Chapter 6

175 7 3
                                    

Condition

Tahimik kaming kumain ni Kyer. Yaya Veron refused to join us kesyo busog pa raw siya at may tatapusin munang palabas na pinapanuod. Kami lang tuloy ni Kyer ang tao sa dining area dahil hindi rin naman na kami sinundan pa nina Daddy at Katrina na siyang lihim kong ipinagpasalamat sa Diyos.

Though ayos lang naman kung sasaluhan nila kami sa pagkain pero hindi ko maipagkakailang mas mabuting hindi na muna. Kailangan ko munang mag-isip ng mga isasagot sa mga posibleng tanong at pang-iinsulto nila.

I can already hear Katrina's irritating voice.

Shiera, paano mo ginayuma si Kyer?

Shiera, hindi ka na ba naawa sa akin na kapatid mo?

Shiera—

I shook my head and silently cursed myself for overthinking. Napainom ako ng tubig bago tiningnan ang kaharap na mukhang kanina pa nakatingin sa akin. Ubos na ang pagkain sa pinggan ko samantalang nangangalahati pa lang 'yung sa kanya. Tatanungin ko na sana siya kung hindi niya ba nagustuhan 'yung pagkain nang maunahan niya ako.

"Ang konti lang ng kinain mo . . ." Puna niya.

I smiled brightly. "I'm on my diet . . . that's why."

"Really? Sa liit mong 'yan? May lugar pa 'yung salitang diet sa'yo?"

Napanis ang ngiti ko. Sumandal ako sa upuan ko at ipinagkrus ang mga braso. Samantalang nagpatuloy naman siya sa pagkain. "You know what, that's body-shaming . . . And for your information, my body, my rules." Pero kalaunan ay napangisi ako nang may naisip. "But, if you become my husband, I will let you decide for my body. Kung gusto mo akong patabain, ayos lang . . ."

Bahagya siyang nasamid at masamang tingin ang ipinukol sa akin. "That's not going to happen, Ms. Montecarlos. This is the first and last time that I will entertain you. As you see, I'm a busy person. I have no time for that kind of jokes, okay?"

"But I want to get married . . ." Maarte na sagot ko.

Kumunot ang noo niya at napakamot sa kilay. "Well, that's not my problem anymore—"

"Well, it is because it's you who I want to be my husband." Diretsahang sinabi ko na parang nagsabi lang ako kay Yaya Veron kung anong gusto kong meryenda. Napaawang ang bibig niya at naibaba ang hawak na kubyertos sa kanyang pinggan. Looks like he already lost his appetite. Napainom siya ng tubig.

Pumangalumbaba naman ako sa harap niya. "Bakit ba ayaw mo sa akin—"

He cut me off along with the loud thud of the glass against the table.

"Too many to mention." He said with clear annoyance. Napanguso ako at saglit na napaisip. He sighed and looked away when he noticed that I'm not taking his reason seriously.

"Sige, tell me one . . ." I said that like a promise that I will stop pestering him if he'll just give me an answer.

Umirap siya. Halatang ayaw sanang sumagot pero mukhang alam na niyang hindi ko siya tatantanan hangga't wala akong nakukuhang tugon. "You're too young for me."

Nagulat ako sa rason niya pero hindi iyon ipinahalata.

I chuckled. "That's not true! Ayon kay google ay twenty-eight ka pa lang naman. So, dahil twenty-two na ako, six years lang age gap natin—"

"Kahit na. Tumigil ka. I prefer someone older than me—"

Mabuti na lang at mabilis gumana ang utak ko. "Eh? Talaga? Akala ko ba old carabao eats young grasses?"

I saw how his face turned crimson. "J-Just . . . shut up!" he hissed.

Pero nagpatuloy ako. Hindi naman kasi ako nasisindak sa kanya. "Tapos . . . baby face ka naman. Sakto maging baby ko . . ."

When the Ash Fades (Fortalejo Series #2)Where stories live. Discover now