Chapter 10

218 9 1
                                    

Feelings

Fortunately, when I woke up in the morning, my fever was gone. I still have cough and colds though it was bearable. Iinuman ko lang 'to ng gamot at maraming tubig for sure na mawawala na rin kaagad.

Wanting to have a productive day, naligo muna ako at nagbihis bago nagdesisyong bumaba. I wore a simple mint green hanging blouse and a maong shorts and I also braided my hair after drying it using a hair blower.

Pababa na ako sa hagdan nang salubungin ako nang nakangising si Anisa. Humagikhik pa ito dahilan para kumunot ang noo ko. Ano kayang meron?

"Good morning, Ma'am! Tamang-tama po at bumaba na kayo! Gigisingin ko po sana kayo e!"

Bumuntong-hininga ako at nilampasan siya. "No need to wake me up on weekends, Anisa. Wala naman akong pasok . . ."

"Alam ko Ma'am . . . kaso may bisita po kasi kayo ngayon, e!"

Ah, okay. Siguro ay ang pasaway na naman na si Alas Sandoval. But I already told him yesterday na hindi na muna ako sasabay sa gym.

"Ang gwapo Ma'am! Siguradong matutuwa kayo!"

I chuckled. Itong si Anisa talaga. Makapagreact ay akala mo ngayon lang nakita si Alas.

Siguro crush nito si Alas?

"Siguro yayayain po kayong magdate ngayon!" Dagdag pa nito at paimpit na tumili.

Napailing na lang ako.

"Si Alas ba? Tell him to join me for breakfast-" Kaso hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang makita kung sino ang lalaking nakaupo sa sofa sa living area at kasalukuyang nakatingala sa kinaroroonan ko.

Wearing a white knitted long sleeve shirt, a black pants, leather shoes, and normally sitting on our sofa while holding his phone, Kyer Fortalejo looked like he just came out from a fucking magazine.

Seryoso ang ekspresyon nito habang nakatingin sa akin. Tila binabasa ako at isang pagkakamali ko lang ay tiyak na malilintikan ako.

Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito?

"Ma'am, ang gwapo-gwapo po di 'ba? Mas bagay po siya sa'yo kaysa kay Ma'am Katrina." Narinig kong mahinang sulsol ni Anisa sa likuran ko.

I cleared my throat and looked away. Nagpatuloy ako sa pagbaba at imbes na puntahan siya, sa dining area ako dumiretso. Bakit ko siya lalapitan o kakausapin? Sigurado namang si Katrina ang ipinunta niya rito. At isa pa, buo na ang desisyon ko.

I won't marry him anymore.

Kung magpapakasal man ako sa isang Fortalejo, hindi na siya iyon. Baka 'yung Pharis o di kaya'y 'yung Jeremy na lang. O kahit sino sa mga apo ni Don Ambrocio. 'Wag lang siya!

"Ma'am, LQ po ba kayo?" I heard Anisa's curious question.

Pagak akong tumawa. "LQ? Lover's quarrel? Ha! Eh hindi naman kami lovers niyan! At isa pa, stop talking about him! Hindi ko naman 'yan bisita! Baka si Katrina pinunta niyan. Tawagin mo . . ." I said while taking a seat.

Kumuha ako ng pagkain samantalang sinalinan naman ni Anisa ng juice ang baso ko.

"Eh Ma'am, wala naman po dito si Ma'am Katrina ngayon. Pati 'yung nanay niya at 'yung Daddy mo po." Anisa explained.

Umirap lang ako at nagsimula nang kumain.

"Ano Shiera? Hindi mo man lang ba yayayain 'yung bisita mo?" Muntik na akong mabulunan nang biglang pumasok si Yaya Veron. Nakapamaywang ito at halatang hindi natutuwa sa inaasal ko. "Kanina pa 'yan dito. Ni ayaw na ipagising ka kasi maghihintay daw siya. Inalok ko kanina ng kape, tumanggi. Anong oras na oh? Siguradong gutom na 'yan! Susmaryosep 'tong batang 'to!"

When the Ash Fades (Fortalejo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon