𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟐

Magsimula sa umpisa
                                    

Umupo naman si Pranpriya sa tabi ni Seven saka nginitian kami.

"Hi." Bati niya kaya ngumiti din kami.

"Yow, I'm Sevien but just call me Seven. Nice to meet you." Pagpapakilala ni Seven at nakipaghand shake.

"The names Gavian, welcome to hell- I mean welcome to Philippines." Nakipagkamay din siya saka hinaplos ang batok niya.
Siraulo amp.

"Khaiden nga pala, Kai for short."

"I'm Paisley Jane but call Pj instead."
Nakipagkamay din sila at ngumiti, tumingin naman sakin ang babae at napatulala na naman ako.

Dahil ngayong medjo malapit na siya ay kitang kita ko na ang mga mata niya.

"How about you? What's your name?"

Hindi nga ako nagkakamali sobrang magkapareho ang mga mata nila.

"Hoy Dre! Bakit ka nakatulala diyan? Ano daw pangalan mo gago." Agad akong nabalik sa ulirat nang hampasin ni Kai ang batok ko.

"Huh? Oh sorry, I'm Maxileigh btw." I awkwardly smile then extend my hand for hand shake.

"Nice to meet you all." Nakangiting aniya matapos naming magkamayan at humarap na kay sir dahil nagsimula na itong magdiscuss.

Tinignan ko ang mga kaibigan ko na nakatingin na sakin ng my pagaalala, nginitian nila ako ng maliit at tinapik pa ni Kai likod ko bago nagtuon ng atensyon kay sir.

Huminga ako ng malalim at inayos ang upo, bakit ba hindi ako makamove on hanggang ngayon?

Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, sobrang sakit pa rin. At sobra ko na siyang namimiss.

....

Matapos ang isang oras ay natapos na rin si sir, pagkalabas ni sir ay nanatili kaming nakatayo. Nakita ko pa nga na nagtatakang tinignan ni Pran si Seven, may binulong naman ito sakaniya na kalauna'y ikinatango niya.

Pran na lang tawag ko sakaniya, paladesisyon ako e.

Si ma'am Zane na kasi sunod, kailangan nakatayo na agad kami bago pa siya pumasok kung hindi ay mapapagalitan na naman kami.

"Good morning." At ayan na nga po ang reyna.

"Good morning Ms. Miller." Tinanguan niya kami at agad na napatingin kay Pran at pinanliitan ito ng mata. Amp.

"New student?" Tanong niya na ikinatango ni Pran.

"Yes po ma'am, I'm Pranpriya Manoban." Pagpapakilala niya na tinanguan din ni ma'am.

Ano ba ba't puro tanguan, ako nahihilo sakanila e.

"I see, welcome to M. A. U the names Maia Miller, but I preferred to be called Ms. Miller." Wews, ma'am Zane nga tawag namin sakaniya.

"Sit down everyone, let's start our lesson." She commands and we obey.

Saktong pagupo ko ay bigla siyang lumingon sa gawi ko at saglit na nagtama ang mga mata namin bago ako umiwas.

Kunwari inayos ko ang buhok ko at hinawi hawi pa ito habang lumulunok ng mariin.

Aba e, nagtatampo pa rin ako sakaniya.

___

"So what do you want to eat, Pran?"

Tanong ko pagkaupo namin sa usual table namin dito sa cafeteria, hindi namin kasama si Kev at Zev dahil may klase pa sila.

Kanina ay nakakwentuhan namin itong si Pran, at masasabi ko lang ay isa siyang mabuting tao at maangas maging kaibigan. Matalino at open minded person pa, and she's into music and poems too.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon