Chapter 7

165 7 0
                                    

Souvenir

Totoo ngang hindi lahat ng bagay ay naaayon sa plano.

I planned on taking Alas with me along with his sister and nephew but something urgent happened that he needs to take care of. Kaya in the end, mag-isa akong nagpunta sa Hayara Beach Resort dahil hindi ko naman pweding bitbitin kapatid at pamangkin niya nang wala siya.

Naisip kong para tuloy akong kagagaling lang sa breakup na nagbeach mag-isa para makalimot habang nasa sun lounger at umiinom ng buko juice. Kagigising ko lang at dahil hindi pa naman ako nagugutom ay pinili kong magbasa na lang muna ng libro malapit sa dagat.

I am wearing a red twisted bandeau top and thin stringed bikini bottom covered by a white sheer kimono cardigan. My hair was in a high ponytail and my eyes are covered with dark sunglasses. Para talaga ako nitong baksyonistang in the process of moving on. Mag-isa at brokenhearted. Mabuti na lang at maganda naman ako. Being alone right now won't hurt that much.

At bakit ako panghihinaan? May mga kasama ngang boyfriend ang iba pero nasa akin naman ang mga mata ng mga boyfriend nila.

I smirked inwardly and continued indulging myself. Itinuring na talagang bakasyon ang pagpunta rito at tuluyan nang nakalimutan ang totoong pakay.

Nang mag-alas diyes ay saka ko pa lang naisipang magbreakfast sa restaurant ng mismong resort. I'm still on my bikini pero dahil confident naman ako, hindi na ako nagbihis bago kumain. Atsaka, balak ko kasing maligo sa dagat after kong kumain so ayos na 'to.

I ordered pancakes, my favorite coffee, and some vegetable dish. Gusto ko sanang magheavy breakfast kaso naka-bikini ako. Baka lumaki tiyan ko. Magpipicture pa naman ako mamaya ng pangpost ko sa IG.

Speaking of picture! Napairap ako. Alas is not here. Sinong magpipicture sa akin?

"Hi, can I join you?"

Napaangat ako ng tingin. A tall handsome foreigner smiled at me when our eyes met. Bitbit nito ang tray niya ng pagkain. Nakatopless at mukhang maliligo rin mamaya sa dagat.

Kung sa ibang pagkakataon ay tatanggi ako. Pero dahil mukhang magagamit ko siya as photographer ko mamaya . . .

I gave him a sweet smile. "Sure, why not?"

"Thank you,"

Kaagad siyang naupo sa kaharap ko na pwesto. A group of foreigners from the table next to us roared a cheer. Some whistled while the girls let out a squeal of excitement.

I removed my sunglasses just to give them a nonchalant stare. Natahimik sila pero halata pa rin ang kagustuhang tuksuhin ang lalaking kaharap ko.

"Ah, don't mind my friends." Tila nahihiyang sambit niya at napakamot pa sa batok.

Isn't it weird? May mga kasama naman pala siya pero sa akin na hindi niya kilala siya naki-table?

Napailing ako. Well, maliban na lang kung may plano siyang landiin ako kaya siya nandito? Hmm, pwedi naman. We can be friends while I'm here at Hayara. Dalawang-araw din ako rito. At mukha namang mabait siya.

"It's okay," I smiled and started eating. Ganoon din siya. We exchanged a couple of pleasantries while eating until he finally got the courage to ask for my name. Natawa na lang ako. What a shy boy.

"I'm Shiera. What about you? What's your name?"

Pansin ko ang pamumula ng mga tenga niya. "Lancelot Gomez. Just call me Lance . . ."

Tumango ako. Kahit papaano ay ayos naman siyang kausap. We talked about simple things like foods and hobbies and I'm a bit happy because we have many similarities in terms of likes and dislikes.

When the Ash Fades (Fortalejo Series #2)Where stories live. Discover now