglalakad na ulit ako ngayon habang suot suot 'yung dala kong headphone at nagpapamusic. Wala nga lang internet kasi makahoy, nagsawa na ako sa mga nadownload ko rito.

Habang naglalakad e may mga nadadaanan parin akong iba pero agad ko ring iniiwasan. Wala e. Ayoko lang talaga. Kaya rin ako nag headphone e, para pag may kumausap sa akin e hindi ko mapansin at hindi na rin sila mag aabala pang luma—

"Hi Gwyn."

—pit.

Pag minamalas ka nga naman. Lumapit na mismo sa kung saan ako nakatayo.

"Ilan na nakuha mo."

"'Di ako marunong mag bilang." Binaba ko 'yung headphone ko sa leeg ko. Wala rin namang silbi.

Naiilang s'yang napatawa. "Nakakatawa ka rin pala ah." Sabi n'ya.

Well, ikaw hindi.

Tsaka ano na ulit pangalan neto? Amira? That sounds wrong.

"Pero seryoso marami ka na bang nakuha?"

Tinanguan ko lang s'ya.

"Nahirapan ka ba?"

Umiling ako.

"Uhmmm...." Parang nag iisip pa s'ya ng sunod na itatanong sa akin.

Bakit ganito mga tao ngayon. Kahit halata nang hindi interesado 'yung tao kakausapin at kakausapin pa rin. Hindi sila nauubusan ng ibabala e.

"Kumain ka na ba?"

Tumango ako.

"Ilan balak mong kuning charms?"

Nag kibit balikat ako.

"Mukhang hindi ka pala talaga mahilig makipag usap sa ibang tao."

Agad akong tumango. Ngayon lang nahalata.

"Sige iiwan na kita rito, maghahanap pa ako ng charms para manalo." Sabi n'ya tsaka naglakad palayo hanggang sa hindi ko na makita.

Buti naman.

Napahinga ako ng maluwag tsaka nagpatuloy sa paglalakad at hindi sa paghahanap.

Kung tatantsahin 'yung nalakad ko e nakalayo na nga ako mula sa site. Ang problema nga lang e kung paano na ako makakabalik do'n. Kasi kahit ako, nakalimutan na rin. Naisip ko pang mag iwan ng mga trace kanina like baliin 'yung mga sanga ng punong madadaanan ko pero dahil nga sa umiiwas ako pag may nadadaanan akong tao e hindi ko na nagagawa.

Huminto ulit ako sa isang puno. Another box.

Pinulot ko ulit 'yon at tsaka binasa 'yung puzzle na nakalagay sa tablet.

Umupo ako pasandal sa puno na pinagpulutan ko no'n matapos kong makita 'yung puzzle.

"It is a famous quote from a classic computer science book." Basa ko.

"F-r-n-e-p-u g-u-r c-y-n-p-r, b-s-s-v-p-r-e." Basa ko sa bawat letra na nakalagay.

Now this is a puzzle.

Isa 'tong code na need i-decipher. Kaso hindi ko pa matukoy kung anong klaseng code 'yung ganito na nag cocontain ng letters—letters.

Ah yes, Caesar Cipher.

Nilapag ko sa lupa 'yung box tsaka kinuha sa ba ko 'yung dala kong ballpen at papel. Tsaka inumpisahang isulat 'yung bawat letra ng alphabet at mga numbers na katumbas nito.

A - 1                  K - 11                U - 21
B - 2                  L - 12                 V - 22
C - 3                  M - 13               W - 23
D - 4                  N - 14                X - 24
E - 5                   O - 15                Y - 25
F - 6                   P - 16                Z - 26
G - 7                  Q - 17
H - 8                  R - 18
I - 9                    S - 19
J - 10                  T - 20

Napatitig naman ako sa sinulat ko.

Wait. I think something's wrong.

Oh. I need to find the shift value. Mukhang matatagalan ako rito.

Shift 0: Frnepu gur cynpr, bssvpre
Shift 1: Eqmdot ftq bzoqs, cttwqsf
Shift 2: Gsofqt hvs dbqsu, evvysh
Shift 3: Jvritw kyv getvx, hyyavk
and so on....

(Note: The letters might be wrong. Hirap po promise.)

Pinagpatuloy ko lang 'yung pag identify ng value ng shift hanggang sa mahanap ko na 'yung dapat kong gamitin sa pag iterate.

Shift of 13. Ah yes.

Problema nga lang e matatagalan ako rito sa dami ng letters at need ko pang isa isahin.

I'll start first letter which is F. To know the real corresponding letter of it, the first thing I need to do is to find the equivalent number of the letter F which is 6 and add it to 13. And the answer is 19 which corresponds to the letter S.

Therefore, the first letter is S.

Kapag 'yung nakuhang sagot naman sa pag add e sumobra na sa bilang ng alphabet, need i-subtract 'yung sagot sa 26 o sa bilang mismo ng alphabet.

F (6) + 13 = 19 (S)
R (18) + 13 = 31 - 26 = 5 (E)
N (14) + 13 = 27 - 26 = 1 (A)
E (5) + 13 = 18 (R)
P (16) + 13 = 29 - 26 = 3 (C)
U (21) + 13 = 34 - 26 = 8 (H)

G (7) + 13 = 20 (T)
U (21) + 13 = 34 - 26 = 8 (H)
R (18) + 13 = 31 - 26 = 5 (E)

C (3) + 13 = 16 (P)
Y (25) + 13 = 38 - 26 = 12 (L)
N (14) + 13 = 27 - 26 = 1 (A)
P (16) + 13 = 29 - 26 = 3 (C)
R (18) + 13 = 31 - 26 = 5 (E)

B (2) + 13 = 15 (O)
S (19) + 13 = 32 - 26 = 6 (F)
S (19) + 13 = 32 - 26 = 6 (F)
V (22) + 13 = 35 - 26 = 9 (I)
P (16) + 13 = 29 - 26 = 3 (C)
R (18) + 13 = 31 - 26 = 5 (E)
E (5) + 13 = 18 (R)

SEARCH THE PLACE OFFICER

Pagkatype ko no'n sa tablet ay agad na bumukas.

Finally.

Sana pala hindi na ako nagreklamo sa mga naunang puzzles kasi sobrang hirap netong nakuha ko at halos isang oras 'yung naubos para lang sa iisang riddle. But it's okay, para hindi ako mananalo.

I already got 4 charms now. Baka sa iba more than 10 na nahahanap nila.

Nababahala ako na hindi. Ayaw kong manalo pero ayoko ring malaman nila na kokonti lang nakuha ko. Nakakatamad naman kasing maghanap, parang hinihintay ko nalang na mag alas sais na sa bagal ko maglakad e. Nag iingat na rin ako ngayon sa box na makikita ko, pag alam kong mahirap tatakbuhan ko na. Baka mamaya masiraan lang ako ng bait e. Nasamplelan pa ako sa pag decipher ng Caesar Cipher na hindi ko pa naman napapag aralan no'n kung hindi e napanood ko lang sa crime solving na palabas tapos may detectives and stuffs.

Hindi ko nga lang inaasahan na maaapply ko pala sa ganitong klaseng activity.

HACKED: CODE XWhere stories live. Discover now