Chapter 20

109 8 0
                                    

Call

"Hay! Mabuti naman at gising ka na, Shiera!" Maingay na salubong sa akin ni Tiya Juliana kinabukasan. I was rubbing my still sleepy eyes while going down the stairs when she went to me excitedly, hindi makapaghintay na tuluyan akong makababa.

Linggo ngayon at hindi kami magbubukas ng karinderya kaya sinulit ko na ang tulog ko. Wala rin naman kasi akong gagawin buong araw. And even though I don't want to admit it, I still don't know how to face Jiro after that kiss last night. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong magsorry at dapat ding linawin ko sa kanya na wala akong plano na lumagpas pa kami sa magkaibigan. That's it. But I don't know how to start.

"Bakit Tiya? May iuutos po ba kayo?" Tanong ko.

"Hindi pa rin kasi humuhupa ang rayuma ng Tiyo Berto mo kaya naisip kong ikaw na muna ang utusan kong mamalengke ng mga gagamitin bukas sa mga putaheng lulutuin." She said while dragging me towards the kitchen. Naabutan naming nagkakape si Jiro sa hapag. Nagkatinginan kaming dalawa pero mabilis itong nag-iwas ng tingin. Ipinaghila naman ako ni Tiya ng silya kaya tahimik na akong naupo. Sa harap niya.

"Huwag kang mag-alala at kasama mo naman si Jiro. Nasa kanya na rin ang listahan ng mga bibilhin at ibibigay ko naman sa'yo ang pera pagkatapos mong mag-agahan."

Tumango ako at nagsimula nang kumain. Umalis si Tiya at naiwan kaming dalawa. Tumikhim ako para kunin ang atensiyon niya na ibinigay niya naman kaagad. Ayoko nang patagalin pa ito. The awkwardness is killing me. Bago kami tumulak mamaya, gusto kong pag-usapan na namin ito ng maayos.

"About what happened last night... I just want to apologize—"

"Why are you the one saying sorry? Ako dapat ang humingi ng tawad dahil ako itong nagpatiuna sa halik na nangyari." Putol niya sa dapat sana'y sasabihin ko. Napakurap-kurap ako. He sighed and continued. "I kissed you and you pushed me away but I still insisted. I'm sorry..."

I nodded and dropped my eyes on my plate. I want to say something, too, but I couldn't. Or maybe I really didn't know what to say. So it's better to just keep quiet. Than make things worse.

"We're friends, Jiro." I managed to say in the end. He nodded and didn't say anything anymore. I felt light after our short talk. Parang may nawalang mabigat na nakadagan sa akin. Pakiramdam ko ay kahit papaano ay nalinis ng kaunti ang konsensya ko.

Namalengke kami pagkatapos ng agahan. Sumama sa amin si Niña kaya kahit papaano ay hindi naman naging awkward ang dalawampung minutong biyahe patungo sa palengke. At ganoon din pauwi.

The wind chimes moved, creating a soft sound when someone entered the door of the carenderia. Kaagad akong napabaling sa may pinto at napagtantong may bagong dating na customer. Taga rito lang sa San Gabriel at hindi kung saan.

I paused when I caught myself feeling disappointed by something. Ipinilig ko ang ulo ko at nagdesisyong lapitan na lang ang bagong dating para kunin ang order.

It was absolutely Alas' fault why I am feeling this way. He told me that Kyer will immediately come here upon knowing where I am but days have already passed and nothing happened. Again, I'm not waiting for him. Ayoko lang na magulat kung bigla na lang siyang magpapakita sa akin kaya nakikiramdam ako sa paligid.

"Kailan ka ba uuwi? Just tell me at babalik ako diyan para sunduin ka." It was Alas, one night when I decided to give him a call. "You need to go home now, Shiera, and help your father save your dying company..."

I sighed heavily. "Daddy will ask for my help if he needs it. But since he's not even calling me, I guess, I am still no use for him—"

"At kung meron na, magpapagamit ka na naman na parang walang nangyari?" It was Alas' aggressive question. Ngumuso ako at tinanaw ang madilim na kalangitan mula sa bintana ng kwarto.

When the Ash Fades (Fortalejo Series #2)Where stories live. Discover now