Chapter 12

141 7 2
                                    

Dangerous

"Ano? Nagbati na ba kayo ng nobyo mo?" Kaagad na pang-uusisa ni Yaya Veron pagkauwi ko sa bahay. Pati si Anisa na nagkukunwaring nagpupunas ng coffee table ay halatang gusto ring makichismis. Bumuntong-hininga ako at nagdesisyong ibahin ang usapan.

"Nandito na ba si Daddy?"

"Ay ma'am! Kanina ho umuwi pero umalis din kaagad! Sina Ma'am Marissa po at Ma'am Katrina lang 'yung naiwan dito pero mukhang nasa mga kwarto nila at nagpapahinga." Sagot naman ni Anisa.

Tumango ako at lalagpasan na sana sila para maakyat na sa kwarto pero muling nagsalita si Yaya.

"Ano nga? Nagkaayos na ba kayo-"

"Hindi naman po kami nag-away ni Kyer, Yaya." Paliwanag ko na mukhang ayaw nilang paniwalaan ni Anisa. Kulang nalang ay sumagot sila ng "weh? 'di nga?"

Totoong nag-away kami... kung away bang matatawag iyong sagutan namin sa tawag pero ayokong malaman pa nila iyon. Ewan ko ba pero mas mabuting sa aming dalawa na lang iyon ni Kyer. Kasi narealized ko... parang wala namang sense 'yung pinag-awayan namin. Parang away-bata lang.

Napakamot sa batok si Anisa. "Talaga Ma'am? Eh bakit po kaninang umaga e parang pinagsakluban ng langit at lupa si Sir habang naghihintay sa'yo?"

Kumunot ang noo ko. Mukhang nasobrahan yata sa kakaimagine itong si Anisa. Kung ano-ano nang nakikita.

"Baka gutom lang 'yan Anisa. Magmeryenda ka na kaya muna? Gawan mo na rin si Yaya. 'Wag niyo na akong isali kasi busog pa naman ako." Sambit ko at umakyat na sa hagdan. Mabuti na lang at hindi na naman nila ako pinigilan.

"Ayiee! Ma'am, nagdate po ba kayo? Saan po?"

"Hindi 'yon date. Kumain lang." I explained and waved my hand, dismissing them. Dumiretso ako sa kwarto at kaagad na nagbihis ng pambahay. Pagkatapos ay kaagad akong humilata sa kama. Kinuha ko ang cellphone at nakitang malapit nang mag-alauna ng hapon.

Bago kami umuwi ni Kyer ay naglunch na kami sa nadaanan naming barbeque house na ako mismo ang pumili. Medyo namangha pa ako kasi hindi man lang siya nagreklamo. I mean, okay naman 'yung barbeque house pero akala ko ay mag-iinarte siya dahil sobrang yaman niya pero kung saan-saan lang kakain?

I was about to close my phone when it beeped. Bahagya akong napaahon nang makitang si Kyer iyon. He texted me... just after we parted ways. Ni hindi pa nga nag-iisang oras.

Anong problema ng mokong na 'to?

Nibbling my lower lip, I opened his message. Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko. What the hell?

Kyer Fortalejo:

I'm home now.

Natawa ako at natulala saglit. Kalaunan ay di ko na napigilan ang pagsasalubong ng kilay ko habang unti-unting nararamdaman ang kakaiba sa dibdib.

Annoyed because I'm starting to feel something weird just because of his simple text message, I hastily typed my reply.

Ako:

Share mo lang?

Na kaagad ko ring pinagsisihan. Kasi diba, dapat nagpapakabait ako? Kasi paano niya ako magugustuhan kung magpapakamaldita ako sa kanya? Gaga talaga!

Susubukan ko sanang burahin ang message ko kahit alam kong wala na iyong kwenta pero naunahan niya ako. Nakapagreply siya kaagad. At base sa text niya, mukhang wala lang sa kanya kahit na parang sa tanga 'yung reply ko.

Kyer Fortalejo:

Yes. What are you doing?

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. This time, medyo pinag-isipan ko muna kung anong sasabihin ko.

When the Ash Fades (Fortalejo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon