Chapter 18

106 6 0
                                    

Company

My father's initial plan was to send me overseas but I don't know what changed his mind. My passport was ready and everything was already settled when he told me not to leave the country anymore. Sa halip ay inutusan niya akong magtungo sa isang liblib at malayong probinsya sa Norte.

Tahimik kong pinagmasdan ang paglubog ng araw mula sa burol. The cold wind blew my now short hair. I sighed and embraced myself since I'm wearing a sleeveless dress. It's been what? Three years? Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung ikinasal na ba si Katrina. Not that I want to know. At wala na rin naman akong planong bumalik pa roon. Ang sabi kasi sa akin ni Daddy ay kokontakin niya lang ako sa oras na kasal na si Katrina kaya ako naghihintay.

He's still my father and I kinda miss him.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap..." Napalingon ako nang may narinig akong nagsalita. I smiled a bit when I saw who it was. Si Jiro, ang nag-iisang anak ng mag-asawang kumupkop sa akin dito sa San Gabriel na ayon kay Daddy ay mga dating tauhan ni Lolo.

"Ah, nagpapahangin lang. Bakit? May iuutos ba sina Tiya Juliana?" Tanong ko at bahagyang lumapit. Umiling ito at nakahalukipkip na binalingan ang papalubog na araw na kanina lang ay pinagmamasdan ko.

"Kung pagod ka na, pwedi namang dumiretso kana sa bahay at magpahinga. Huwag dito sa burol at... maraming lamok." Sermon nito sa seryosong boses. Natawa tuloy ako. Palagi siyang ganito. Mas masungit pa siya sa ama niyang si Tiyo Berto.

"Hindi. Babalik pa ako sa karinderya. Tutulong pa ako kay Tiya hanggang sa magsara tapos sabay na kaming uuwi-"

"Nandito naman ako kaya pweding umuwi ka na." Putol niya sa akin. May mga araw kasi na wala siya dahil nagtatrabaho siya bilang engineer ng isang ipinapatayong bahay sa kabilang barangay.

"Ang kulit. Ayoko nga." Sagot ko, unti-unti nang naiirita na naman sa kanya.

He sighed and nodded in defeat. I smiled and he saw it. Napailing na lang siya at muling inabala ang sarili sa magandang tanawin sa harap.

Jiro is a year older than me. Matipuno at matangkad. Gwapo at may pagkamisteryoso kaya maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kanya rito sa San Gabriel. Madalas pa nga akong awayin ng iba dahil akala siguro'y may relasyon kaming dalawa. Palagi kasi kaming magkasama at nasa iisang bahay lang din nakatira.

"Marami pa bang customer?" Tanong ko pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan.

"Medyo,"

Tumango ako. "Eh, di, bumalik na tayo?"

Hindi siya sumagot pero lumapit siya sa akin at tahimik na naglahad ng kamay. Medyo madulas kasi ang daan pababa. I smiled and without a word, I accepted his hand.

"Kapag nakita tayo ni Mila ay siguradong magwawala na naman 'yon. Patay na patay pa naman 'yon sa'yo." Biro ko nang nasa kalsada na kami. Maglalakad lang ng kaunti at nasa karinderya na nila kami. Napasimangot siya sa sinabi ko at binitawan na sa wakas ang kamay ko.

"Tss, hindi ako interesado sa babaeng 'yon."

I chuckled a bit.

I can't help it but sometimes, he really reminds me of someone else. Ang lalaking matagal ko nang pinipilit na kalimutan pero hindi ko naman magawa. Dapat hindi ko na 'yon iniisip, e. Baka pa ay kasal na 'yon kay Katrina. Pero dahil kay Jiro, halos araw-araw ko tuloy na naaalala.

Pareho silang may pagkamasungit. Pareho ring mabait. At parehong magaling magluto.

"May iba akong gusto, Shiera." Saad ni Jiro nang nasa harap na kami ng malaking karinderya nila. Tumango ako dahil alam ko naman iyon. Sinabi sa akin noon ni Tiya Juliana na matagal nang may gusto si Jiro sa anak ng Mayor nila dito.

When the Ash Fades (Fortalejo Series #2)Where stories live. Discover now