𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟏

17 2 0
                                    

Maxileigh's pov

"Hindi ko alam na may anak ka na pala, ma'am Azalea."

Pagputol ko sa katahimikan dahil kanina pa kami nakaupo dito sa loob ng office niya, matapos kong sabihin yung huli kong kataga kanina ay bigla na lang niya akong hinila palabas ng office ko tapos pinapasok dito sa office niya.

Kita ko pa nga na hahawakan sana ako ni ma'am Zane pero pinigilan siya ni Pj, narinig ko pa yung sinabi niya kay ma'am na 'let her'.

Anong let her ba yun? Amp.

Natigil ako sa pagiisip ng tumikhim si ma'am at umupo ng maayos.

"Yeah, no one knows though." Sagot niya at nagkibit balikat.

"And why's that?" Tanong ko ulit, dahil bakit naman kasi hindi niya pinaalam?

"For my daughter's safety." Iwas tingin na sagot niya, gustuhin ko man magtanong ay hindi ko na ginawa dahil ramdam ko na pribado ang dahilan nito.

"Kung may anak ka na, ibig sabihin may asawa ka na?" Madami akong tanong sakaniya, bahala siya mapagod sumagot.

"I don't have." Pot- bakit ba ang iikli ng sagot nito?

Perks of having a friend like Zane.

"Ah, nabanggit nga ni Xia na nawawala ang daddy niya. Paano nawala ang asawa mo?" Nagcross arms ako at sumandal sa upuan saka siya tinitigan ng seryoso.

"Yes, her daddy are missing, but not because she's her dad doesn't mean she's my wife. And I don't know how did she went missing, rather, hindi ko alam kung nawawala nga talaga siya o sadya siyang umalis." Napakunot ang noo ko dahil sa huli niyang sinabi.

But I was right, it's a girl to girl relationship too just like my parents, pero hindi niya asawa yung daddy ni Xia tapos siya yung nanay.. Huh? Like paano nabuo si Xia kung hindi sila magasawa?

Did they go IVF procedure without getting married or Xia has another 'real man' father? o baka naman babaeng may talong daddy ni Xia na kamukha at kapangalan ko daw. Pero imposible naman.

Sa wattpad ko lang nababasa yung intersex e.

"So ang ibig sabihin it's either she's missing or she intentionally left, maiba tayo, sabi mo walang nakakaalam pero kilala siya ni Zev? And for sure she knows that you're the mother of Xia." Mukhang close pa nga si Zev sa bata, matagal na siguro niyang alam tapos hiniling ni ma'am na ilihim samin.

"Yes, she accidentally saw Xia at my condo four months ago, at duon na nagsimula na magpabalik balik siya sa condo dahil kay Xia and they eventually got close to each other to the point na Xia wanted her tita Zavey to leave with us." Naiiling na kwento nito at nakita ko pa na ngumiti siya ng maliit na nagpangisi sakin ng palihim.

Aba e gusto naman pala nung bata na tumira si Zev sakanila bakit hindi pa tinanggap ni Zev? Hiya hiya pa siya e makapal naman mukha niya.

"Ooh, that's why.. Uh pero yung picture? Yung tinutukoy ni Xia na nakita niya sa kwarto mo. Y-yung picture ng daddy niya, pwede ko makita?" Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan mula pa kanina.

"Ah, that picture, I don't actually have the same picture she saw but here, I have another picture of her daddy." May kinuha siya sa drawer niya at inabot sakin, kinuha ko ito saka tinitigan ng matagal.

"She looks like you that's why Xia thought you are her daddy."

Tama nga, magkamukha kami siguro mga 75% mas poganda ako e.

Pero nang tinitigan ko pa ng mas mabuti yung litrato ay may babae na naman na biglang lumitaw sa utak ko, blurry ulit ang mukha niya tapos naka side view siya sakin parang nakaakbay.

UnexpectedWhere stories live. Discover now