Chapter 13

173 6 0
                                    

Kiss

Inayos ko ang suot na hand wrap habang nakaupo sa isang puting monoblock. Nasa loob na kami ng inihandang ring para sa sparring na magaganap. Nakatayo sa tabi ko si Alas at may hawak nang boxing gloves.

"Hindi kaya dehado tayo? Kanina ka pa pagod sa pagwoworkout samantalang kadarating lang ni Viviene... at mukhang inspired pa."

Sinamaan ko ng tingin si Alas pero wala sa akin ang atensiyon nito kundi nasa panig ng mga kalaban. Sinundan ko ang tingin nito hanggang sa magtama ang mga mata namin ni Kyer. Nakatingin ito sa akin at mukhang problemado. Nakahawak sa haligi ng ring at ang isang kamay ay gamit sa paghilot sa sentido. Mukhang hindi nito nagawang kumbinsihin si Viviene na huwag nang magpatuloy.

Gusto kong matawa. Baka umiyak 'to kapag dumugo ilong ng babae niya?

Hinarap ako ni Alas.

"Teka, di'ba sabi mo busy 'yang Kyer na 'yan? Bakit nandito at mukhang sasamahan pa sa paggigym si Viviene?" Litong tanong nito habang inaalalayan ako sa pagsuot ng gloves.

"Akala ko lang yata." I answered like it was nothing.

"Mukhang totoo ngang may relasyon ang dalawa." he added. Tunog concern iyon.

"Mukha nga." Saad ko.

"Hihiwalayan mo na?"

I chuckled. "Hindi naman kami, Alastair."

"Lalayuan?" he probed.

Ngumuso ako. "I'll think about it."

Alas groaned like my answer is so fucking stupid. Tumawa na lang ako at nagkibit-balikat. Sunod kong pagbaling sa direksiyon ni Kyer ay naabutan kong naglalakad na ito patungo sa kinauupuan ko. I welcomed him with a playful smirk but he ignored it. Ang kaninang inis ko para sa kanya ay bumalik tuloy.

At kung hindi lang dahil doon ay baka napuri ko na siya dahil sa bagong gupit niyang buhok. Just a cleaner version of his haircut before but he looked more handsome because of it. Pero dahil nakakainis siya, wala, pangit na ulit siya sa paningin ko.

"Let's go home." Panimula niya nang makalapit. Saglit niyang tinapunan ng masamang tingin si Alas na parang ito ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon bago ibinalik sa akin ang buong atensiyon. "You don't need to do this sparring, Shiera—"

"I want to do this." I cut him off without mercy. Umubo si Alas at walang pasabing umexit na. Na para bang hindi lang ubo ang aabutin niya kapag nagtagal pa siya malapit sa amin ni Kyer. "At gusto rin ng girlfriend mo. So it's okay." I added, in a more relaxed tone.

His forehead creased. "What girlfriend?"

Magmamaang-maangan pa.

I sighed in a very calm way. "Viviene."

Saglit na napaawang ang bibig niya bago ako mariing tinapunan ng tingin. "I already told you, she's not my girlfriend. I don't have one—"

"Sige, hindi pa girlfriend. Nililigawan pa lang?"

"What?" he hissed like my accusation was ridiculous.

Deny pa more, Fortalejo.

Pansin kong tapos nang magsuot ng gloves si Viviene at naghihintay na rin si Sir Michael para mag-officiate. Sadyang wala lang may lakas ng loob na gambalain ang lalaking nasa harapan ko para sabihing magsisimula na ang sparring.

Who would dare interrupt a Fortalejo anyway?

Tumayo ako at may kaagad nang kumuha sa monoblock chair. Kaagad na nag-ingay ang mga taong nakapalibot sa labas ng ring para manuod sa mangyayari. At ang walang-hiyang si Alas ay nakikipagpustahan na yata.

When the Ash Fades (Fortalejo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon