You are probably wondering where my mom is. Well, she died when she gave birth to me at the age of 46. Yes, I was a miracle baby. An only child. That’s why my dad is strict and paladesisyon towards me.

Minsan pa ay sobra na siya sa pagiging ganon kaya madalas kami magtalo dahil parehas kaming matigas ang ulo, masungit at seryoso. Ayun ang nakuha ko kay Dad. They said I looked like my mom and I'm not complaining. She is gorgeous, sexy din ang katawan nito base sa mga pictures nito kaya bagay na bagay talaga sila ni dad kung tutuusin. Idagdag mo pa ang talino ng nanay ko kaya wala akong maisusumbat kapag sasabihin nilang mana ako sa nanay ko kahit hindi ko ito naabutan. I miss her so much and it saddens me that I didn't get to feel a mother's love and care.

“Last na ito nak.” Biglang salita ni Dad na may ngiting nakapaskil sa kanyang poging mukha kaya nabalik ulit ako sa katinuan… at pagkabad trip.

“Dad naman! Pang ilang last na ba iyan?” Pag iirap ko rito sabay halukipkip ng braso.

“Last na talaga ngayon tutal balik eskwela ka na ulit sa university mo at graduating ka na. Hahayaan muna kita sa pag-aaral mo. Just this once malay mo magustuhan mo siya.” Pagpupumilit ni Dad sa akin. Hays, kainis talagang buhay ito. Kung di ko lang mahal itong tatay ko eh hahayaan ko lang siya kahit lumuha pa siya ng dugo sa harap ko, di ako magpapapilit, kaso siya na lang ang natitira kong pamilya sa bahay na ito so I should cherish the moment to at least follow him even though it's very hard on my part.

“Dad last na ito ha! Kapag may nireto ka na naman sa akin. Lalayas na ako dito.” Pagbabanta ko sa kanya at tumango naman ito pero may pahabol.

“For now, I said. Until you haven't met anyone yet. After you graduate, you'll get married sa anak ni tito Louis mo. Okay? Iyan ang deal natin.” He firmly said with finality na ikinakulo ng dugo ko dahil siya lang ang pumayag sa deal na iyon!

I just met tito Louis Lopez kapag may company event sila dad. And dad also said na may anak siyang dalawa, yung isa ay lalaki which I already met before dahil sinasama din ito ni tito sa events dahil business partners nga sila ni dad at ang alam ko ay tagapagmana rin iyong anak niyang lalaki.

His name is Lewis, one of the handsome (daw) faces sa family clan nila but I doubt his manners, he is super mahangin, GGSS, at manyak. I dated him once because that's what dad wants but after that ay hindi ko na itinuloy dahil nananching agad. Kadiri! I'd rather die than be with him forever.

Ewan ko na lang din sa tatay ko bakit desisyon sa buhay ko. That's why napapaisip ako, kung nandito ba si mom my life would be like this? Hell, I can't stop being emotional so I just kept the pain inside me. Hidden grudges sometimes. Naisip ko minsan sana si mom na lang ang nabuhay rather than me. But I guess miracles do happen, bad luck lang siguro talaga ako.

“Dad, I hate you! I didn't agree with that!” Singhal ko dito at sabay pabagsak ng isinarado ang pinto. Bahala siya dyan! Kainis.

"Hey, Xyianne Yunis! You can't do that to me! That's very disrespectful." Puna nito sa akin habang nakasandal ako sa likod ng pinto. Nakakaiyak pota.

"I hate you, Dad." I whispered to myself and let my tears fall down freely.

"I'm sorry dad. Sige na, mag aasikaso na ako." Sagot ko sa kanya. Narinig ko naman ang yapak nito papalayo sa kwarto ko kaya nagpadausdos ako sa kinasasandalan ko at umiyak muna bago mag asikaso para sa lecheng date na yan!

**

Nakapagbihis na ako,  I just wear a nude cargo pants and a white crop top shirt with it's statement ''I hate my date" nakita ko lang ito sa online shop kaya tuwang tuwa ako at binili ko kaagad. Hapit ito sa katawan ko. I also wear my black beanie. I have long dark brown hair with a natural curl on the tip of it. Inggit nga yung baklang naggugupit sa buhok kapag napapadpad ako sa salon dahil ang natural daw ng buhok ko lalo na yung pagkakulot nito sa ilalim, hindi na daw kailangan i–stylan kasi maganda na daw pati may ari ng buhok...

This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now