𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟕

23 2 0
                                    

Maxileigh's pov

Umagang umaga ngunit heto ako at iniikot ang buong building ng BA department, hindi dapat ako gumagawa nito at dapat yung vice president ko ang kaso may sakit si anteh.

I'm observering the hallways, rooms and the students. Tinitignan ko kung sinusunod ba nila ng maayos ang mga rules and regulations ng school.

May bitbit akong parang notebook ata to basta andito yung mga list ng bawat sections, students ganiyan tapos kinakailangan kong icheck mga yun kapag ayos naman rooms nila saka behavior nila.

At habang ginagawa ko yan ay sumisipsip ako ng lollipop, para pampabawas init ng ulo sa tuwing nakakakita ako ng students na mayayabang at kulang sa aruga.

Kaya tinanggihan ko tong trabahong to dahil diyan e, mainitin ulo ko at ayoko sa lahat sinasagad pasensya ko kaya mas gusto ko yung taga ano sa mga event o kahit ano basta wag lang observing.

Basta ayoko sa ano dahil baka maano yung ano at anohin ko pa yung mga ano.

"Good morning, pres."

"Good morning, pres!"

"Good morning po, president."

Bati sakin ng mga estudyante na nadadaanan ko at yung mga nasa loob na rin ng room kapag nasilip ako.

"Hi pres! Gumaganda ka lalo ah."

Ulol pre, di tayo talo.

Binabati ko sila pabalik at ang iba naman ay nginingitian dahil baka tagalan ako dito kung bati lang ako ng bati diba? Nagugutom na kaya ako.

Di ako nakapagbreakfast kanina dahil pinapunta agad ako dito, si ma'am Zane maaga daw umalis sabi ni mommy dahil may meeting daw ito.

Nagluto nga daw yun ng pancake para sakin kaya binaon ko na lang yun at mamaya ko na lang kakainin pagtapos ko dito.

Mabuti na lang talaga at tanghali pa ang pasok ko ngayon kundi baka sinapok sapok ko silang lahat.
Charot.

Pero hindi ko itatanggi na kinikilig pa rin ako hanggang ngayon, ikaw ba naman lutuan ng almusal ng crush mo e.

"Kapag sinabi kong sundin mo'ko, susundin moko! Maliwanag ba?!"

Agad akong napahinto ng biglang may umalingawngaw na sigaw, nasa may ground na ako at bandang likuran na nga school dahil tapos na akong libutin ang mga floors dito.

Parang may nagaaway pero hindi naman ako chismosa kaya dahan dahan akong naglakad palapit sa may labasan sa likod ng school at sumilip.

Oo hindi ako chismosa, pero president ako no, responsibilidad ko kung may nagaaway.

#huwarangpresidente

"Oh? And who are you to obey? I don't even know you, miss." Rinig kong pabalang na sagot ng pamilyar na boses.

Medjo malayo naman ako sakanila at may maliit na puno naman dito kaya nagpasya na akong lumabas at sumandal sa pader habang nakahalukipkip ang mga braso, maybe watching them for awhile is not a problem, right?

Sino ba itong mga nagaaway na to- Hala! Si Pranpriya to ah?!

Sino naman tong kaaway niya? Mukhang paa naman. May mga minions pa na kasama.

"At talagang ang kapal ng mukha mo na sagot sagutin ako ha?! Just for you to know bitch, my daddy is the mayor of this country and you? you're just nothing but a trash that we can easily throw. Kaya kilalanin mo ang binabangga mo." Hala, tapang ni anteh.

Anak ng mayor? Psh, kaya naman pala taas ng tingin sa sarili.

Spoiled brat.

"Oh really? Do I look like I care?" Oohhh, feisty.

UnexpectedΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα