Chapter 15

94 6 0
                                    

Happy

"What? Kyer, I'm not prepared!" reklamo ko.

Kahit nga ang pagpunta ko rito sa condo niya ay wala sa plano ko tapos ngayon, gusto niyang ipakilala ako sa mga pinsan niya? Bilang ano? We're not in a relationship in the first place. Anong sasabihin niya? Hi guys, this is Shiera, my friend?!

"I have no choice but to open the door and let them in. They know that I'm here. And they will still see you once they entered. Unless you want to hide inside my room? Pwedi rin,"

Napanganga ako at hindi makapaniwala siyang tiningnan. He chuckled when he realized it. Pabalang kong binawi ang kamay ko at inirapan siya.

"Sa kwarto mo talaga? Walang guest room?" I asked in a very sarcastic tone. Umiling siya at pilit na nagseryoso. He tried to reach for my hand again but stopped himself when he saw that I was watching him intently. Itinuko niya na lang ang kamay sa sink, bahagya akong ikinukulong.

"Well, I have eight other rooms. But my room is the cleanest one since 'yon lang ang nagagamit." He slowly and calmly explained. "But if you don't want to stay in my room, I can offer you the other rooms. I'm just giving you the best option, Shiera."

"May sinabi ba ako?" balik ko.

He politely shook his head. Like a good boy who doesn't want to get scolded by his evil auntie. Ngumisi ako at nilampasan siya para bumalik sa mesa.

"Puntahan mo na mga pinsan mo. Dito lang ako sa kitchen. I'm still hungry that's why I will finish my pasta. Don't mind me here." I said as I mind my own business: eating the pasta he cooked for me.

"Alright," he said before he strides towards the door in the living room that was still ringing. Narinig ko ang pagbukas niyon pero kalmado lang akong nagpatuloy sa pagkain. Alam ko namang magagawan niya ng paraan na hindi ako makita ng mga pinsan niya.

"What took you so long to open the door? Nangangalay na mga binti ko, Kyer." Reklamo ng isang boses babae na sinundan ng marahang tawa ng isang lalaki. "Stop laughing at my misery, Jeremy. Sipain kita diyan, e."

Jeremy? That name is familiar.

"Heels pa more, Señorita." Komento naman ng isa pang lalaki. Kahit ang boses nito ay medyo pamilyar din sa akin. Parang narinig ko na dati.

"I'm sorry, nakaidlip kasi ako." Sagot ni Kyer sa tanong sa kanya ng babae. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Mukhang pumasok na sila. Napainom ako ng wine at napatingin sa pinggan kong ubos na ang laman.

I still want some though.

"Nakaidlip? Baka naman ay may dinala kang babae rito? One of your girls? And you got busy with her?" It was his girl cousin again. Muntik na akong masamid ng wine dahil sa huling sinabi nito. "Is she still here? Hiding inside your room?"

"Stop being nosy, Taleya." Boses ng masayahing lalaki iyon, kung tama ang pagkakarinig ko.

"I don't have girls, Taleya." Kalmadong sagot naman ni Kyer dahilan para mapataas ako ng kilay. Well, after his explanations a while ago, I kind of believe him now. Subukan niya lang.

"Maniwala ako. Kung si Kuya Zairus ang magsasabi niyan, maniniwala ako. Pero kayong ibang pinsan ko? A big no."

Someone laughed.

"Kuya Zairus is just polite now since he is already married. Pero noon—"

"Nope. He only loves Ella. He only flirts with Ella. He's only sweet to Ella. Only Ella. Ella. Ella. And I understand him. Sa ganda ba naman ni Ella?"

"What a beautiful poem!" The guy who sounds playful said. "Let me guess the title? Ella, is it?"

"Gago," the other guy commented.

When the Ash Fades (Fortalejo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon