CHAPTER 48: ANOTHER PROMISE

83 12 0
                                        

"Yo."

Napatingin kami sa biglang dumating mula sa taas.

Ascen.

Suot ang plain black na polo at men's trouser na pinaresan ng puting rubber shoes ay naglakad s'ya palapit sa amin tsaka naupo sa pang isahang upuan paharap sa aming lahat. Halos magkalapit lang din kami.

"Siguro kung ganito lang kapogi si Rune hind ko kailanman ibubully." Sarkastikong sabi nu'ng kuya ni Rune.

"Itigil mo nga 'yan Eric, para kang bata." Sita ng mama n'ya.

"Hindi naman hamak na mas pogi si Rune kesa sayo." Sabi naman nu'ng isa pang lalake, hindi na ako magtataka pa kung pati 'to kapatid n'ya rin kasi magkakahawig talaga sila.

Sinamaan lang s'ya ng tingin nung Eric.

"I didn't invited you here to argue." Ascen said.

"Binabawi ko na 'yung sinabi ko kanina, ang sungit parin pala netong si Ascen." Sabi ng kuya ni Rune.

"Wag ka namang ganyan anak, nandito sila para batihin ka sa kaarawan mo."

Oh. Ito palang nasa tabi ni Rune 'yung nanay ni Ascen. Kaya pala mukhang bata parin. Pero hindi lang talaga hawig ni Ascen, hindi ko alam kung anong namana n'ya sa kanya kahit sabihin na nating sobrang ganda ng mama n'ya.

"I'm joking by the way." Bawi naman ni Ascen.

"Pogi parin talaga ng anak mo Lucia, mula ipinanganak hanggang ngayon hindi nagbabago." Sabi nung tingin ko'y nanay naman nila Rune.

"May pinagmanahan." Nakangiting sabi ng mama ni Ascen.

"Pogi nga cold naman." Sabat nu'ng kuya ni Rune na kanina pa nambubully.

Alam ko na anong pinagkaiba nitong si Rune sa pangalawa n'yang kapatid. Kung si Rune mayabang, eto may anger issues.

"Not talking to you tho." Kalmadong sabi ni Ascen.

Pero,

Kanina pa ako naiilang dito. Mula pagkaupo ko hindi man lang tinanong kung sino ako. Nag uumpisa na rin akong mag overthink kung pangit ba ako manamit o may mali sa dating ko kumpara sa kanilang lahat na nandito.

"Kain na."

Naagaw ng dumating 'yung atensyon naming lahat. Parang kaedad lang nu'ng kuya ni Rune. Pero mukhang matangkad tsaka mas malaki 'yung katawan. Hindi ko matantsa 'yung possible na edad pero alam kong bata pa s'ya.

"Tara na sa dining hall guys." Aya ng mama ni Ascen.

Nagsitayuan naman ang lahat at kan'ya kan'ya nang punta sa dining hall nila Ascen.

Hindi muna ako kumibo sa inuupuan ko at pinauna silang lahat. Ganon din sina Rune at Ascen. Hanggang sa makaalis na sila.

"You okay?" Asked Rune.

Napaangat ako ng tingin. "Ah oo." Wala sa sariling sagot ko.

"It's okay, baka hindi ka napansin agad. Ipapakilala ka namin mamaya don't worry. Tsaka mababait mga tita at tito namin, hindi ka nila ijajudge, pantay pantay tingin nila sa mga tao." Pagkocomfort ni Rune.

Pilit akong ngumiti.

"Rune's right, don't worry." Kay Ascen naman ako napatingin. "Give me your bag." He said.

Tumayo na kami, tsaka binigay kay Ascen 'yung bag ko na akala ko'y itatabi n'ya muna pero nagulat ako nu'ng isinuot n'ya 'yon.

"Let's go."

Nagtataka akong naglakad pasunod sa kanilang dalawa ni Rune.

At nu'ng makarating na kami sa dining hall ay naagaw nanaman namin 'yung atensyon nilang lahat na nakaupo na.

"Hoy! Oo nga pala, we forgot about this girl!" Ascen's mom exclaimed and walked towards me. "Kaano ano n'yo s'ya anak?" She asked.

Hindi ako makakibo sa kinalalagyan ko kasi ang lapit n'ya sa amin, lalo sa akin. Tsaka mas matangkad din ako ng konti. Naiilang ako.

"A friend...."Nag iwas ng tingin si Ascen, tahimik din ang lahat maliban sa mga bata na kumakain na. "...a close friend." Dugtong n'ya.

Hindi ko naman alam kung bakit nakatitig sila sa amin ngayon na parang hindi makapaniwala sa narinig. Wala ring umimik sa kanila.

"F-friend?" Utal na tanong ng mama ni Ascen.

"Yes mom, a friend." Ascen clearly answered.

"Are you sure? Seryoso ka ba d'yan Ascen?" Tanong din nung mama ni Rune.

"Hindi marunong magbiro si Ascen ma, at oo kaibigan namin 'to, si Gwyn." Sagot naman ni Rune.

At sa isang iglap, bigla akong nilapitan ng mama ni Ascen, as in sobrang lapit na. Tsaka naman naglakad palayo si Ascen at Rune na naghanap na ng bakanteng mauupuan sa harap ng hapag kainan.

"Nako iha friend ka lang ba talaga ng anak ko? Hindi ba pweding girlfriend na?"

Nahihiya, naiilang, at confused akong tumingin sa mama n'ya.

"W-we're just friends po." I answered.

Nagulat din ako nang biglang magtatatalon 'yung mama n'ya. Sumigla rin 'yung atmosphere gawa ng biglang pagkasiya ng mga nandito.

"I don't want to know how my son met you or what you did. But I'm very thankful that he already managed to have a friend who is a girl." Halos maluha n'ya nang sabi.

"Sorry for being like this in front of you iha, sobrang saya ko lang na sa wakas nagsawa na s'ya kay Rune at nakahanap na ng tulad mo."

Napangiwi ako sa sinabi n'ya. Hindi ko rin masabi kung nagbibiro lang ba s'ya o totoo kasi naluluna luha na s'ya ngayon.

"Grabe ka naman tita, kaming tatlo ang magkakaibigan 'no." Sabi naman ni Rune.

Habang nagiging emosyonal ay napatawa 'yung mama ni Ascen. "Akala ko kasi wala na talaga s'yang balak kumilala ng iba, natatakot ako ng sobra na baka kapag nawala na kami e mag isa nalang s'ya. Ayoko namang pilitin 'yung anak ko sa bagay na ayaw n'ya kaya gan'to nalang ako sobrang sumaya nu'ng nalaman kong kaibigan ka n'ya." Sabi n'ya pa.

Hindi ko naman alam kung anong irereact ko ngayon kahit na narinig ko na lahat 'yan kay Rune kahapon. Parang ang sarap papasukin sa tenga pag sinasabi nilang ako dahilan bakit s'ya nagkakaroon ng improvements ngayon. Ang sarap sa pakiramdam kapag pinapasalamatan  nila ako.

"Stop it mom, you're making her uncomfortable." Ascen said.

Pinahid n'ya naman 'yung luha n'ya tsaka nag angat ng tingin sa akin. "Thank you Gwyn, sana wag mo nang iiwan 'yung anak ko." Sabi n'ya pa.

Mabilis ang tibok ng pusong tumingin ako kay Ascen. Nakatingin na rin s'ya sa akin ngayon. May kung ano rin akong nararamdaman mula sa mga mata n'yang parang nangungusap at may gustong ipahiwatig sa akin.

"Opo, hinding hindi ko po s'ya iiwan."

HACKED: CODE XWhere stories live. Discover now