CHAPTER 30: ALGORITHM

93 10 0
                                        

"I'll leave Ascen's motorcycle here at your house Rune."

Nasa labas na kami ng bahay nila Rune ngayon.

"Huh? What about you? Saan ka sasakay?" Takang tanong ni Rune.

"Magco-commute nalang ako." Sagot ni sir Xen.

"Then let me give you money." Rune said.

"Wag na, salamat nalang. May pera na ako ngayon kumpara dati." Tanggi ni sir Xen.

"Kung gano'n mag iingat ka nalang."

"Kayo rin." Nakangiting sabi ni sir Xen. "Una na ako Rune, Gwyn."

Tinanguan lang namin s'ya bago pinanood na maglakad palabas ng gate ng bahay nila Rune at naiwan kaming dalawa rito.

"Uwi ka pa o dito ka na matulog?"

Sinamaan ko ng tingin si Rune dahilan para mapatawa s'ya.

"Papatayin ka ng kuya ko." Sabi ko.

Tumatawa parin s'ya. "Nagbibiro lang ako." Bawi n'ya. "Gano'n ba nakakatakot kuya mo? Ilang taon na ba 'yon?" Tanong n'ya.

"Same sayo. 4th year na rin at nag aaral din sa school na pinapasukan natin."

Tumaas dalawa n'yang kilay tsaka napatingin sa akin. "Seryoso?" Tumango ako. "Delikado pala talagang malaman na inaangkas kita. Pag nakarating ro'n baka sugurin ako bigla ha."

Napatawa naman ako ng marahan. "Kung sakaling mangyari nga 'yon nang 'di sinasadya e kaya ko namang barahin si kuya." Sabi ko naman.

"So ibig mong sabihin okay na sayo kahit malaman ng iba na ikaw inaangkas ko?"

Sinamaan ko ulit s'ya ng tingin. "Sabi ko kapag aksidente lang. Naghahanda lang ako." Sagot ko.

Tumawa s'ya ulit. "Biro lang din. Tsaka naiisip ko rin 'yung sinabi ni Ascen, baka mas lalo kang masangkot sa mga gulo kapag nalaman nila." Napahigpit s'ya ng kapit sa motor n'ya. "Nagsisisi na rin akong naging popular ako sa school e, parang wala na akong kalayaan sa pagpili."

Hindi ko alam kung bakit ang lungkot pakinggan no'n.

"Hirap talaga maging pogi."

Napangiwi ako. Binabawi ko na 'yung malungkot.

"Sakay ka na."

Pagkasuot n'ya ng helmet sa akin ay agad akong sumakay sa motor n'ya. Alas kwatro na rin ng hapon at sana hindi nag aalala sa akin sina mama ngayon, lalo si kuya. Hindi malabong nakarating na sa kanila 'yung news about sa namatay na estudyante sa school na pinapasuka naming dalawa.

"I'll drive."

Pagkasabi no'n ni Rune ay iniandar n'ya na paalis 'yung sasakyan n'ya.

At ilang minutes pang pagbabyahe ay nakarating na kami malapit sa bahay, hindi sa mismong harap ng bahay namin kasi baka nga may makakita sa amin.

"Thanks." Sabi ko pagkaabot sa kan'ya ng helmet. "Ingat ka."

Pinat n'ya 'yung head ko. "Ikaw din, una na ako." Paalam n'ya.

Pinagmamasdan ko muna s'yang makaalis bago tuluyang nanglakad pauwi sa bahay.

Wala pang tatlong minuto ay nakarating na rin ako. Pero hindi na ako nag abala pang magsabi na nandito ako, para hindi nila alam kung anong oras ako dumating. Sasabihin ko nalang na nakalimutan kong magsabi mamaya kapag magtatanong sila.

Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad sa loob hanggang sa makarating ako sa silid ko. Nagbihis lang ako tsaka agad na naupo sa mesa ko. Itinabi ko rin muna 'yung keyboard tsaka kumuha ng ballpen at papel—oh no. Need ko palang gumamit ng internet.

Binalik ko 'yung keyboard sa mesa tsaka binuksan 'yung pc tsaka agad 'yon ini-run.

Ilang minutes pa e binuksan ko na 'yung internet para i-search kung paano na ulit mag decrypt gamit 'yung RSA Algorithm.

Maraming mga lumabas sa unang pag search ko. Pero una ko munang susundin 'yung mga naunang lumabas, sana nga lang masundan ko at gumana.

Nilabas ko 'yung phone ko tsaka pumunta sa gallery. Agad kong pinindot 'yung kuha kong litrato kanina sa computer ni Rune.

43419879478940849829402945029890
65537

Napahilot ako sa sintido ko.

Hindi ganito 'yung mga numbers sa nakita kong example. Bakit sobrang laki ng numbers, I mean bakit ang dami? Talagang sinecure ng mabuti 'yung file para hindi basta basta mabuksan. Nakakainis.

Sinubukan kong sundan 'yung step by step na naka show sa internet. Gumamit din ako ng iba't ibant mathematical equations para mag solve.

Maingat ko ring sinusundan 'yung mga steps sa internet pero sobrang hirap talaga.

Eto 'yung karaniwang scenario sa school, 'yung kampante ka kasi nasundan mo 'yung ginawang example ng guro sa harap tapos kapag magpapa activity na e sobrang hirap at hindi mo alam kung saang parte ng libro n'ya ba nadampot 'yung problem na 'yon at ang layo sa ginamit n'yang example.

Kung titignan mo 'tong serial numbers na nilagay ni Philip sa text document na naka separate sa encrypted file e parang numbers na natripan n'ya lang pindot pindutin.

Feel ko talaga mahihirapan akong i-decrypt 'to. Kasi una sa lahat hindi ko pa 'to napag aralan, natripan ko lang talagang i-check 'yung mga algorithms dati at ngayon hindi ko inaasahang mai-apply ko pala rito.

Gusto ko rin sanang magpatulong kay Rune pero ayoko nang dagdagan 'yung mga iniisip n'ya lalo na sa kan'ya nakaasa 'yung footages ng CCTV. At hindi rin ako sigurado kung wala ba talagang masyadong alam 'yung si sir Lenard sa mga computers at maaaring masira nanaman 'yung plan nila sir Xen at Rune.

"Gwyn! Baba na!"

Napatanggal ako sa suot kong headphone tsaka tumayo sa upuan.

Binuksan ko 'yung pinto at agad na naglakad pababa ng hagdan patungo sa kusina.

Nadatnan ko silang naroon nang tatlo kaya naupo na rin ako.

Nakatingin sa akin si kuya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Anong bakit? Anong oras ka dumating?" Tanong n'ya pabalik.

"Ewan, basta maaga." Sagot ko.

"Magsabi ka nga sa susunod, pinag aalala mo si mama." Sabi n'ya.

Tumango lang ako. 'Yung nangyari kaya school? Hindi ba nakarating sa kanila?

"Kaano ano mo 'yung namatay."

Napatigil ako sa pagsubo saglit pero agad ding itinuloy. "Hindi ko kilala." Sagot ko.

"Pero nabanggit nila na kasama ka sa witnesses." Sabi ni kuya.

"Naging curious lang ako nu'ng sinabi ng katabi ko na may nakita s'ya na kung ano sa cr kaya tinignan ko rin."

Tumahimik saglit at tanging 'yung mga gamit lang naming kutsara't tinidor 'yung naririnig na tumatama sa mga pinggan.

"Hindi mo ba alam kung anong napason mo Gwyn? Baka mapagbintangan ka d'yan." Alalang sabi ni papa.

"Oo nga naman nak, dapat nag iingat ka. Pag hindi nahuli 'yung gumawa n'yan hindi na natin alam kung safe ka pa." Sang ayon naman ni mama.

"Malinis pangalan ko, tsaka wala kayong dapat ipag alala, alam ko ginagawa ko." Kalmadong sabi ko.

"Nag alala lang kami sayo Gwyn." Sabi naman ni kuya.

"Kahit ako nag aalala pero wag kayo masyadong maging oa. Hindi naman ako napano."

"Sa ngayon, hindi natin alam kung anong mangyayari bukas."

Padabog kong binaba 'yung hawak kong kutsara at tinidor, tsaka iniangat 'yung baso at uminom.

"Kung wala kayong tiwala sa akin, bahala na po kayo." Sabi ko. "Basta alam ko sa sarili kong safe ako." Dagdag ko.

Hindi sila nakaimik.

HACKED: CODE XWhere stories live. Discover now